Chapter 1

279 14 0
                                    

[MAXINE]



"Ms. Lim? Can you please answer this problem on the board?" Agad akong tumayo at dumiretso sa harapan. Inabutan ako ni Mrs. Valdez ng chalk.

4 (2x - 6) + 4 (2x + 2) = 5 (6x + 8) + 2

Easy, complete multiplication, 8x - 24 + 8x + 8 = 30x + 40 +2

Combine like terms together, 16 x -16 = 30x + 42

Subtract 16 x from both sides of the equation, -16 = 14x + 42

Subtract 42 from both sides of the equation, 26 = 14x

Move the coefficient of x to other side, coefficient term in multiplication with x, become division when moves to opposite sides

X = -26 / 14


Wala pang isang minuto ay natapos na akong magsolve. Nagpalakpakan naman yung mga kaklase ko. Parang ngayon palang nila ako nakitang magsolve ng isang basic algebra problem.

"Thank you Maxine, you may now take your seat." Bumalik ako sa upuan ko at nakinig ulit kay Mrs. Valdez.

"Paano mo nagawa yun? Kanina pa ko nagsosolve pero hindi ko makuha yung tamang sagot" kamot ulong tanong ni Germaine. Isa rin siya sa mga matalino dito pero medyo mahina siya sa math, mahilig kasi siya kumanta kaya mas favorite niya yung subject na MUSIC and ARTS.

Nasa 1st section kami kaya expected na lahat ng estudyante dito magaling sa academics, yung iba magaling din sa sports at iba pa. Ako ang class president at nasa akin ang lahat ng responsibilidad ng section namin. Minsan mahirap kasi kapag may school activites ako laging pinapaplano nila para sa klase namin.

Ang Sevit High ay isa sa mga magagandang school dito sa Pilipinas, pero hindi ko lang maintindihan kung bakit pinapayagan ng may-ari ng school na may gang at sorority dito. Nakakadismaya lang kasi pasok kami sa top 3 most outstanding school dito sa Pilipinas.

"Class dismiss!" Agad naman nagsitayuan ang mga kaklase ko. Atat na atat umuwi. Sabagay boring kasi talaga pag last subject na, kahit ako nabobored din.

Nilagay ko muna lahat ng gamit ko sa bag ko bago ako tuluyang lumabas ng classroom. Ang gulo gulo sa hallway, as always. Mga estudyanteng nagsisigawan, nagtatakbuhan, nagkekwentuhan at kung ano ano pa. Parang mga elementary nga yung mga estudyante dito. Di naman ako gumagala pagkatapos ng klase. Uwi ako diretso ng bahay, di naman ako mahilig gumala. Lagi lang akong nasa bahay.

Habang naglalakad ako sa hallway, may napansin akong mga estudyanteng nagkukumpulan sa tapat ng isang classroom. Nagsisigawan yung mga babae tapos nagkakagulo. May artista ba? Lumapit ako sa kanila para malaman ko kung anong meron. Di naman sa chismosa, curious lang hehehe.

"Magsusumbong ka pa ha? Gago ka!" Sigaw ng isang lalaki na pamilyar na pamilyar sakin. Sinuntok niya ang isang lalaki na nakasuot ng malaking salamin, napahiga ito sa sahig. Halos puno na ng dugo at pasa yung mukha niya.

Tinitigan ko ng mabuti yung lalaking binubugbog, lumapit pa ako ng konti at nakipagsiksikan pa ako para mapunta sa harapan.

Si Yvez? Kaya pala wala siya kanina sa classroom. Bakit binubugbog ng mga lalaking to si Yvez?

"Napapagod ka na ba maging lackey?" Muling tumayo si Yvez. Nanginginig na siya sa takot, wala man lang tumutulong sa kanya. Isa din si Yvez sa mga kaclose ko sa classroom. Naaawa akong makita siyang ganyan. Tama ba yung narinig ko? Isa siyang LACKEY? Bakit hindi ko alam yun? Sabagay wala naman akong pake sa mga gangsters at etc dito sa school.

The Lackey Girl | Jinji Fanfiction [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon