Chapter 7

105 7 0
                                    

[LUX]


Malapit na ko sa bar na pupuntahan ko. Hindi ko pa rin matanggap na pagkatapos ng lahat ng nangyari wala pa din silang pagbabago. Iniwan niya sakin si Laurene. Ako na yung tumayong tatay ng kapatid ko. Lahat ng trabaho pinasukan ko na para lang mapag-aral siya.

Sa school, isa akong maangas na gangster. Lahat ng gusto ko masusunod. Pero pag uwi sa bahay, isa akong anak na walang kwenta. Akala ng iba mayaman ako, oo mayaman kami nung buhay pa si mama, pero lahat ng pera namin kinuha ng magaling kong tatay. Walang ibang nakakaalam bukod sa gang ko na nag siside job ako.

Habang nagmomotor ako sa isang tahimik na lugar, may isang grupo ng lalaki na nakatayo hindi kalayuan sakin. Pamilyar na pamilyar yung mga mukha nila. Tinigil ko agad ang pagpapaandar sa motor ko at bumaba ako.

"Long time no see, Lux" Gago pala to eh! Ang kapal ng mukha niyang magpakita sakin! Dinala pa talaga niya yung buong tropa niya! Hindi ko sila aatrasan, pagkatapos nilang sugurin si Leo na siya lang mag-isa. Halos mamatay na sa bugbog si Leo nun, dahil yun sa leader ng gang na to na hindi pa nagpapakilala, kahit kelan hindi nagpakita yung leader nila samin.

"Anong ginagawa niyo dito?" Sinara ko yung mga kamao ko, ilang linggo na yata ako nagiging mabait at excited na ko makipagsuntukan sa mga mokong na to. Babasagin ko mga mukha nila.

"Tinatanong pa ba yun?" Nakangising sinabi ni panget. Nagsilapitan silang lahat sakin, medyo napaatras lang ako, ang dami kasi nila huta tapos ako lang mag-isa. Bahala na si batman, papatumbahin ko tong mga gagong to.

"Kung ayaw mong damayin ko ngayong gabi mga katropa mo, simple lang naman gusto namin" Aba! May balak pang maghanap ng gulo ngayong gabi. Alam kong nag eenjoy yung mga mokong na yun ngayon, tangina ibibigay ko nalang tong pera ko. Putcha naman, bibilan ko pa ng pizza si Laurene.

Inabot ko sa kanila yung pera na natitira sakin. Taena, wala pa nga akong side job tapos mawawalan pa ako ng pera putek.

"Ang dali mo ding lokohin nuh?" Nakangising sinabi ni panget. Anong lokohin pinagsasabi niya?

Bigla nalang akong nakahiga sa sahig ng bigla siyang umatake ng suntok sakin. Puta?! Para saan yon? Naloko nga talaga ako!

"Anong trip mo ngayon?" Tumayo ako tapos sinuntok ko yung panget niyang mukha. Inagaw ko sa kanya yung pera ko at maswerteng nakuha ko naman.

Sinuntok nanaman niya ako kaya napaupo ako. Ang sakit na ng likod ko letse naman. Ano bang trip netong mga to. Kung kelan badtrip na badtrip ako atsaka pa naghanap ng away lintek.

"Gago ka Lux pagbabayaran mo ginawa mo! Akin na yan!" Pagbabayaran? Eh sila nga yun nanguna eh. Kung di lang nila binugbog si Leo edi sana hindi ko sila binalian ng mga buto.

"Ano magpakitang gilas ka na!" Sinuntok nanaman ako ng pamget nato. Aba gago siya ha. Kanina pa siya! Tumayo ako tapos pinaulanan ko din siya ng suntok, agad namang nagkapasa yung labi niya.

Bigla namang lumapit isa isa yung mga kasama niya. Pinagsisipa atsaka pinagsusuntok ako ng mga mokong. Putek nakapahiga nalang ako sa sahig ulit tapos sumuka ako ng konting dugo. Eh tangina sinipa ako malapit sa lalamunan ko. Puro pasa na yung labi ko sa kakasapak sakin.

"Itigil niyo na yan!" Tumigil sa pagsusuntok yung mga mokong ng may biglang sumigaw.

ANONG GINAGAWA NI LACKEY GIRL DITO? Bigla nalang akong napangiti, may dala dala siyang tubo tapos seryosong seryoso yung mukha niya. Ano marunong ba siya mag martial arts? Hahaha! Putek baliw na talaga ako, bakit ako tumatawa. Eh paano kung mabugbog si lackey girl dahil sakin? Hays.

The Lackey Girl | Jinji Fanfiction [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon