Colm's POV
"Bro, nababaliw ka na talaga." umiiling at problematic na nakatingin si Milo sa akin. Di ko nalang siya pinansin at patuloy lang ako sa pag-incode ng mga data sa laptop.
"Bro, ano bang nakain mo ha? Parang kelan lang ginawa mong parang kusina ang GenSan, pabalik-balik na doon tapos ngayon naman lumipat ka pa sa community college? At biruin mo, ilang kilometro pa ang layo noon dito? Tsk...Sinong matinong tao ang gagawa noon? Hayop na pag-ibig iyan. Nakakabaliw ." dagdag pa niya.
Binato ko siya ng ballpen para tumahimik. Ang ingay. Parang babae ang ugali. Masyadong madaldal.
"Shut up!" sigaw ko pa saka tinapunan siya ng masamang tingin.
"Whoa whoa..Chill. I'm just giving my opinion here." nagtaas pa ito ng dalawang kamay na tila ba susuko.
"But, seriously bro-...ok find , lalabas muna ako" at nagsimula na siyang naglakad palabas ng kwarto sa kumakanta-kanta or more like nagra-rap. Ash! Basta iyon na iyon.
Ipinagpatuloy ko nalang ang pagtatype ngunit napatigil ako nang may naalala ako.
Five years ago.
Naimbitan kami aa isang birthday party sa isa sa mga kasosyo ni dad sa negosyo. Pang 14th birth day daw ng anak nito. Nagtago lang ako at tahimik lang akong nakatayo sa may sulok ng garden habang nag-oobserba sa paligid. Ganito kasi ako kapag bago pa ako sa lugar. Masyado akong paranoid dahil siguro sa mga karanasan ko sa nagdaang mga taon.
Napansin ko ang batang babae na nakabusangot habang pinupukpok ang sandal na may takong niya doon sa pader.
Unti-unti akong lumapit sa kanya ng ilang metro mula sa kanyang kinatatayuan."...tupid! Stupid Adriana! Stupid people! Stupid party! Stupiiiid!" sabay hambalos ulit niya sa dalawang sandal niya doon sa pader.
Pinipigilan ko lang ang tawang gustong kumawala sa akin. Nakakatawa siya tingnan. Parang 5 years old na nagtantrums.
Nangingiti akong pinamasdan siya ng bigla nalang siyang humarap sa direksyon ko.
"WHO ARE YOU!?" nagkasalubong ang kilay niyang tanong habang pinasadahan ako ng tingin head-to-foot. Nakaramdam ako ng pangliliit sa sarili sa klaseng tingin na ibinigay niya sa akin.
"A-ahmm." Fuvk! Bakit kinakabahan ako? Ako? Isang anak ng makapagyarihang tao? Kakabahan? Unbelievable, right? Pero maniwala kayo o hindi, parang akong mamatay sa lakas ng tibok ng puso ko. Nakakatakot tong batang ito.
"Never mind, nerd. Get lost. " she rolled her eyes saka humakbang papalayo sa akin.
"Wait!...sandali" sinundan ko siya at naabutan kong papasok na siya sa kabahayan. Napahinto rin naman siya nang siguro'y napansin nya ang pagsunod ko.
"Ahm.. I'm Colm" pagpapakilala ko pa.
"So?..Ayaw ko sa mga nerd." naiinis na sagot niya.
"A-ahmm.." wala na. Wala na talaga akong masabi. Putragis.
"Kung wala ka ng sasabihin, iiwan na kita."
Frustrated akong napasabunot sa buhok ko. Wala akong masabi. Parang naging instant 'Tabula Rasa" ang utak ko, walang laman, blangko. Fuck. Matapos ang ilang sandali ay napamura nalang ako sa sarili.
Wala na siyang inaksayang panahon at iniwan niya talaga ako.
End Of Flashback
Napangiti nalang ako sa naalala. Ang sungit niya talaga dati. Pero hanggang ngayon masungit pa rin naman siya.
Napasulyap ako sa mga braso kong kamakailan lang maraming gasgas at pasa. Napaka amazona ng babaeng iyon. Bugbugin pa naman ako. Saka akusahan pa along ni-rape siya eh siya ngayon yong parang nanggahasa sa akin. Tss Fuck! I don't want to remember that night..Ughh!
Mula sa malalim na pag-iisip ay naring ang cellphone ko.
Rumihistro ang number sa isa sa mga tauhan ko. Di na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad na sinagot ito."Yes? Anong balita?" bungad ko habang habang inihanda ang sarili para sa bagong impormasyon.
"Boss, nakalusot sa Custom ang mga kontrabando-"
"WHAT?!"
"Eh boss may connection ang daddy no doon eh, may binayaraan saka-"
"Send me all your reports Alan. My ibang paraan pa." at ibinaba ko na ang tawag, leaving me in depth thought.
Kailangan ko siyang mapabagsak bago pa ang araw na nakatakda. Di ko hahayaang mapunta sa mga kamay niya
.
.
.
.
..
.
.
.
.si Adriana.

BINABASA MO ANG
The Possessive Stranger (On-going)
General FictionThis world is a jungle, full of predators that will follow your shadows. You will never be safe if you're alone. You need a man who can love and protect you from all the dangers... Pero paano nalang kong ang taong akalang mong kakampi mo--- na t...