"You can leave now.'' walang emosyon at maawtoridad na wika niya sa lalaking kaharap namin.Hindi ko na namalayan ang susunod na nangyayari dahil sa napatanga lang ako sa lalaking possessive na nakahawak sa beywang ko ngayon.
Who's this guy? Punong ng question mark akong nakatingin sa kanya nang lumingon siya at napatitig sa akin.
" Are you alright. ?" walang emosyong tanong niya.
One Hour ago
Alas sais pa lang ay nakahanda na ako. First day ko sa bagong school ko ngayon kaya kailangan maaga ako. Ayaw ko mag-palate lalo na at di ko pa kabisado masyado ang mga building kung saan ang mga klase.
Binilinan ko nalang si Manang na siya nalang bahala para sa tamang oras na pagpapainom ng mgagamot ni daddy.
At dahil maaga pa naman at malapit lang sa bahay ang school ay lalakarin ko nalang ito. Sayang din naman kasi ang bayad pang-commute. Malaking tulong na ito pandagdag sa mga bayarin kong mga bills. Kaya mga dito na ako nag-enroll sa community college dahil free na ang tuition saka makakatipid pa ako dahil walking distance lang.
Kahit gusto ni dad na mag-enrol ako sa FEU dahil may connections siya doon pero ayaw ko pa rin. Masyadong mabigat para sa amin ang sixty thousans per semester. Saan namin pupulotin ang ganoon kalaking pera every sem.
Papalabas na ako ng gate ng bigla akong napaangat ng tingin sa katapat ng bahay namin. Matagal na itong bakante sabi pa ni manang Linda noong kinukulit ko siya tungkol sa mga nangyayari ng nagdaang taon na nasa malayo ako pero bakit parang... may tao ata akong nakikita sa may bintana?
Impossible.Ipinilig ko ang ulo ko para mawala sa isip ang nakita. Namalik mata lang ata ako. Isang sulyap pa sa bakanteng bahay ang ginawa bago nagsimulang maglakad.
Ngunit nakailang hakbang pa ako nararamdaman kong parang may enerhiyang humila sa akin para mapalingon ulit sa bakanteng bahay. Laking gulat ko ng makita ang silhouette ng tao na nakatayo sa gilid ng bintana na medyo natabingan ng kurtina. Nanigas ako sa aking kinatatayuan habang hindi maialis ang tingin doon. Sari-saring emosyon ang naratamdaman ko sa oras na ito ngunit nangingibabaw a rn ang takot. Napatalon sa gulat dahil sa pagtunog ng cellphone ko.
Wala sa sariling sinagot ko kung sinong tumatawag sa akin.
"H-hello.." napapikit nalang ako dahil ngayon mas lalo kong nakumpirma na takot talaga ako dahil sa pagsayaw ng boses ko.
"Bes, gooood morn- teka, teka? Na-ano ka haw? Ba't nanginginig ang boses mo? Oi, ikaw ha. Nakauwi ka lang sa inyo maypa-kukurog ka na sang tingog mo hay. Ano, na Bess? Kamusta ka na subong? Palakat naka sa bagong school haw?" maraming sinasabi ang nasa kabilang linya ngunit parang di ko magawang ibuka ang aking mga bibig.
"A-Ah..O-oo.."
"Ok ah. Daw busy gid ka dah. Tawagan mo ako mamaya ha. Miss na teka ba. Sige. Bye."
*toot toot toot toot toot*
Napatingin ulit ako sa may bintana ng bahay. Wala ng bakas ni anino. Napalunok nalang ako ng sariling laway bago napagpasyahang umalis sa lugar.
Napaka-paranoid ko talaga. So what kung may tao doon? Eh inaano ba ako?
Ughhh!
Pagkarating ko sa gate ay sumalubong sa akin ang strangherong lugar. Nagkalat ang mga estudyante sa hallway. May mga ibang nakaupo sa bench. Hindi ko alam paano indescribe basta ang masasabi ko lang ay isang typical scenario sa loob ng community college.
Nakita ko ang babaing nag-iisang nakaupo sa bench at nakasalukuyang nagbabasa kaya pinagpasyahan kong sa kanya nalang ako lalapit para magtanong.
"Ahm. Hi po." panimula ko.
"Hmmm?" nag-angat siya ng tingin sa akin. Sandali akong napa-tanga. Shit! Ang ganda niya kahit mukha siyang nerd. Bilogan ang kanyang mukha. Mahabang pilikmata na mas lalong na-emphasize dahil sa suot niyang dark rimmed eye glasses.
"Ahmm...Itatanong ko lang sana kung saan banda ang CAS-B .." ngumiti ako ng tipid.
"Transferee ka po?" tanong niya while fixing her glasses and started to unzip her bag para mailagay sa loob ang librong kani-kanina lang ay binabasa niya.
"Oo, pasensya na di ko pa kasi-"
"Great! Tara sabay ka na sa akin ate, sa tapat ng IT Building lang po ang CAS." at walang pakundanga niya akong hinila.
Nakakatuwa siya. Nagkwento siya ng nagkwento habang hinabaybay namin ang pasilyo na kumukunikta sa mga building. Lahat ng experience niya. Pati ang crush niyang taga-frat. Napangiwi nalang ako kasi ang weird ng taste niya sa mga lalaki.
"...pasensya na ate. Na-overwhelmed lang ako sa presence mo ..Pero, balik tayo, alam bang ang hot ni Hiro. Heck! Iyong katawan niya. Iyong biceps at triceps niya. Hays, saka ang mga labi, ang mga mata, ang I long, sharp jaw lines. Hays." untag pa niya habang papiki-pikit. Nawe-wierduhan man ako sa lalaking taste niya pero natutuwa rin ako. Biruin mo naman ang weird kaya kung magiging boyfriend niya iyon. Basi sa description ay na-imagined kong medyo rugged look tapos siya is so innocent. Ano iyon? Beauty and the Beast?
Inihatid ako ng babae sa CAS-B. Buong akala ko room iyon, ngunit building pala.
Tinitingnan ko ang COR at nakita kong may #12 sa katabi ng CAS-B. Siguro, ito ang room #.
Nasa tapat na ako ng #9 na room ng may bumanga sa akin dahilan ng aking pagkatisod at pagkadapa.
"I'm sorry, Miss di ko po sinasadya" natatarantang tinulungan ako ng lalaking nakabangga ko. Ngunit, bago pa man ako lubusang makatayo ay may mga braso ng umalalay sa akin. Buong akala ko ay iyong nakabangga ko ang yumakap sa baywang ko pero laking gulat ko nang nalingunan ang isang lalaking nakasuot ng dark rimmed eyeglasses ang siyang may hawak sa akin. Sa gulat ko ay di kaagad ako nakagalaw.
"You can leave now.'' walang emosyon at maawtoridad na wika nito sa lalaking kaharap namin.
Hindi ko na namalayan ang susunod na nangyayari dahil sa napatanga lang ako sa lalaking possessive na nakahawak sa beywang ko ngayon.
Who's this guy? Punong ng question mark akong nakatingin sa kanya nang lumingon siya at napatitig sa akin.
" Are you alright. ?" walang emosyong tanong niya.
Napalunok ako ng sariling laway dahil na-awkwardan na ako. Para kasing wala siyang balak na bumitiw sa beywang ko.
"Ahm...Ah.. Ang.." dahil di ko alam ang sasabihin ay sumulyap ako sa kamay niyang pumulupot sa akin.
"Ah. Sorry!" agad baba ng kamay nito.
"Ah,I'm okay. T-hank you."
"I'm Colm" biglang pakilala niya.
"A-Adriana" ngiting tipid ko.
"You don't hate me?" out of blue question niya .
"Why would I?" I asked. Na-puzzled ako.
Sandali niya akong tinitigan bago umiwas ng tingin saka naglakad palayo leaving me more puzzled.--+++++

BINABASA MO ANG
The Possessive Stranger (On-going)
General FictionThis world is a jungle, full of predators that will follow your shadows. You will never be safe if you're alone. You need a man who can love and protect you from all the dangers... Pero paano nalang kong ang taong akalang mong kakampi mo--- na t...