Chapter 22

97 4 11
                                    

[MAXINE]




"Lackey Girl!" Pinunasan ko agad ang mga luha sa mata ko ng makita ko sila Lux na tumatakbo patungo sa kinatatayuan naming dalawa ni Leo. Bumitaw na din si Leo sa pagkakayakap sakin.

Agad naman akong hinila ni Lux papunta sa kanya. Nagulat ako ng bigla niya kong niyakap ng sobrang higpit.

Dug dug dug ...

"Akala ko may nangyari ng masama sayo" Bakas ang pag-aalala sa tono ng pananalita niya. Di ko alam pero niyakap ko siya ng pabalik. Sobrang naattached nako kay Lux. Mas gusto ko makitang nag-aalala siya sakin kaysa sa Lux na walang pake sakin. Ano bang nakain ng lalaki to at sobrang bipolar? Minsan di ko na rin siya maintindihan. Minsang mabait siya sakin, minsang sweet, pero minsan galit din siya at walang pake. Pero kampante na ko ngayon na bumalik na siya sa dati, yung Lux na may pake sa lackey girl niya.

"Ahem ahem" Pumiglas agad kami ni Lux sa pagkakayakap ng biglang magsalita si Chester.

"Tama na yan! Anong nangyari sayo Maxine? Bakit ka umiiyak? Sarap sarap pa ng pagkakayakap ni Leo kanina sayo oh!" Pabirong sinabi ni Chester!" Agad naman itong binatukan ni Leo. Nagtawanan naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Chester. Pero, sasabihin ko ba sa kanila yung ginawa ni Geraldine sakin?

"Sinaktan siya ni Geraldine. Nagsisimula nanamang maghanap ng gulo yung babaeng yon! Buti na lang narinig ko yung sigaw ni Geraldine kaya nagmadali kong pumunta sa kwarto nila" Inis na tugon ni Leo. Hays, what to do na? Sobrang lakas pala siguro ng sigaw ni Geraldine at umabot sa room 501.

"Talaga?! Mauupakan ko talaga yung bruhilda na yon!" Sambat ni Zayn na nagalit din dahil sa narinig niya.

"Nagpapapansin lang yung mokong na yon! Yaan niyo gaganti din tayo dun!" Sagot ni Bryan.

"Di ako papayag na saktan ka niya ulit. Dun ka matutulog sa kwarto namin, at wag kang lalapit sa pesteng yon" Seryosong tugon ni Lux. Napanganga naman ako sa sinabi niya. ANO? DUN AKO MATUTULOG SA KWARTO NILA? WHAT? PURO LALAKI, WHAT IF?! OH NO, DI TALAGA DAPAT TAYO NAG IISIP NG GANYAN MAXINE EH.

Bigla naman silang nagsitawanan dahil sa reaksyon ko. Eh sino ba namang di magugulat!

"Wag kang mag-alala, wala kaming gagawin masama sayo lackey girl!" Natatawang sinabi ni Bryan. Natawa nalang rin ako sa sarili ko, napapraning na nga siguro talaga ako. Di ko naman first time makasama si Lux matulog eh. Naalala ko tuloy nung gabing natulog ako sa kwarto niya tapos tinabihan niya ako kasi natatakot ako.

"Oo nga Maxine, lagi kaming nandito para protektahan ka! Bodyguards mo kami!" Wika ni Joaquin. Natuwa naman ako sa sinabi niya. Lackey lang ako sa grupo nila, pero kung ituring nila para akong isang prinsesa na may nga bodyguards na nakapalibot para protektahan ako.

"Magpagaling ka muna bago ka maging bodyguard!" Banat ni Zayn kay Joaquin. Nagtawanan naman kaming lahat dahil sa kanilang dalawa. Sana ganito nalang palagi, sana parte nalang ako ng barkada nila. Sana di na magbagoang takbo ng isip ni Lux, baka isang araw di nanaman niya ko pansinin at utusan nanaman niya ako ng kung ano ano. Sana kaibigan din yung pagtingin nila sakin, at hindi isang lackey.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lackey Girl | Jinji Fanfiction [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon