Chapter 16

108 6 2
                                    

[MAXINE]

Nasa classroom kaming lahat at naghihintay kay Sir Angel para sa practice namin. Tahimik lang ako na nagsusulat para sa programs ng school festival. Nasa tabi ko si Bobby dahil lumipat ng upuan ni Lux. Maingay ang buong klase dahil wala pa si Sir Angel. Medyo nakamove on nako sa nangyari ni Lux samin kahapon. Di lang kaming masyadong nag-uusap ngayon.

"Oh natapos ko na tong isa. Inayos ko na yung schedules ng games" Inabot ni Bobby sakin yung natapos niyang paper works. Nagpapasalamat talaga ako kay Bobby kasi siya lang yung tumutulong sakin dito. Siya lang din yung tunay kong kaibigan sa ngayon.

"Salamat Bobby" Ang dami ko ng utang kay Bobby. Anh dami na niyang kabutihan na nagawa sakin.

"Walang anuman. Oo nga pala. Nabalitaan ko yung nangyari sa inyo ni Lux kahapon. Okay ka na ba?" Baka alam niya yung rason kung bakit nagkaganun si Lux.

"Alam mo ba kung bakit siya nagkaganun kahapon? Bakit bigla siyang nagbago?" Tanong ko kay Bobby. Gusto kong malaman yung dahilan kung bakit biglang nagbago si Lux.

"Sorry Maxine pero hindi ko talaga alam eh. Mabuti pa sundin mo lang si Lux para maging okay na kayo" Baka si Gian lang talaga ang nakaalam. Kailan ba yung tamang panahon na yan! Hays! Susundin ko na nga lang talaga yung gusto ni Lux para maging okay na kami.

"Alam mo Max, may suggestion ako sa mga emcee!" Mukhang magandang ideya nanaman ang maitutulong ni Bobby ah.

"Si Germaine atsaka si Chester nalang ipag emcee mo sa opening ng school festival. Sigurado ako madaming manunuod ng program natin dahil kay Chester." Si Chester? Si Germaine mapapapayag ko pa. Siguro kaya ko namang kumbinsihin si Chester, madali lang naman yun kausap.

"Sige sige. Bagay naman silang dalawa" Nag appir agad kami ni Bobby. Sinulat ko na sa listahan ng mga mag eemcee si Chester at Geraldine.

Napansin kong si Bobby lang ang wala sa grupo ng mga lalaki na nagkukumpulan dun kila Lux. Mukhang seryoso silang nagkekwentuhan. Baka kailangan ni Bobby makisali dun. Baka may importante silang pinag-uusapan.

"Bobby, baka kailangan ka nila dun oh. Punta ka muna sa kanila, ako ng bahala dito sa mga booths" Baka naman kasi ako pa yung masisi nila kaya hindi nakakasali si Bobby sa kanila tapos baka kung ano pang gawin nila kay Bobby.

"Pinag-usapan na namin yan kagabi. Pinapaalam lang ni Lux sa ibang kaklase namin para madami silang reresbak" Reresbak? Makikipagrumble ba sila? Hala! Anong nangyari?

"Saan kayo reresbak?" Di ko mapigilang mag-alala sa kanila. Kahit alam kong mga gangster sila at yun na talaga yung trabaho nila sa pagsali sa gang, hindi ko pa rin mapigilan mag-alala. Lalo na kay Lux, siya panaman ang gang leader at sure ko siya ang titirahin dun. Bakit pa ba ako nag-aalala sa kanya. Hays.

"Nagpadala kasi ng blockmail yung kalaban namin. Kaya ayun, nagplano na agad kami kung paano namin sila reresbakan. Basta, di mo na dapat malaman yung mga bagay bagay na yun. Masyado kang inosente, baka madamay ka pa. Mabuti pa, idiscuss muna natin yung sa booths!" Nagpout naman ako. Ang unfair naman, bakit hindi ko pwede malaman. Sana hindi sila mapahamak sa gagawin nila.

"Anong booths ba ang balak mong ipatayo? At dapat kada booth may section na kang i aassign." Salaysay ni Bobby. Madami dami din naman akong napag isipan kagabi para sa school festival pero hindi rin nagtagal ay humiga nalang ako sa kama ko dahil sa nangyari samin ni Lux kahapon!

"Photobooth, wedding booth, games booth. Sa games booth nandun na yung soda toss, ball toss, pop the balloons, knockdown cups, hoop a toy atsaka iba pang mga games" Sinulat ni Bobby lahat ng sinabi ko para maipasa na namin kay Ms. Katherine at maapprove. Pero gusto ko pang dagdagan yung booths kasi parang kulang. Although madaming games, pero dapat dagdagan pa rin. The more the merrier! HAHAHA!

The Lackey Girl | Jinji Fanfiction [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon