Chapter 4

135 7 0
                                    

[MAXINE]

"Guys, bagong classmate niyo Meet Maxine" Paulit ulit na umeecho sa tenga ko yung sinabi ni Gian. Parang nanigas na yata yung buong katawan ko sa pintuan. Lahat ng mata nakatingin sakin. Yung iba nagbubulungan pa.

"Welcome to hell lackey girl!" Sigaw pa ni Lux. Nagtawanan pa silang magbabarkada atsaka nagtatatalo na parang mga kangaroo. May napansin akong grupo ng mga babae na nagkukumpulan sa likod. Yung isa ang sama sama ng tingin sakin yung isa naman nakapoker face lang. At yung nasa gitna naman nakangisi sakin ng bonggang bongga.

Si Geraldine, Fiona atsaka si Fritzy. Yung power puff girls ng sorority. Si Geraldine yung ate ni Germaine, siya ang leader ng sorority, ang gang ng mga babae. Napalunok nalang ako ng laway. Sana panaginip nalang na magiging kaklase ko silang lahat. Puro brutanella at mga warfreak ang mga babae dito. Di ko alam kung kakayanin ko bang magtagal sa section na to. Mga lalaki naman dito puro mga dotaplayer, gangster at iba pa. In short, bagsakan ng mga patapon na tao.

"Dun ka sa tabi ng boss mo maupo" Utos ni Gian sakin. Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakad papasok ng classroom nila. Grabe! Amoy pawis! Diba sila nababahuan sa classroom nila? Ang kalat kalat pa. Ang daming papel na nakakalat sa sahig, may mga natapon pa na juice at tubig sa sahig. Medyo may crack pa yung bintana nila. Yung blackboard nila puro sulat ng kung ano ano. Ang daming vandalism sa pader lalo na sa mga arm chair.

Feeling ko naiiyak na ko habang pinagtitinginan nila ako. Tama bang ganituhin nila ako? Ano bang karapatan ko lumaban? Eh isa lang naman akong NOBODY dito. Sila kilala sila at kinatatakutan ng buong school.

Umupo ako sa tabi ni Lux. Lahat pa rin ng mata nasakin. Yung iba parang di yata makapaniwala na kaklase nila ako. Choosy pa? Kaklase niyo na nga yung pinakamatalino sa batch niyo.

"Ano? Wag mo sabihing di kita binalaan na di ka makakapasok sa section one?" Nakangisi pa siya sakin. Gustong gusto ko siyang suntukan. Ang sama sama ng ugali niya. Lagot talaga ako neto kapag nalaman ng buong pamilya ko na nasa section 10 ako at isa akong lackey ng mga gangster. Paano niya kaya pinalipat dito? Tinakot rin ba niya yung principal para makalipat ako sa section 10? Eh kung ganun, edi siya na!

"Sasama ka bukas sa bar, birthday ni Chester. Libre niya" Bar? As in B-A-R? Never pa akong nakapunta sa mga ganyan! Hindi ako pumaparty, hindi rin ako umiinom. As in wala akong experience sa mga ganyan tapos isasama niya ko sa bar? Nakakaloka!

"Ayoko, di ako pwede sa mga ganyan" Bigla naman siyang natawa sa sinabi ko. Abnormal talaga siya. Diba dapat nagagalit siya sa sinabi ko? Sumubo siya ng isang lollipop habang seryosong nakatingin sa mga mata ko. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko...

"Ano bang ginagawa mo!" Umiwas agad akong ng tingin sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ano bang ginagawa mo!" Umiwas agad akong ng tingin sa kanya. Abnormal yata tong puso ko eh. Bigla nalang tumitibok na parang lalabas na sa katawan ko. Kung ano ano kasing pinagaggawa ng abnormal na gangster na to!

The Lackey Girl | Jinji Fanfiction [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon