Napatalon ako sa hulat nang may tumapik sa kaliwang balikat ko.
"D-Diyos ko naman Francisco!" naibulalas ko habang napahawak sa dibdib. "Papatayin mo ba ako?!" asik ko sa lalaking nakangisi na ngayon sa harapan ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Magpapadala na talaga ako ng letter sa nescafe para mabigyan ka na ng consumer's award." Ngisi pa nito na puno ng pang-aasar.
"Tse!" at nilagpasan ko nalang siya. Kainis. Alam na alam na niya na nasa kritikal ang kalagayan ko ngayon dahil sa warning na natanggap ko sa aking scholarship. Lagapak kasi ako sa isa kong major. Napahawak ako sa dibdib ko na sa ngayon ay unti-unting bumabalik ang normal na pagtibok. Di ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin nitong mga nakalipas na araw e. Palagi nalang akong kinakabahan sa di malamang kadahilanan.
"Oy..Adriana, sorry na bess. Gusto lang talaga kitang pasayahin. Ayaw ko nakikita kang malungkot." ungot pa nito habang nakakapit sa manggas ng T-shirt ko na mas lalong nagpadagdag sa aking inis na nararamdaman.
Binilisan ko ang aking mga hakbang ngunit nakakapit parin siya sa T-shirt ko. Mas lalong nag-init ang ulo ko at dahil sa inis ay nasigawan siya.
"Ano ba Francisco!? May balak ka atang hubaran ako a.!?" sigaw ko na agad namang pinagsisihan dahil nakahakot na kami ng atensyon sa mga nakasalubong at nakasabay namin sa pathway. Bunsod ng kahihiyang natamo ay binilisan ko nalang ang paglalakad papuntang Engineering Building (H-Building) para sa next class ko, ang Analytic Geometry and Calculus II (Math 61).
Bago pa man ako tuluyang pumasok sa pinto ng room#203 ay lumingon ako sa likuran ngunit napansin kong walang Francisco sumunod sa akin.
~~
Napakagat labi ako at maya-maya'y lumingo sa pintuan ng room. Malapit ng mag-sisimula ang klase ngunit wala pa talaga kahit anino man lang niya.Kanina pa ako nakokonsensya e. Dahil di na talaga ako mapakali ay tumayo na ako sa upuan dala ang aking cellphone at sinubukan siyang tawagan.
..Kasalan ko ito eh. Bakit ko ba kasi siya sinigawan kanina?.Malamang napahiya siya dahil sa akin..Dial ako ng dial ngunit di pa rin niya sinagot. Gusto ko ng mapapayak-padyak at sabunutan ang sarili dahil sa kagagahan ko kanina. Siya lang nga ang kaibigan ko inaway ko pa. Ang gaga ko talaga.
Ete-text ko na sana siya at humingi ng sorry ngunit bago pa ako makapagtype ang may pumasok na message galing sa Unknown Sender.
Dali-dali kong binuksan ngunit napakunot noo ako dahil parang may mali."Get inside. "
Sigurado akong di si Francis ito. Di iyon nag-eenglish eh, maliban nalang kung lasing.
Wrong send ata 'to or naghahanap lang ng katextmate. Textmate na kalaunan ay magyayang makipag'SOP'. Tse!! Wag ako. Kung gusto pala niyang lumigaya ay mandamay pa ng ibang tao. Pongkol siya!! At dahil bigla na naman akong nainis dala ng pag-alala ko kung saan na ngayon ang best friend ko ay nireplayan ko siya.
"Use your hand. Wag mo akong isali sa kalibugan mo. Hay*p!"
tapos binura ko na ang thread.Bago pa man ako makapagtext uli ay bumungad na sa akin ang paika-ikang si Francisco. At bago pa siya makalapit sa akin ay sinalubong ko na siya ng yakap. Bigla rin naman siyang kumalas para pagmasdan ako ngunit di ako makatingin sa kanya. Nakaka-guilty kasi iyong pinaggagawa ko sa kanya eh. Di talaga makatao iyon../
...itutuloy...
BINABASA MO ANG
The Possessive Stranger (On-going)
General FictionThis world is a jungle, full of predators that will follow your shadows. You will never be safe if you're alone. You need a man who can love and protect you from all the dangers... Pero paano nalang kong ang taong akalang mong kakampi mo--- na t...