Chapter 15

102 6 0
                                    

[MAXINE]

Wala ng klase, nagsisimula na sa pagpapractice ang ibang section para sa school festival. Dito sa section 10 nagkakagulo pa. Wala yata silang balak sumali. Ayoko namang pumunta ulit sa harapan baka kung anuhin pa ko nila Geraldine. Ako ang inassign ni sir Angel sa klase na to. Pero parang di ko yata kaya mag-isa.

"Anong tinutunga tunganga niyo dyan!" Natahimik ang lahat ng biglang pumasok si Sir Angel habang nagdadabog. Nilapag niya ang mga dala dala niya sa teacher's table.

"Iscattered niyo lahat ng upuan at magpapractice tayo! In the count of 1! 2!" Tumayo agad ako at initabi ko nag upuan ko sa pinakadulo ng classroom. Nagtinginan lang silang lahat sakin habang hinihili ko ang upuan ko sa gilid.

"Faster!" Sa muling pagsigaw ni Sir Angel ay atsaka kumilos ang buong klase.

"Gusto ko walang matitirang upuan sa gitna ng classroom! Ang babagal niyo kumilos bilisan niyo!" Sigaw ni sir Angel.

"This is bullshit!" Pag rereklamo ni Geraldine. Sunod sunod din na nagreklamo ang mga kasamahan niya at tinitignan lang sila ni sir Angel habang nakataas ang mga kilay nito.

Matapos maitabi sa gilid lahat ng upuan at nagtipok kami sa gitna. Sa kanan ko si Lux, sa kanila ko naman si Bobby. Ano kayang gagawin namin ngayon. Mag ppe ba kami? Diba wala ng klase kasi dapat magfofocus na sa school festival?

"Sa nalalapit na school festival, ang dance contest ang pinakahighlight nito dahil sa closing ito ng school festival magaganap. Madaming taga ibang school ang dadayo sa araw na yun" Pagpapaliwanag ni sir Angel. Nagbulungan naman agad yung ibang mga kaklase ko. Medyo kinabahan naman ako dahil puro mga gangsters ang kasama ko sa darating na school festival. Bigla ko tuloy namiss yung section one, kamusta na kaya sila? Namimiss ko na yung tahimik kong buhay.

"Gusto kong itayo ang bandera ng last section. Dapat manalo tayo sa contest na to!" Sigaw ni sir angel. Desididong desidido talaga siya na manalo kami sa dancing contest na yun. Sa lahat ng teachers sa skwelahan na to, bilib na bilib talaga ako kay sir Angel kasi never siyang sumuko sa section na to kahit gaano ka stupid yung mga estudyante dito.

"Meron na akong ideya para sa sasayawin natin. Dahil gusto ko maging united ang section na ito. Ang sasayawin natin ay We're All In This Together mula sa highschool musical na kanta" Wow! Ang ganda naman ng kanta na pinili ni sir. Bet na bet ko din yan. Fan din kasi ako ng highschool musical dati.

"Sir wala ng iba? Like pwede yung pang girly naman?" Pagrereklamo ni Fiona, sumang-ayon naman sa kanya yung ibang babae. Pati na rin ang mga lalaki na parang diring diri sa piniling kanta ni Sir Angel. Ako lang yata yung may gusto ng kantang iyon.

"Ang corny ng kanta na yan sir Angel!" Pagrereklamo din ni Geraldine. Ang ganda ganda kaya ng kantang to nuh! Naaalala ko nung mga panahong fan ako ng highschool musical. Halos lahat ng kanta memorize na memorize ko!

"Wag na kayong magreklamo. Sino ba pwede maging lead dancer dito? Dahil sa nangangalang tayo ay last section, walang choreographer na gustong magturo ng sayaw sa inyo kaya tayo tayo nalang ang magtutulungan upang makabuo ng isang magandang sayaw" Pagpapaliwanag ni Sir Angel. Grabe kinamumunghian na ba talaga ang section na ito kaya walang choreographer ang gustong magturo samin. Di nako aasa na mananalo kami. Alam kong walang unity sa section na to, at hindi rin sila interesado sa darating na school festival. Pero baka makumbinsi pa sila ni Sir Angel at biglang magbago ang isip nila. Punasok din sa isip ko na baka makatulong ako para maging united ang buong last section dahil ako naman ang inassign ni Sir Angel na maging leader ng klaseng ito. Nung nagpresenta naman ako sa harap kahapon, nag participate naman sila. Pero nagdadalawang isip pa rin ako.

The Lackey Girl | Jinji Fanfiction [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon