Nagising ako dahil sa malakas na tunog galing sa...teka..saan ko nga nilagay ang cellphone ko? Teka bakit- . Napabalikwas ako dahil parang... may kakaiba eh. Sinundan ko kung saan galing ang tunog. Naglalakad ako nang nakapikit ang isang mata dahil sa antok.What da?! Paano nakarating dito sa lababo ang cellphone ko?!
Left, right, left right ang pagpukpok ko sa ulo. Nakakaloka! Sadya bang nakalimutan ko lang or-- God!! No way! Impossible! Aish..Pambihira..Napaparanoid na talaga ako.
Namatay ang tunog ngunit nagring ulit. Di ako nagdalawang isip na sagutin without even glancing kung sino ang tumawag.
*swipe *
"Hello." medyo paos kong bati sa kabilang linya..Humarap ako sa whole body salamin ng dingding saka sinuklay-suklay ang buhok ko. Sinipa-sipat ko ang pisngi ko habang naghinhintay sa kabilang linya ngunit wala man lang response.
"Are you there?" Wala pa rin. Napanguso ako.
"Andiyan ka pa ba?" trinanslate ko na baka kase di naintindihan eh mahirap iyong ganoon, iyong nag-e-english tapos di pala niya gets...ngunit wala pa ring response...
Sinulyapan ko kung sino bang tumawag sa akin ngunit sa pagkagimbal ay muntik ko ng mabutiwan ang pinakamamahal kong cellphone.
This number. 0996****864
This is the stranger's number. Oo inerase ko ma ang nakaraang text pero di ako pweding magkamali. Itong number na ito, ito iyon..bigla akong kinilabutan.
Napalunok ako ng laway at dahan dahan kong inilapat ulit sa tainga ko ang cellphone ngunit isang creepy background lang ang naririnig ko...saka--..isang buntong hininga.. Bigla kong nabitawan ang cellphone at napasiksik sa dingding ng banyo. Nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa takot.
No way!
Kumaripas ako palabas ng banyo. Agad kong inayos ang mga gamit ko sa eskwela pati mga damit na pwede kong magamit ng isang linggo. I really need a company. God! Mababaliw na ata ako. Baka--
~~~~
Kaharap ko ngayon si Francisco na di parin nakagalaw matapos kung ibunyag lahat ng pinagdaanan ko at kung sino talaga ako. As in lahat-lahat. Wala naman akong pweding pagkatiwalaan kundi siya lang talaga. At alam ko rin na siya lang ang pwede kong maging kakampi."S-so what's your plan now? God! Adriana... baka nakalimutan mong..." frustrated itong napasabunot sa kanyang buhok. Ang kaninay magulo ay naging magulo pa. God he's handsome. Matangos na ilong, mapupulang labi at malantik na pilik mata. No, he's so cute pero...pero wala man lang akong naramdaman kahit kunti pagnanasa dito "...lalaki pa rin ako"
Napataas ako ng kilay. "So?"
Tiningnan ko siya ng para-kang-tanga-look.Napamaang siyang nakatingin sa akin. "Teka lang- sigurado kabang... tumakas ka dahil sa ganoong rason or may iba pang reason..." tinitigan niya ako ng mataman. "Are you a lesbian kaya ayaw mo sa kagaya naming lalaki, hmmm?"walang prenong tanong niya.
"What?!" Napasigaw ako sa gulat. What the! Saan niya nakuha ang ideyang iyan. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang aking kanang kamay. Please... Please lang. Give me a break. "No way! Where did you get that idea?" Gosh! Ako? Lesbian? Sa landi kong 'to? Nah! Ewan
Hindi pa ako lubos na nakarecover ay nagsasalita na naman siya.
"So paano ba iyan?...Saan ka matutulog? Wala namang extra room dito... maliban nalang kung gusto mong share tayo" nagtaas baba pa ang dalawang kilay nito. Aish may saltik talaga.
"Eh doon ka sa couch." simpleng sabi ko at tumalikod papuntang kusina. Naghalungkat ako sa ref niya ng pwedeng makain. Hmm..chocolate ice cream and orange cake...Yum yum maybe some of you find it weird pero gusto ko ito.
"Tsk- sino bang may-ari ng unit na 'to?" napatalon ako nang bigla nalang siyang sumolpot sa gilid. "Aish...ang takaw. Wag mong ubusin iyan" akmang aagawin niya iyong orange cake ngunit agad na inilayo ko.
Tinalikuran ko siya at umupo doon sa dining. Sumunod rin siya sa akin at nagslice rin ng cake at umupo sa tabi ko.
Ilang minutes kaming tahimik at ini- internalize (lol) ang pagkain nang nagsalita siya.
"What's your plan now? E-report nalang kaya natin sa mga pulis. Baka kase...alam mo na." Napahinto siya at bumunting hininga. "-...saka nag-alala rin ako sayo..sakin" sabi pa niya na ang mukha ay parang natatae.
"Sayo? Yah...sorry aalis nalang ako dito. Baka madamay ka pa sa-"
"No! No! No! That's not what ...I mean baka..." at nag-iwas siya ng tingin at napahilamos sa mukha. Hinihintay kong dugtongan niya ngunit tumayo na at nagtungo sa sink.
Tumayo ako't napabuntong hiningang sinundan siya bitbit rin ang pinagkainan ko.
"Wag kang nag-alala, hmmm. Bestfriend kita. Bestfriend mo ako. Walang mangyayari ok?" niyakap ko siya galing sa gilid. "God! Ilang taon na tayong magkakasama. One week lang ako dito saka..." pabiro ko siyang binatukan "..walang akong hidden desire sayo oy." at natawa ako. Gago lang.
Natawa na rin siya. " Sinisiguro ko lang...baka mamaya gapangin mo pa ako. Nah! Walang manok ang tumanggi sa palay." tumawa pa rin siya.
"Tse!" tinanngal ko ang pagkayakap sa kanya at tinalikuran siya ngunit bago pa ako makarating sa sala ay nag.ring ang cellphone ko. Yes, ni-rescue ko pa rin ang cellphone ko noh. Di naman ako tanga para itapon nalang ito at hahayaang maligo sa banyo. May sentimental value to kasi bigay ni mama noong nabubuhay pa siya.
Napabuntong hininga nalang ako bago i-nun-lock gamit ang pattern. And....
.....in the same reason, para na naman akong tinakasan ng kaluluwa dahil sa nabasa ko.
My mouth went dry.
Shit! Kung di lang ako nakapagbalance agad ay matutumba talaga ako.
.
-------------------------_-------
BINABASA MO ANG
The Possessive Stranger (On-going)
Художественная прозаThis world is a jungle, full of predators that will follow your shadows. You will never be safe if you're alone. You need a man who can love and protect you from all the dangers... Pero paano nalang kong ang taong akalang mong kakampi mo--- na t...