Chapter 2

159 10 1
                                    

[MAXINE]

"Ate Maxine, kakain na!" Ilang minuto na akong nakaupo dito sa kama ko. Tapos na kong maligo, nakaschool uniform na ko. Nakabihis na ko lahat lahat. Pero may isang tanong na pumasok sa isip ko kaya hindi ako makatayo dito sa kama ko. Papasok ba ko ngayon?

Matapos akong pahiyain ng Lux na yon sa maraming tao! Nakakahiyang ipakita ko pa yung mukha ko sa school, isang mukha ng LACKEY!

"Ate Maxine kanina ka pa tinatawag ng daddy mo. Baba ka na daw!" Nakakainis naman si Mateo! Ugh! Ayoko talagang pumasok ngayon dahil sa nangyari kahapon. Gusto ko maniwala na panaginip lang yun lahat. Napagalitan pa ko ni dad dahil ang tagal kong umuwi ng bahay huhuhu.

FLASHBACK

"Tandaan mo simula bukas, ikaw na si LACKEY GIRL!" Parang umiikot yung mundo ko habang naririnig ko yung salitang LACKEY habang nakatingin siya sakin.

"Cellphone number mo?" Pati ba naman number ko kukunin pa niya? Sobra na yata siya! Sabagay, utusan lang naman ako diba? Lahat ng gusto niya dapat kong sundin.

"Ehh! Bakit kai--" Hindi pa ako natatapos magsalita ay kinuha na niya yung cellphone ko sa bulsa ng palda ko. ABA! Hindi ako nainform na hindi pala siya marunong rumespeto ng mga babae. Sabagay, ano pa bang aasahan ko sa isang panget na gangster na kagaya niya?

"Nababaliw ka na ba? Akin na nga yan!" Tinaas niya pa yung kamay niya para di ko maabot yung cellphone ko. Edi siya na matangkad ako na pandak! Bwisit tong lalaki na to ha. Parang gusto ko yata gumawa ng masama pero sabi ng angel ko kalma lang daw ako, hehehe.

"Sumasagot ka ba sa boss mo?" Biglang naging seryoso yung mga tingin niya sakin. Para siyang kakain ng tao. Binitawan ko nalang yung mga kamay niya at hinayaan na gamitin niya yung cellphone ko.

"Done. Kapag di mo sinagot yung mga tawag o text ko. Lagot ka sakin okay?" Nginisian pa niya ako. Akala niya siguro ang gwapo niya. Yuck! Ewwww! Kadiri! Gangster!

"Pare magdodota pa tayo! Sama mo nalang yan kung gusto mo!" Di lang pala gangster, dotaplayer din pala. Well, ano pa bang aasahan ko sa mga to?

"Di ako sasama, papagalitan ako ng daddy ko" bigla silang nagtawanan lahat. Ano bang nakakatawa dun eh papagalitan na nga ako eh! Mga abnormal talaga! Di ko alam kung tatagal ba ako sa pagiging lackey!

The Lackey Girl | Jinji Fanfiction [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon