Sa wakas, tapos na rin ang Entablado. Unang-una, gusto kong pasalamatan ang lahat ng mga nagbasa at magbabasa ng kwentong ito. Alam kong hindi naman sya ganoon kahaba (at hindi rin naman ganoon kaganda) pero sana basahin nyo pa rin.
Sana rin may napulot kayong life lessons (katulad ng sinabi ni Dave sa epilogue) sa pagbabasa ng kwentong ito. Hindi sya ganoon ka-horror at ka-thriller pero kahit papaano naman masasabi kong ang kwentong ito ay “horror with a heart.” May ganon? Lol. May ganon pala.
Nagpapasalamat ako lalong-lalo na sa ex-classmate at friend kong si kathipuneraaa dahil sya talaga ang nagpursige at nag-suggest sakin na magsulat dito sa Wattpad. Really, if it wasn’t for her, I wouldn’t discover such a wonderful website where we can post all our writings. Thanks, Kath! Sana suportahan nyo rin sya sa mga stories nya! At sana patuloy nyo ring basahin ‘yung mga susunod na stories na ipo-post ko dito.
Hindi ako ganoon kagaling sa pagsusulat and it shows, particular ‘yung mga nakakalitong point-of-views sa Prologue at sa Epilogue. Pagpasensyahan nyo na lang sa pagiging magulo. Lol. At sana na-enjoy nyo ‘yung story ko, kahit na medyo hindi ako satisfied sa ending. But still, okay naman sya kahit papaano (LOL).
Fun fact: Una kong sinulat ang kwentong ‘to sa Literary Section ng graduation issue ng campus newspaper namin last year. It was an English short story entitled “The Afternoon’s Silence.” Magkaiba ‘yung kwento, pero ganoon pa rin ‘yung ideas, life lessons, at ‘yung plotline, although medyo sinen-sationalize ko sya nang kaunti para maging thriller -slash- horror ‘yung category nya.
Anyway, maraming salamat ulit sa lahat ng nagbasa, bumoto, at nag-follow sa ‘kin! First time ko ‘to sa Wattpad at ito ang first story ko kaya pagtyagaan nyo na! Hahaha!
(Written February 19 to May 25, 2014)
BINABASA MO ANG
Entablado
Teen FictionGraduation Day ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ng tao. Pero, paano kung ang araw na iyon ay naging isang madilim at nakakatakot na pangyayari? Magiging masaya pa kaya ang araw mo? Hahangarin mo pa kayang mag-marcha patungong entablado kung a...