Chapter • 11 Leaving

56 3 0
                                    

I blankly stared at the ceiling, waiting for the answers to my questions. Ano ba talaga?
Anong gagawin ko? My family wanted me to come home. Kahit ako ay gusto ng umuwi pero hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Parang may matulis na bagay na tumutusok sa puso ko ngayon. Parang naiiyak ako. Maybe, dahil kay  Francisco. Nakakalungkot isipin  na hindi  ko na siya makakasama. He's my family.

Wala na akong inaksayang oras at agad na nag-impaki. Iilan lang naman ang mga damit ko kaya di na ako masyadong nahihirapan pa.

Bumaba ako ng first floor para magpaalam sa Landlady ko. Nag-iwan  na rin ako ng pera para sa mga bills ko. Tinanong pa niya kung saan  ako lilipat pero  sinabi ko nalang na mag-dorm na ako. Hindi ko na sinabi ang totoo  dahil ayaw  ko nang palawigin pa ang usapan at siguradong aantukin ako sa mga tanong niya.

Pagkabalik ko sa apartment ay agad kong tinawagan ang bestfriend ko. Nahihirapan akong magpaliwanag sa kanya dahil ang daming  niyang tanong. Inaakusan pa niya akong may tinakasan daw dahil parang nagmamadali akong makaalis sa apartment ko. Nag-uusap kami ng siguro'y mahigit isang oras. Nagpaalam kami sa isa't isa at parang piniga ang puso ko. Napakalungkot ang huling  pag-uusap namin bago ko ibinaba ang tawag. Nag promise nalang ako sa kanya na makibalita parin  kami sa isa't  isa kahit once a month man lang dahil alam ko kung gaano rin ka busy ang buhay niya.

°°°°°°°♪♪♪

Bawat hakbang  ng aking  mga paa  ay mabibigat. Naninibago ako sa paligid. Kahit na dito ako lumalaki sa lugar na ito pero  pakiramdam ko estranghero ako dito. Sa loob ng ilang taon, marami  na rin ang nabago.

Ang fountain sa timong silangan ng bahay  ay nawala  na. Kundi isang kiosk na ang nakatayo sa lugar ngayon. Kung dati'y ay maraming namumulaklak sa gilid ng pathway, ngayo'y wala na. Tanging mga damo  na lang.

Malungkot kong iginala ang mga mata sa paligid. Walang ng buhay. Napabayaan na.

Pagpasok ko sa kabahayan ay sumalubong sa akin ang nakakabinging  katahimikan. Nagtataka  ako kung nasaan  na ang mga tao; ang mga kasambahay.

Ibinaba ako ang mga malita  sa gilid ng pintuan bago naglakad papuntang kusina.

"Dad..." tawag ko. Hoping na may sumagot.

"Dad..." ulit  ko pa habang papasok na sa kusina.

Nagulat ako ng may naabutan matandang  babae  na naghuhugas ng mga pinggan. Lumingon siya. Ilang segundo  siyang nagtatakang tumitig sa akin.

"Ahmm.. si D-daddy po?" alanganing tanong ko sa matanda  na ngayon ay nakatitig pa rin sa akin.

"Ikaw ba si Adriana?"

Tumango ako na siyang ikinangiti ng aking  kaharap. Humakbang siya papalapit sa akin at hindi  ko inaasahan ang pagyakap niya sa akin.

"Nasa  library ang daddy mo."

Wala na akong inaksayang oras at umakyat sa ikalawang palapag.

Kumatok ako bago ipinihit ang siradura at bumungad sa akin ang madalim na kwarto na tanging  ang ilaw lang na nanggagaling sa labas  ng bintana ang dahilan para kahit papaano ay maaninag mo kung may tao man sa loob.

And I found him setting near the window with an old book in his hand. Nakayuko siya at nagbabasa.

"D-dad.."

Unti-unti siyang lumingon sa akin.

At doon  na ako tumakbo para mayakap siya...

The Possessive Stranger (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon