Chapter 17

101 7 0
                                    

[[BOBBY]]

Nandito ako sa clinic ngayon at inaantay kong magising si Maxine. Bukas nalang daw ulit yung practice sabi ni Sir Angel kasi may emergency meeting ang buong faculty ng Sevit High at nabalitaan niya din ang nangyari kay Maxine. Pagkatapos niyang mahimatay kanina ay tinipukan agad namin siya. Pero may napansin ako kanina, bakas sa mukha ni Lux ang sobrang pag-aalala kanina. Kahit magkaibigan kami gusto ko pa din siyang sapakin, dahil sa kanya kaya nahimatay si Maxine. Lalapit sana siya kay Maxine pero binuhat ko na agad si Maxine atsaka dinala dito sa clinic.

Hindi naman mahirap magustuhan si Maxine, oo gusto ko nga siya. Simula nung naging lackey girl siya ni Lux. Maganda siya, matalino, mabait, masayahin lahat lahat na nasa kanya. Kaya sa paglipas ng araw, mas lalo akong nahuhulog sa kanya lalo na't sakin siya laging lumalapit kapag sumasama siya sa gang namin.

Pero, natatakot akong aminin yung nararamdaman ko. Gusto ko na sanang ipagtapat sa kanya yung nararamdaman ko pero baka mafriendzone lang ako. Hahaha! Sakit nun! Tapos ang masaklap kapag nalaman nila Lux ang tungkol sa pagtingin ko kay Maxine baka patalsikin nila ako. Si Lux lang naman yung may karapatan kay Maxine. Pero kaya ko namang ipaglaban si Maxine, di ko lang kaya itakwil yung tropa ko. Siguro itatago ko nalang tong nararamdaman ko para sa kanya. Okay na ko sa ganito. Atleast malapit siya sakin.

"Bobby?" Nagulat ako ng biglang hawakan ni Maxine ang mga kamay ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Di ko naman mapigilang mapangiti dahil nakita kong gising na siya.

"Okay ka na ba? Magpahinga ka muna. Dito lang ako sa tabi mo" Nginitian naman niya ko. Di naman ako bakla pero puta kinikilig talaga ako kapag nakatitig siya sakin habang nakangiti. Hahaha!

"Salamat pala Bobby ha kasi never mo kong iniwan. Ikaw yung laging nasa tabi ko" Ugh Maxine. Naiinlove ako sayo lalo wag kang magpacute. Talagang hindi kita iiwan, dito ka lang sakin Maxine.

"Wala yun. Basta ikaw. Kung okay ka na ililibre kita ng kahit anong gusto mo!" Hokage moves lang. Para makasama ko siya. Wahaha. Galawang Bobby yan, idaan sa pagkain.

Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Maxine sa pagkakahiga. Okay na ba talaga siya? Napangiti naman ako kasi sobrang lapad ng ngiti niya ngayon. Ang cute niya talaga.

"Talaga? Lilibre mo ko! Tara na!" Pinulupot naman niya yung mga kamay niya sa akin atsaka niya ko hinatak palabas. Okay na okay na yata siya eh nakarinig ng ng libre. Hahaha. Kinikilig talaga ako puta nababakla na ba ako. Eh kasi nakapulupot siya sakin! Di naman sa assuming pero para kaming magsyota. Ang cute din pala ng height niya nuh, hanggang kili kili ko lang siya. Hahaha.

"Sure ka ba okay ka na?" Tanong ko. Nag-aalala lang ako kasi baka mamaya mahimatay nanaman siya.

"Oo nga promise! Cross my heart! Mamatay man si batman!" Nagtatalon naman siya habang nagpoporma ng ekis sa dibdib niya. Napangiti naman ako kasi mas lalo akong nahuhulog sa mga pinaggagawa niyang kacutan.

"Ang cute mo talaga. Tara na. Saan mo ba gustong kumain?" Ginulo gulo ko yung buhok niya. Bahala na sila Lux dun, basta gusto ko lang makasama tong babaeng to.

"Sa 7/11 nalang tayo! Hehe." 7/11 pala trip nitong babaeng to. Hahaha. Edi dadalhin ko siya sa 7/11. May malapit naman na 7/11 dito sa school.

Habang naglalakad kami ay biglang napatigil si Maxine.

"May problema ba Maxine?" Tanong ko sa kanya. Kasi biglang nawala yung mga ngiti sa labi niya tapos nakayuko siya hawak hawak yung strap ng bag niya.

"Si Lux. Baka magalit nanaman yun sakin" tugon niya. Tinakot siguro talaga siya ng bongga ni Lux kaya eto namang si Lackey girl takot na takot. Tss. Ano bang gagawin ko! Letse naman tong si Lux sagabal eh!

The Lackey Girl | Jinji Fanfiction [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon