Chapter 6

132 9 0
                                    


[MAXINE]

Ringgggggggggggg....

Bumangon agad ako sa kama ko ng biglang magring yung cellphone ko. Ang sarap sarap ng tulog ko eh! Teka?! Gabi na pala! Grabe ilang oras ba ko nakatulog?

Germaine calling...

Buti naman at naisipan ako tawagan ng magaling kong bestfriend. Lagot ako nito! Alam kong nagtatampo na siya sakin, sobra.

"Hello Maine?"

[Hoy!!! Max! I miss you!] Halos mabasag yung eardrums ko sa sigaw niya kaya nailayo ko yung cellphone ko sa tenga ko.

"I miss you too Maine, bakit ka nga pala napatawag?"

[Kakatapos ko lang kasi sa voice lesson ko kaya gusto ko sana magbonding naman tayo kahit sandali lang. Libre ko!] Ayun oh! Yan yung gusto ko sa babaeng to! Lakas manlibre eh! Hahaha!

"Ayun oh? Sige sige! Saan ba tayo magkikita?"

[Sa may bubble tea shop. On my way! See ya!] Binabaan na agad niya ako ng tawag. Medyo malayo layo pa naman yung bahay nila kaya nagshower muna ako. Ang lagkit lagkit ko na eh. Buti nalang nakatulog ako kanina kaya medyo okay na ko ngayon.

Pagkatapos kong magshower ay nagbihis agad ako. Simpleng pormahan lang naman ako, plain white t-shirt lang ako tapos pinatungan ko ng blue na cardigan. Naka black jeans at white sneakers lang ako. Di na ko magdadala ng bag, cellphone atsaka wallet lang naman yung dala dala ko.

Lumabas na agad ako sa kwarto ko tapos bumaba na ako. Nadatnan ko si mommy na nagbabasa ng magazine habang nakaupo sa Sofa. Si Mateo naman nag-aaral sa tabi ni mom, siguro nagpapatulong siya kay mommy sa science. Magaling kasi tong si mommy sa science.

Napansin agad ako ni mommy na bumaba mula sa kwarto ko "Mukhang may lakad yata yung baby girl ko ah. Sinong date mo ngayon?" Eto nanaman si Mommy, basta talaga pag aalis ako lagi niyang sinasabi na may date ako.

"Mom, I'm just hanging out with Germaine" ngumisi naman siya sakin. Kahit kelan talaga si mommy.

"No boys?" sumimangot bigla. Sa lahat ng nanay sa mundo, siya yung hindi nagagalit sakin pagdating sa lalaki. Atat na atat na nga siyang magkaboyfriend ako eh. Parang dalaga lang kasi si mom, parang lang siyang bestfriend saming mga anak namin. Kaya mahal na mahal siya ni daddy eh, kahit parang strikto yung daddy ko grabe naman siya magmahal samin.

"No mom, I have to go" bigla namang hinahawakan ni mama yung mga kamay ko.

"Don't be afraid to love again, Maxine" kusa nalang akong ngumiti kay mama. Bumitaw na siya sakin tapos lumabas na ako ng bahay. Di na ko magpapahatid sa driver namin. Trip ko maglakad eh. I don't want to remember everything that happened in the past.

Ang sarap ng hangin dito sa labas, anong lasa? Hahaha syempre joke lang. Ang lonely ko ngayon, ako lang mag-isa naglalakad dito sa kalsada.

Halos mapatid ako sa paglalakad ko ng biglang pumasok sa utak ko si captain boss. Shet! Di ako sumipot sa kanya ngayong araw na to. Patay ako nito bukas! Baka ipagulpi niya ko sa buong gang niyan! Eh! May atraso din naman siya sakin, dalawang beses may nangyaring masama sakin ngayong araw tapos wala man lang akong narinig na sorry? Hmmp! Bahala siya sa buhay niya.

~~~~•~~~~

Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa bubble tea shop, dito yung favorite tambayan namin ni Germaine. Pumasok agad ako sa bubble tea shop. Pagkakita niya sakin ay agad siyang tumayo tapos kumaway. Tumakbo agad ako sa kanya tapos niyakap ko siya. Miss na miss ko na siya sobra.

The Lackey Girl | Jinji Fanfiction [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon