Chapter 3

138 10 0
                                    

[MAXINE]

Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Sobrang sakit ng buong katawan ko lalo na yung ulo. Ano bang nangyari? Bakit nasa ospital ako?

"Gising ka na pala" sabi ng nurse na nakatayo sa gilid ko. Anong ginagawa ko dito sa ospital?

"Okay na ba pakiramdam mo?" Pinilit kong umupo pero sumakit lang yung likod ko. Biglang ding sumakit yung ulo ko, nasagaan pala ako kanina. Hay Maxine. Pero sigurado ako hindi naman masyadong malala. Minor injury lang to. Na unconscious lang talaga ako kanina dahil siguro sa sobrang kaba.

"Tatawagin ko lang yung mga lalaking naghahanap sayo ha? Kakilala mo daw sila eh. Dyan ka lang" Huh? May naghahanap sakin? Shit! Baka sila dad atsaka si Mateo? No way huhuhu. Paano kapag nalaman niya na dahil kay Lux kaya nasagasaan ako?

Bigla namang bumukas yung pintuan, bumilis agad yung tibok ng puso ko. Pinikit ko nalang mga mata ko para kunwari tulog pa ako.

Naririnig ko ang bawat padyak ng paa nila sa sahig. Pikit ka lang Maxine, basta tulog ka. Off to dreamland!

"Gumising ka na. Tulog tulugan pa eh" bigla kong dinilat yung mga mata ko. Nanlaki yung mata ko ng makita ko sila Lux at yung buong gang niya na nakatayo sa harapan ko.

"Stupid mo talaga lackey girl. Asan na yung kape ko?" Bigla naman siyang ngumisi sakin. Aba aba! Eh kung buhusan ko kaya siya ng kape sa mukha? Nasagasaan na nga ako dahil sa kanya tapos hahahapan pa niya ko ng kape?

"Nandun sa kalsada dilaan mo" tinarayan ko nga siya. Narinig ko namang nagtawanan yung mga kasama niya. Binelatan ko siya, edi ayun nakaganti rin ako. Halata sa mukha niya na inis na inis na siya eh. Hehehe. 1 point for Maxine!

"Tumayo ka na dyan papasok pa tayo!" Sila nalang kaya pumasok no? Sasama pa nila ako eh naaksidente na nga ako -,-

"Ayoko. Masakit pa yung katawan ko" nanahimik naman silang lahat. May anghel yata na dumaan. Mabibingi nako sa katahimikan eh.

"Rule no. 1, ayoko ng may pumapalag sa utos ko" ang sama niya talaga! Injured na nga ako tapos papapasukin niya pa ko sa skwelahan! May pa rule rule pa siyang nalalaman.

Bigla namang lumapit sakin si Tyron, yung kaklase ko na kasali din sa gang.

"Bumangon ka na dyan, baka malaman pa ng daddy mo na naospital ka sige ka malalaman niya na lackey ka" bulong niya sakin. Agad naman akong tumayo sa kama ko kahit masakit pa yung buong katawan ko. Titiisin ko nalang yung sakit di lang malaman ng dad ko na nasagaan ako ng kotse dahil sa Lux na to!

"Alis na tayo boss!" Nagsalute sign ako sa kanya habang nakangiti. Pero sa totoo lang gusto ko na ulit humiga eh. Ang sakit ng likod ko sobra. Para akong nalaglag mula sa ika 100 na palapag ng building.

"Sige, dalhin mo yang dextrose ha? Tara na!" Nagtawanan bigla yung mga kasama niya. Tumingin ako sa kanang kamay ko, may dextrose nga. Minsan Maxine tanga ka rin eh no.

"Nurse! Pakitanggal nga ng dextrose ng babaeng to. Okay na siya!" Sigaw ng isang kasama nila, sa pagkakaalam ko siya si Leo? Wala man lang respeto. Hindi ba pwedeng ' Miss nurse? Pwede po bang pakitanggal na ng dextrose ni Maxine. Okay na naman po siya.'

"Okay ka na ba talaga? Although di naman masyadong malala yung pagkabangga mo sa sasakyan pero kailangan mo pa din magpahinga" Tinanggal na ng nurse yung dextrose sa kamay ko. Masakit ha! Di pa talaga ako okay eh! Ang sarap din kalbuhin ni Lux eh. Sinusunod ko naman lahat ng gusto niya! Diba pwedeng magpahinga muna ako. Unang araw ko palang ngayon, di ko naman inaasahan na ganito agad mangyayari.

The Lackey Girl | Jinji Fanfiction [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon