"Where do you think you're going?" he asked dangerously, lips in thin line.
After the incident in the hallway, he dragged me back in his apartment.
"I..I need to go home, may klase pa ako..'' I lied. Wala naman akong klase, end of semester na at tapos na lahat ng exams ko. Kailangan ko na talagang makalayo sa taong ito dahil parang may kakaiba talaga eh.
Pilit akong tumayo but he keep on pulling me para maupo ulit sa sofa niya sa tabi niya. I unconsciously bite my lower lip dahil sa tensyon. Napasulyap siya sa akin at bumaba ang mga mata niya sa aking mga labi. Umigting ang kanyang panga at nag-iwas ng tingin.
"Magbihis ka muna at kumain bago umuwi." seryosong sabi niya bago tumayo at naglakad papuntang kusina.
Sinundan ko lang siya ng tingin.
Napasulyap ako sa front door at walang inaksayang oras ay agad akong tumayo at naglakad papalapit sa pintuan. Ipinihit ko ang siradura pero nadismaya lang ako dahil nakalock ito.
Wala akong choice kundi sundan siya sa kusina. Naabutan ko siyang naglalagay ng dalawang plato sa mesa. Nang siguro naramdaman niya ang presensya ko ay lumingon siya sa direksyon ko.
Hinagod niya ng tingin ang kabuuan ko. Nagtagal ang ang mga tingin niya sa mga binti ko. Nag-igting ang kanyang mga panga bago magtama ang mga mata namin. Ngunit ako rin ang unang umiwas dahil, ewan ko parang hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Parang may kakaiba sa titig niya ngunit di ko maaruk kung ano. Parang may ibang enerhiya. Biglang ring uminit ang aking pisngi ko sa di malamang kadahilanan.
"Bakit di ka nagpalit?" he asked, pulling his own chair.
"Hmmm,.." nag-iwas ako ng tingin dahil wala akong masabi at di ko alam kung nasaan na ang damit ko. Nakakahiya pa kasing ipaalala na binihisan niya ako kagabi.
"Pinalabhan ko. Andoon sa kwarto." tila nahulaan niya ang iniisip ko.
"Mmmm..." tumango lang ako.
Pinaupo niya ako sa upuang katapat niya. Wala na akong nagawa kundi sumunod dahil nagugutom na rin ako.
"Walang lason ito, kung iyan ang iniisip mo" napansin siguro niyang nag-alangan akong sumandok ng kanin saka ng ulam na niluto niya.
"Ah.. hindi naman iyan... ang iniisip ko.." alanganin ko pang sagot sa kanya. Sumandok na rin ako ng maraming kanin.
Napansin kong matiim siyang nakatitig sa akin.
" Then, what is it?"
"Hmm..Why did you help...me?.. And who are you?" napakagat ako ng ibabang labi dahil sa kaba. Nagkatitigan kami bago bumaba ang tingin niya sa mga labi ko ngunit agad din naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin.
Ilang segundo siyang tahimik habang ang mga tingin ay nasa labas ng bintana. Sinundan ko ang tingin niya ngunit wala naman akong nakikitang interesanting tanawin maliban sa usok sa di kalayuan mula sa isang factory. Ang swerte talaga ng syudad na ito. Kahit na nasa Mindanao area pa ito. Sa ilang taon na pamamalagi ko rito ay di pa ako nakaranas na naipit sa gyera or kahit bagyo ay di apektado ang lugar na ito. Saka spoiled pa ako sa tuna.
Nabaling ulit ang tingin ko sa lalaking kaharap. Una ko talagang napansin ang makakapal niyang kilay. Well proportioned na ilong na daig pa ang kay Xander Ford saka ang maninipis niyang mga labi na parang kay sarap hal---
"Do I need to answer your question?" bigla akong natauhan nang magsalita siya at biglang lumingon sa akin. Napakagat ulit ako ng ibang labi dahil sa kahihiyan. Huling-huli na ako sa akto. Nakakahiya. Gusto kong magtago sa ilalim ng lamesa.
"Stop doing that!'" biglang sita niya sa akin. Nagugulahan naman ako kung anong pinagsasabi niya.
"Sorry?" Kunot noo akong nakatingin sa kanya. Ano bang pinagsasabi nitong kaharap ko?
Nagulat nalang ako nang bigla siyang tumayo at pansin ko pagdilim ng mga mata niya bago ako iniwan sa hapag. And I fell like, what the fuck?! What's wrong with that stranger?!
........
-A short update.. Thanks

BINABASA MO ANG
The Possessive Stranger (On-going)
General FictionThis world is a jungle, full of predators that will follow your shadows. You will never be safe if you're alone. You need a man who can love and protect you from all the dangers... Pero paano nalang kong ang taong akalang mong kakampi mo--- na t...