Chapter 21

57 6 0
                                    

[MAXINE]

Nandito na ako sa labas ng school campus, di pa naman nagpapasakay sa bus kaya nandito lang kami sa labas nakatambay. Konti palang kami dito at naghihintay pa kami sa iba naming kaklase. Saktong 5AM palang kasi, siguro mamaya pa silang 5:30 magdadatingan. Hay nako filipino time nga naman! Sobrang aga ko pa naman nagising. Ang aga ko rin kasi nakatulog kagabi dahil sa sobrang excitement. Hinatid pa nga ako ni mommy dito sa school.

"Oh my gosh Fiona! Why do you look so sexy!" Agad na nabaling ang atensyon ko kila Fiona at Geraldine na kakarating palang. Himala ang aga nila ah. Excited na excited yata sila sa outing ngayon ah, hahaha. Pero kapag may pasok halos 3rd subject na pumasok sa school.

"Ano bang pake mo? I love my outfit for today kaya!" Pag iinarte ni Fiona na naka highwaist na shorts at color blue na crop top.

Sobrang flawless at sobrang ganda din ng katawan ni Fiona. Kung di palang siya member ng sorority siguro isa siya sa mga friends ko. Although sikat naman siya dahil isa siya sa mga kagrupo ni Geraldine at maganda naman siya, di ko pa rin siya maapproach kasi natatakot ako sa grupo nila.

"Goodmorning Lackey Girl! Sana mag enjoy ka sa outing natin!" Sarkastikong bati ni Geraldine habang nakataas ang mga kilay niya sa kin. Nginitian ko nalang siya. Buti nalang umalis na sila sa harapan ko kasama ng mga alagad niya.

Hays, ang tagal naman. Teka? Bakit wala pa sila Lux? Pupunta kaya sila Bobby? Hays, di ako mag eenjoy kapag wala sila! Uuwi talaga ako kapag di sila darating ngayon.

Malapit na mag 6, halos nandito na lahat ng section 10 pero sila Lux wala pa rin. Nag iisa lang ako dito nakaupo sa may gilid. Wala man lang pumapansin sakin! Sabagay, wala naman akong friend sa section 10 maliban sa grupo nila Lux. Hays. Sana nasa section one nalang ulit ako. Namimiss ko na sila Germaine.

Halos natahimik ang lahat ng dumating na si Sir Angel na sobrang laki ng ngisi sa labi. Excited na excited din yata siya eh.

"Goodmorning class! Pwede na kayong sumakay sa bus and find your comfortable seats. The bus will leave at exactly 6AM"

Agad naman silang nagsiakyatan na parang mga first time makakasakay ng bus. Grabe, atat na atat lang para silang nagkakarerahan papasok sa loob ng bus. Samantalang ako, heto naghihintay kila Lux at Bobby. Huhuhu. Ano ba yan! Sana naman nagsabi sila kung di sila sasama para di naman ako nag iisa ngayon oh!

"What are you waiting for Maxine, sumakay ka na sa bus. Baka maiwanan ka pa. Let's go girls" Mataray na tugon ni Fiona. Nagtawanan naman silang magkakaibigan at pumasok na sila sa loob ng bus. Inirapan ko nalang sila patalikod. Whatever! Okay lang maiwan ako maoop din naman ako pagsumama ako!

"Maxine, it's almost 6AM, halika na sumakay ka na sa bus" Inakbayan naman ako ni Sir Angel at pinauna na niya akong sumakay sa bus.

Bago ako makasakay sa bus ay may natanaw akong isang lalaki sa di kalayuan na naka mask at nakasumbrero na kulay itim. Medyo matangkad siya at di ko masyadong makita ang mga mata niya dahil sa buhok niya. Nakatingin siya sa direksyon ko at may hawak siyang sigarilyo, biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig ako sa kanya, di ko maintindihan kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. Parang may kakaiba akong nararamdaman. Parang may masamang mangyayari. Hays ano ba yan Maxine! Eto nanaman sobrang negative mo nanaman! Nevermind na nga! Makasakay na nga sa bus.

Hahays! Asan ba kasi sila Bobby! Nawala tuloy yung excitement ko. Imbes na sobrang saya ko na kasi makakagala ako eh di naman pala sila kasama. Hay naku!

The Lackey Girl | Jinji Fanfiction [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon