Chapter 18

79 6 2
                                    

[MAXINE]

Limang araw nalang at magsisimula na ang school festival. Halos lahat ng estudyante ay busy na sa paghahanda para sa mga activities at contest. Natapos na namin ang steps para sa sayaw namin sa darating na Dance Contest sa closing ceremony ng school na gaganapin next week. Sobra ang paghanga ko kay Fiona dahil nagawa niyang matapos ang steps namin in just one day. Ang mga iba't ibang booths ay naka display na din sa school grounds.

Minamaster nalang namin ang choreo kaya kada hapon nalang kami nagpapractice bago mag uwian. Busy na din kami sa pag aasikaso sa mga booths at iba pang contest. Nag assign ako sa iba't ibang grade levels para sa pagdedesign ng mga booths at inaassign ko naman ang section namin para magdecorate sa stage ng auditorium para sa gaganaping musical stage play ng mga grade 8 students para sa school festival.

"Maxine pinapatawag ka ni Lux" Agad naman akong napalingon sa lalaking kumalabit sakin na si Chester. Di kami masyadong nagpapansinan ni Lux pero panay ang utos niya sa akin. Simula nun lagi na akong umiinom ng vitamins atsaka kumakain ng gulay para hindi na ako mahimatay kung mapagod man ako! Hahaha! Medyo effected naman siya kasi kahit papaano di nako nahihilo.

Huminto ako sa pagpipinta ng mga props para sa musical stage play at nagpunta ako kay Lux na nakaupo sa gilid ng stage habang naglalaro laro lang siya sa cellphone niya. Hindi man lang siya tumutulong para sa amin. Ang hirap hirap kaya magdecorate ng stage atsaka gumawa ng props!

"Aalis tayo mamayang gabi. Tayong dalawa lang" Cold lang yung pagkakasabi niya pero ang lakas ng tama nun sakin! Bigla namang nag init ang magkabilang pisngi. Ngingiti ba ako o hindi? Hindi naman sa kinikilig ako ah pero ano kasi! Basta di ko maexplain yung feeling! Para kasing may regla si Lux eh! Sobrang moody tapos kakausapin ako bigla! Eh parang kahapon inaway niya pa ko tapos galit na galit siya sakin!

"Sa-saan naman tayo pupunta?" Medyo nauutal pa ako sa tanong ko. Wag kang magpahalata Maxine ano ba! Dapat galit ka sa kanya kasi diba di kayo okay! Tinulak at pinaiyak ka niya kahapon!

"Basta. Magkita tayo dito sa labas ng school gate mamaya. 7PM" Ni hindi man lang siya lumingon sakin. Ano bang meron mamayang gabi? Baka birthday niya? Hala! Hindi naman siguro. Hmmm, baka sasabihin niya lang na hindi na ako ang lackey girl niya? Hays. Ewan ko! O baka naman ipapakidnap niya ko sa kalaban nila! Nako Maxine wag kang mag over think.

"Ahh. Si-sige! Maghihintay ako mamaya!" Nakangiti kong sagot. Hindi ko alam kung bakit naeexcite ako sa lakad namin mamaya. Ano ba Maxine, inaatake ka nanaman ng kabaliwan mo ha?

Nagulat ako ng bigla niya kong hagisan ng isang white tshirt.

"Magbihis ka. Ang dumi dumi na ng P.E tshirt mo" Bigla siyang tumayo at naglakad palayo. Naiwan naman akong nakatunganga. Ngayon ko lang rin napansin na puro paint na rin pala yung P.E tshirt ko. Bigla naman akong napangiti sa tshirt na binigay ni Lux. Sakanya ba to? Pero bakit naman niya ko bibigyan ng tshirt? Ano bang pake niya kung madumi na yung P.E tshirt ko? Hays! Baka naman concern lang! Tss! Hindi Maxine, wag kang assuming!

Hindi pa rin ako makapaniwala na kakausapin ulit niya ko ng ganito. Hindi ko alam pero bigla akong napangiti ng malaman kong kaming dalawa lang ang magkasama mamayang gabi. Naglakad ako papuntang CR para magbihis. Nakangiti pa rin talaga ako hanggang sa makarating ako sa CR. Buti nalang walang tao kundi mapagkakamalan pakong baliw.

Pagkatapos kong magbihis ay humarap ako sa salamin. Takte! Para naman akong nanay neto! Ang haba naman ng tshirt ng mokong na yun! Ano ba yan! Mukha akong nanay! Palibhasa ang tangkad tangkad kasi niya eh no! Ininsert ko nalang para hindi panget tignan.

The Lackey Girl | Jinji Fanfiction [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon