Chapter 8

98 7 0
                                    


(Short Chapter for Chester's Birthday)

[MAXINE]


Ingay lang ng aircon yung naririnig ko sa buong classroom. Tahimik lang, tapos ako lang mag-isa. Alas 7 pa kasi, masyado yata akong naexcite pumasok. Usually, di naman ako maaga pumapasok pero dahil simula nung naging lackey ako, ang aga ko ng pumapasok. Wala pang tao dito sa section ten except sakin. Expected naman na lahat ng estudyante dito late pumasok. Di na siguro sila pinapasukan ng teacher nila sa first subject or wala lang talagang pake yun mga teacher kahit malate sila. Bigla naman akong kinabahan ng bigla kong maalala yung ginawa sakin ni Geraldine kahapon. Baka kung ano nanamang gawin nila sakin ngayon.

Bigla nalang pumasok sa isip ko si daddy. Alam ko nagtataka na din siya sa pinaggagawa ko atsaka kung bakit lagi akong maagang umaalis ng bahay atsaka late na rin umuuwi. Ewan ko lang kay mommy atsaka Mateo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para makabalik sa section one. Malapit na exams. Pagkatapos ng school festival lalabas na yung results ng third grading. Paano kung hindi na ako makasama sa top 10 overall?

"Hi lackey girl ni Lux. Ang aga mo naman! Nung wala ka pa dito ako lagi yun pinakaunang dumadating dito" bigla akong natauhan ng biglang may magsalita. Si Chester lang pala. Naiwan ko bang nakabukas yung pinto o di ko lang talaga namalayan na pumasok na siya dahil lutang yung isip ko.

Teka?! Diba sabi ni Lux kahapon na magbabar daw ngayon kasi birthday ni Chester? So ngayon yung birthday ni Chester?

Umupo siya sa gilid ko, dun kasi yung pwesto niya katabi niya si Zayn.

"Happy birthday pala, Chester" mahina kong sinabi. Nahihiya kasi ako nuh! Di pa kaya kami masyadong nakakapag-usap kasi madalas si Lux naman kasi yung madalas kong makasama atsaka nakakausap.

"Paano mo nalaman!" Bigla naman siyang humarap sakin habang nakakunot yung mga noo niya. Parang gulat na gulat siya na alam kong birthday niya ngayon. Hindi siguro niya inaasahan na babatiin ko siya.

"Sinabi sakin ni Lux kahapon na magbabar daw kasi birthday mo, pero mukhang di yata ako makakasama" bigla nalang siyang nagpout

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Sinabi sakin ni Lux kahapon na magbabar daw kasi birthday mo, pero mukhang di yata ako makakasama" bigla nalang siyang nagpout. Ang cute din pala niya eh. Akala ko masungit siya pero hindi naman pala. Sabi ko nga madami talagang namamatay sa maling akala.

"Sumama ka na! Syempre kaibigan ka na din namin no! Libre ko naman eh!" Kaibigan? Eh isa lang naman akong utusan ng leader nila tapos tinuturi nila akong kaibigan. Di nga ako pinapansin ng ibang kabarkada niya except kay Tyron atsaka kay Bobby. Nagpapatawa ba siya? Pero bakit kailangan sa bar pa talaga siya magbirthday? Diba pwedeng sa bahay lang nila?

"Totoo naman eh. Ikaw yung pinaka special na lackey ni Lux!" Special? Paano naman niya nasabi na special ako kay Lux? Siguro dahil sa ako yun pinaka unang babaeng lackey naging lackey niya kaya ganun.

"Kaya, sumama ka na mamaya kasi friends na tayo!" Sabi niya habang malapad na nakangiti. Nakipag high five pa siya sakin. Hindi ko alam kung anong idadahilan ko kay daddy para makapunta sa birthday ni Chester. In my 16 years of existence, di pa ako nakakapasok sa loob ng isang bar at never akong uminom ng alak. Hindi ko alam kung anong meron sa bar, basta sabi ni Germaine sakin party party daw meron dun! Siya lang kasi yung madalas pumarty, nahawa din sa ate Geraldine niya. Alam kong tinuturuan din ni Geraldine yung little sister niya kung paano pumarty. Di naman ako sumasama kay Germaine kapag nag-aaya siya kasi di ako pinapayagan ni daddy. Okay lang naman kay mom pero si dad lang yung may ayaw at siya ang masusunod.

The Lackey Girl | Jinji Fanfiction [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon