Chapter 10

120 6 0
                                    

[LUX]

"Lackey girl. Kahit sa dance floor lang mag enjoy ka naman!" Sigaw ko kay lackey girl. Ang boring boring niya tignan. Nakatayo lang siya habang nanunuod sa mga nagsasayaw. Pinapunta ko nga siya dito para magsaya. Tss.

"Ayoko!" Sigaw niya sakin. Pabebe amputa. Ano namang gagawin niya dyan sa gilid? Hindi na nga siya umiinom tapos hindi pa siya pumaparty. Buti pa yung bestfriend niya go with the flow lang.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para hatakin si Maxine papuntang dance floor.

Eto nanaman yung parang kuryente na dumadaloy sa katawan ko habang hawak hawak ko yung mga kamay niya

Nakipagsiksikan kami para makapunta sa gitna. Alam kong naninibago si lackey girl kasi first time niya sa ganito pero wala akong pake. Kailangan niyang mag enjoy dito.

Binitawan ko agad siya pagkadating namin sa gitna. Naghanap agad ako ng chixx para maisayaw ngayon gabi.

"Hey Mr. Handsome" agad namang may chixx na lumapit sakin. Gumigiling pa siya sa harapan ko na parang nang-aakit. Sinabayan ko nalang siya sa pagsayaw. Minsan lang to.

Maya maya ay lumingon ako kay Maxine, sumasayaw na siya. Hahaha! Nakakatuwa tignan si lackey girl habang sumasayaw. Akala ko inosente eh, marunong din naman pala pumarty. Iinom din yan mamaya! Maghahanap muna ako ng ibang chixx dito. Ang corny ng babaeng kasayaw ko eh. Ngayong gabi lang. Minsan lang rin ako makapagparty tapos libre pa diba? Hahaha.

Napansin ko naman si Chester atsaka si Germaine sa may bandang gilid. Mukhang nagkaka mabutihan yung dalawang yun ah. Pumopogi points nanaman si Chester. Yari siya kay Geraldine kapag pinagtripan niya yang kapatid niya. Sabagay, bagay naman silang dalawa. Kahit sinong babaeng gusto ni chester okay lang sakin basta chixx. Nagkahiwa-hiwalay na kaming lahat. Sila Bryan nandun sa gitna nakikipagsayawan rin sa mga babae. Himala si Leo nasa good mood ngayon ah.

Habang party na party na ako, bigla namang nawala sa paningin ko si lackey girl. Asan na yun nagpunta? Umuwi na ba siya? Kanina paglingon ko banda dun nagsasayaw pa siya. Teka nga?! Bakit ko ba siya hinahanap?

Aish! Naglakad lakad ako para hanapin yung babaeng yun. Asan ba siya nagpunta? First time niya kasing pumunta sa bar kaya sigurado ako mawawala yun dito. Hindi naman sa concern ako, pero syempre yari ako kapag may nangyaring masama dun. Teka? Diba pagiging concern nga yun? Hays potek ang gulo naman.

Nahanap ko agad si lackey girl. Alam kong siya tong babae na nakatalikod na naglalakad palabas ng dance floor. Hinabol ko agad siya. Di naman siya ganuon kabilis maglakad kaya hinatak ko siya tapos hinarap ko sakin.

Bakit ganyan yung itsura niya? Umiiyak ba siya? May bumastos ba sa kanya dito? Ano nangyari? Bakit ba nangengealam ako sa kung anong nangyayari sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bakit ganyan yung itsura niya? Umiiyak ba siya? May bumastos ba sa kanya dito? Ano nangyari? Bakit ba nangengealam ako sa kung anong nangyayari sa kanya. Putcha naman nababaliw na ako.

The Lackey Girl | Jinji Fanfiction [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon