Chapter 14

104 6 0
                                    

[GIAN]


Kakarating ko palang sa bahay. Sermon agad ang inabot ko sa daddy ko. Lintek na buhay naman to oo! Nakakapagod na! Araw araw nalang akong sumusunod sa mga gusto niya! Anak pa ba yung tingin niya sakin! Mukha naman akong alagad na sinusunod lahat ng gusto ng amo niya.

"Gian saan ka nanaman galing? Sumama ka nanaman sa magagaling mong barkada?" Pagpasok na pagpasok ko sa loob ng mansion ay yan agad ang bumungad sakin. Araw araw na yata kaming ganito. Hanggang sa nasanay nalang ako.

"Ano sumasali ka na ba sa mga gang? Nagrerebelde ka na ba! Kaya pala napunta ka na sa second section at wala ka na sa first section!" Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy akong naglakad patungong kusina para kumuha ng gatas atsaka junkfoods. Sinundan naman niya ko habang nagdada dakdak pa siya sa sermon sakin. Sanay na ko sa ganitong sitwasyon dito sa bahay.

"Gian! Kausapin mo ko! Hindi school board director tong kaharap mo! Tatay mo to!" Napatigil agad ako sa nangirinig ko. Tatay? Naging tatay pala siya sakin? Simula nung namatay si mama wala ng ibang nag alaga sakin kundi yung sarili ko. Ni minsan, yung pagmamahal na gusto ko hindi niya naibigay!

Humarap ako sa kanya at inilapag ko ang kinuhang kong gatas at pagkain sa lamesa.

"Tatay ba talaga kita? Ano bang nagawa mo sakin bilang tatay ko? Wala diba!" Bigla nalang dumapo ang mga kamao niya sa mukha ko. Hinawakan ko ang labi ko at may dugo, nasapak nanaman ako ng magaling kong tatay.

"Anong pinagsasabi mo! Hindi ako nagkulang sayo! Alam ko kung anong mas makakabuti sayo Gian! Ikaw lang ang nag-iisa naming anak ng mama ko kaya dapat sumunod ka sa gusto ko!" Natawa ako. Natatawa ako lalo sa kanya. Puta! 5 years na! 5 years na simula nung nawala si mama! Tangina ayoko ng tumira sa bahay nato! Isang impyerno!

"Talaga? Hindi ka nagkulang sakin? Haha! Madami kang pagkukulang! Sana hindi nalang nawala si mama, sana ikaw nalang!" Sinapak nanaman ako ni papa sa mukha. Gustong gusto kong tawagin si mama para ipagtanggol ako pero alam kong di na siya babalik. Alam kong ako lang mag-isa, wala akong kakampi dito sa letseng bahay na to.

"Ako ang nagpapaaral sayo! Ako ang bumubuhay sayo kaya wala kang karapatan na sumbatan ako! Tandaan mo Gian, sa oras na malaman kong nagbabarkada ka na o sumasali ka sa mga gang. Malilintikan ka sakin!" Walk out. Sabay walk out. Yan siya palagi. Puta hindi ko alam kung maiiyak ba ako o hindi eh. Wala akong magawa para ipaglaban yung gusto ko. Tangina bakit ganun? Kung ano yung gusto niya yun yung masusunod! Lintek na buhay to! Wala na ba kong kalayaan? Wala na ba kong karapatan maglibang? Talaga bang lahat nalang ng gusto niya yung dapat masunod!

Gusto kong magpahangin. Gusto kong lumabas at maglakad lakad. Mamamatay na yata ako dito sa bahay. Lumabas ako ng bahay at naglakad lakad dito sa subdivision namin. Pumunta nalang ako sa park ng subdivision na to. Di ko alam pero gumagaan yung loob ko basta nasa park ako.

Umupo ako sa swing at nagguni guni.

Tumingin ako sa kalangitan. Butuin, madaming butuin. Kusa nalang pumatak ang mga luha sa mata ko ng bigla kong maalala si mama.

"Ma, sabi mo ikaw yung pinakamaliwanag na butuin sa gabi. Miss na miss na kita ma. Balik ka na dito oh. Di ko na kayang mag-isa eh." Para akong baliw, kausap ko nanaman yung sarili ko. Alam ko namang kahit anong gawin ko di na babalik si mama. Kinuha na siya ni Lord samin. Kusa nalang pumatak ang mga luha sa mata ko. Hinang hina na ko. Gusto ko ng yakap ng isang ina.

"Kung wala ka feeling ko mag-isa nalang ako. Sorry ma kung nililihim ko lang kay papa na gangster ako. Pero masaya naman kasama sila Lux. Sa kanila nalang ako nagiging masaya. Sa kanila ko nalang nararamdaman yung totoong kahulugan ng pagmamahal at tunay na pagkakaibigan Basta ma lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita" Pumorma ang isang ngiti sa labi ko. Pinahid ko ang mga luha sa mata ko dahil alam kong ayaw ni mama na umiiyak ako. Siguro kung nandito pa si mama aasarin ako nun na napaiyakin ko. Huling umiyak ako nung nilibing na si mama. Simula nung nawala si mama, hindi na ako umiyak muli dahil bago siya namatay sabi niya di daw ako dapat umiyak kasi lalaki ako. Dapat matapang daw ako. Pero minsan hindi ko talaga kayang itago yung kahinaan ko.

The Lackey Girl | Jinji Fanfiction [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon