Chapter 12

102 5 0
                                    

[LUX]

4 days had passed after that accident na nangyari kay Maxine. Tapos na rin ang exams, and Maxine got all the highest scores sa lahat ng subject. Halos perfect na niya lahat ng exam. Edi siya na matalino.

Natatandaan ko pa yung gabing magkatabi kami sa iisang kama. Halos di ako makatulog nun. Nabaliw ata ako nung gabing yun. Syempre nuh! Ikaw kaya! Babae katabi mo matulog. Kakaiba sa feeling. Yung inantay ko lang siya makatulog bago ako natulog. Sobrang matatakutin kasi! Para namang may multong gagapang sa higaan niya tapos hihilain siya. Kung di talaga dahil sakin kaya yun nakidnap nun di ko siya papatulugin sa bahay ko!

Pero kahit anong mangyari babalik at babalik pa din siya sa pagiging lackey girl niya. Hahaha akala siguro niya naging mabait na talaga ako sa kanya.

"Okay class! Kahit na last section tayo dapat tayong magcompete para sa darating na school festival!" Eto nanaman si Sir Angel. Hindi talaga siya sumusuko sa klase namin kahit wala na kaming pake sa school festival na yan!

"And Maxine, I want you to lead the class! It's your last school year and dapat makasali naman ang last section sa school festival!" Desididong desidido talaga si Sir Angel para makasali kami sa school festival.

Hindi naman maipinta ang reaksyon ni Maxine kaya tawang tawa ako sa mukha niya. Mukhang mahihirapan yata siya ah! Sa pagkakaalam ko siya din ang SSG president tapos siya pa magsisilbing leader sa klase namin. Plus utusan ko pa siya. Hahaha! Edi sasabog na yung utak nun! Nice one!

"Wala munang uuwi! Gusto ko pagplanuhan niyo yung school festival at simula bukas magpapractice na kayo!" Lumabas na si Sir Angel ng classroom. Bigla namang tumayo si Maxine at pumunta sa harapan. Natahimik ang buong klase.

"So anong plano natin?" Kalmadong kalmado lang siya pero alam kong kabadong kabado na siya. Saan kaya niya nakuha yung self confidence niya?

Bigla namang tumayo si Geraldine at nakapamewang pa! Hindi yata maganda to ah!

"Look who's standing in front of us. A lackey girl na walang kamuwang muwang. Sa tingin mo susunod kami sayo?" Maangas na bara ni Geraldine kay Maxine. Halatang halata sa mukha ni Maxine na kinakabahan siya pero pinipilit niya maging matapang sa harap naming lahat. Tahimik pa rin ang buong klase at nakasubaybay silang lahat sa initan nila Geraldine at Maxine.

"Sinusunod ko lang naman yung sinabi ni Sir Angel" Nauutal na sagot ni Maxine kay Geraldine. Alam kong may hindi magandang mangyayari sa dalawang to eh. Bigla namang tumawa ng malakas si Geraldine, pati na rin sila Fiona.

"Oh come on bitch! Utusan ka nga talaga! You're not the queen here. Ako ang reyna dito" Nakangising sagot ni Geraldine. Sino ba namang papalag sa Bitch queen na to. Leader ng sorority. Maangas at maldita pa. Kumpara sa isang Maxine Ayanna Lim na isa lamang lackey girl.

"Ehem ehem! So yun na nga ano bang plano natin sa school festival! Gaya nga ng sinabi ni Sir Angel na last school year na natin to kaya let's make this a memorable school year" Nagulat ang lahat ng biglang magsalita si Bobby. Tumayo siya at pumunta din sa harapan. Kitang kita ko ang mga ngiti ni Maxine kay Bobby.

"Chill lang kayo! Di dapat tayo nagpapatalo sa mga higher section!" Tangi*** nagpapasikat ba tong si Bobby. Mauupakan ko talaga to eh. Nakita ko namang sumasang ayon yung iba naming mga kaklase. Napa upo si Geraldine habang umiirap kay Bobby at Maxine.

Bigla na ding tumayo si Chester habang may malapad na ngiti sa mukha niya.

"Oo nga! Di dapat tayo nagpapatalo sa mga gagong higher section!" Sigaw ng mokong na si Chester. Ano to? Anong mga pinagsasabi ng mga gagong to? Eh kung upakan ko kaya sila?!

The Lackey Girl | Jinji Fanfiction [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon