"Don't"Tumindig ang mga balahibo ko sa katawan. Gustong kong lingunin ang taong nakatayo ngayon sa likuran ko ngunit di ko magawa dahil tila may sariling buhay ang katawan ko. Unti-unti na akong nagpanic. Gusto kung tumakbo ngunit parang naadikit na sa lupa ang aking mga paa. Gusto kung sumigaw ngunit tila may sariling isip ang aking mga labi na ayaw bumukas. Hanggang sa...
unti-unti ng lumalabo ang aking paningin.
~~~
Tumatakbo ako.
Sanga-sangang mga daan. Matatayog na mga puno. Malalagong mga damo. Hanggang may kumikislap na liwanag. Palaki nang palaki. Palapit nang palapit na ako at...
.
.
"Uhghh" nagising akong naghahabol ng hininga. Akma akong babangon ngunit napahawak din agad sa ulo dahil kumikirot. Napansin kong parang may binda ako sa leeg saka... napansin kong di pamilyar sa akin ang kulay honeyng kwarto."Asan ba ako?" bulong ko sa sarili kasabay ng paglipot ng aking mga paningin sa kabuuan ng silid.
"Bakit ba ako nandito? Wala akong naalala na nag-check-in ako sa hotel-" nahinto ang pagmomolologue ko dahil sa nurse pamapasok sa kwarto. Naguguluhan akong nakatingin sa kanya.
"Good morning, ma'am" masiglang bati nito.
Hindi ako nakasagot dahil di ko parin gets ang mga nagyayari. Nanaginip ba ako? Bakit pakiramdam ko ay na-amnesia ako.
"Ahmm, miss...asan ba ako? Saka, bakit may nurse dito sa... h-hotel?" medyo alanganin kong tanong.
She giggled? Gosh! Seriously?!
"Wala po kayo sa hotel, ma'am. Nasa hospital po kayo. Di lang po halata kasi sa nandito kayo sa presidential suit." nakangiting paliwanag nito.
"A-ano?! Bakit?!..Ah.. Ahmm, paano ako..n-napunta dito" tanong ko habang tinuturo ang sarili.
"Nahimatay po kasi kayo dahil sa stress. Ibinilin ka po ng asawa niyo sa-"
"Whoah whoa! hold there.. A-asawa ...k-kamo?!" gulantang ako sa narinig.
"Opo , ma'am. Pero umuwi siya agad kasi may sakit din daw ang baby niyo. Ang gwapo pala-"
"B-baby?!" Napasigaw na ako na medyo ikinagulat ng nurse. What the fuck! Nababaliw na ata ako sa narinig. Kailangan pa ako nag-asawa? Kailan pa ako nagkaanak? Ughh!
"T-teka-" bago pa ako magkapagtanong sa nurse ay bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa doon ang isang lalaki.
Agad nagtama ang aming mga paningin. God! Parang bigla akong kinapos sa paghinga dahil sa lakas ng tibok ng aking dibdib. Parang may mga kabayong naghahabolan sa loob. Titig na titig ako sa lalaking naglalakad papalapit sa akin ngayon. Masyadong malakas ang appeal ng lalaki para sa akin kahit simpleng itim na pants at white shirt lang ang suot nito. Huminto siya sa gilid ng kama na kinahihigaan ko. Mas lalong nagwala ang dibdib ko dahil sa distansiya namin.
Gosh! What's wrong with me? Narinig ko ang pagtikhim ng lalaki. Napakurap-kurap ako bigla. Gosh! I'm gawking. I instantly divert my gaze. Nakakahiya. I mentally cover my face because of the humiliation that I feel right now.
"Hey.." a baritone voice. What a fuckin' sexy voice. Gosh! What's wrong with me? Heto ako't nakaratay pero kung ano-ano ang iniisip kong 'kamanyakan'.
Unti-unti akong nag-angat ng tingin at bumungad sa akin ang taong matagal ko ng gustong makita, kahit di ko man maamin sa aking sarili.
Dahil sa sari-sariwang emosyon na nararamdaman ay di na ako nakaimik habang titig na titig sa kanya.
I miss this stranger.
°°°°°°°°°

BINABASA MO ANG
The Possessive Stranger (On-going)
General FictionThis world is a jungle, full of predators that will follow your shadows. You will never be safe if you're alone. You need a man who can love and protect you from all the dangers... Pero paano nalang kong ang taong akalang mong kakampi mo--- na t...