Pito: Mukha

848 33 11
                                    

Pinapatawad na nya ako...

Pandaraya!!

Alas dos... alas dos...

So andito ka na pala! Hahahahaha!!!

Nangyari na 'to ah...!

BUMALIK KA DITO!!!

Weird...

Kodigo!!!

...Panaginip nga ba iyon...?

...HINDI PA AKO TAPOS SA'YO!!!

...O isang realidad...?

SA GANITONG PARAAN LANG...

Napatawad na nya ako... ?

HAHAHAHAHA!!!

Napatawad nya na ba... ako...?

January...

Napatawad... nino...?

February...

...Hindi ko... alam...

March... ang graduation...

...MAKAKAMIT ANG HUSTISYA!!!

Sino ba 'yun...?!

April...

Madilim eh...

...'Di ko makita...

Kamukha...

Sino...?

Ako...

April... MAY!!!

...Congratulations, Dave Delos Santos!

Hahaha! Graduation na!!! Yeaaahhhhh!!!

Ugh...

April... January... March... February... May... May... May...

March ang graduation...

Teka...

Anong... buwan na ba...?! March!

Nagmamarcha!

Congratulations, Dave Delos Santos!

Hahaha! Graduation na!!! Yeaaahhhhh!!!

Ugh...!

TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT...

TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT...

TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT...

---

...Ugh!!!

Pabiglang nagising si Dave, pawis na pawis, at napatulala sa pinto ng kanyang kwarto.

...Ang weird nanaman ng panaginip ko... Kamukha ko... Sino...? May lalake... Saan...? Sa school??? Ugh... Sakit ng ulo ko... Migraine na yata ito. Ang dami ko pang kinain kagabi sa handaan nila mama... 

...TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT...

Tunog nang tunog yung alarm clock na pula. Ngayon nya lang napansin na tumutunog na pala ito. Alas ocho na nang umaga. Namatay rin ito pagkapindot nya.

Alas ocho...? Alarm clock... Bakit nga ba ako nag-alarm? Wala naman nang pasok eh... Katatapos lang ng graduation kagabi...

Lubos na inaalala ni Dave yung panaginip nya, pero sa hindi malamang dahilan, wala syang maalala. Madilim lahat. Blurred yung mga tao. Pero ang naaalala nya may kamukha sya. Kahawig. Di nya alam kung sino, pero nakakatakot ito. Isang bangungot. Pero ang importante sa kanya, naka-graduate na rin sya. Inalis nya sa isip yung panaginip–bangungot– at napalitan ng saya yung takot nya dahil sa wakas! Graduate na rin sya ng high school.

EntabladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon