Last subject na before lunch. Abala sa pagdi-discuss si Prof. ngunit parang di ko kayang sundan ang kanyang mga sinasabi. Lumipad parin ang isipan ko sa nangyari kaninang umaga.
Kahit gaano ko i-analyze ang huling mga tagpo, di ko parin kayang i-decode. Iyong mga binitiwin niyang salita ay parang kakaiba. Parang kilala niya ako. Parang magkakilala na kami dati. Parang....Ughh! Bakit ko ba pinoproblema iyon? Tsss. Nababaliw na ata ako!
Lumabas ako sa klase na badtrip at gutom. First day na first day ko ngunit hindi na maganda ang takbo ng araw ko.
Paglabas ko ng Building ay agad akong tumakbo papuntang terminal ng mga motorcycle na nasa katapat lang ng building. Nagpahatid ako sa pinakamalapit na karenderia.
Paalis na sana kami nang may humarang sa motor."P*ta! Magpapakamatay kaba bata?!" galit na sigaw ni manong driver.
"Pasensya na po pero iniwan kasi ako nitong girlfriend ko-" sabay tingin sa akin "babe sorry na, tinapos ko pa kasi iyong assignment ko" at nagpout pa ang lalaki.
Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. Sino ba tong unggoy na 'to? Lakas ng trip.
Bago pa ako makapagprotesta na di ko naman kilala ang lalaki ay tumatawang pumayag si manong driver. Wow! Bipolar lang si manong.
Wala akong nagawa kundi ang bumaba ulit sa motor para siya ang sumunod sa driver.
Habang nasa byahe kami ay nagkwentuhan pa sila ng driver na animoy magkakilala lang. Napaismid nalang ako.
Maya-maya pa'y bigla siyang lumingon dahilan nang muntik ng magdikit ang mga labi namin. Napaatras ang katawan ko dahil pagkabigla. Mabuti nalang at maagap niya akong nahawakan sa braso ko at iniyakap niya ito sa kanyang beywang.
"Ano ka babe. Di pa nga kita nahalikan ay gusto mo ng humiga. Gusto mo, sa hotel nalang tayo maglunch?" pabulong na biro nito.
Kinurot ko siya sa tagiliran dahil sa inis ko saka medyo nabastusan ako sa kanya.
"Naku manong, chansing masyadong tong girlfriend k--"
"Tumahimik ka nga!" at kinutusan ko na.
Tatawa-tawa si manong sa amin.
"Wag niyong kalimutan ang proteksyon"Pagbaba ko ay bumababa din siya. Siya pa ang nagbayad kaya iniwan ko na siya doon. Di na ako nagpasalamat dahil sa inis ko. Loko-loko. Walang magawa sa buhay. Nagmartsa ako papasok sa Shobi ngunit hinabol niya ako't inakbayan.
Huminto ako't tinitigan siya ng masama. As in , masamang-masama.
"Alam mo ikaw! Gosh! Di kita kilala kuya! Ano bang trip mo sa buhay?" Nakapameywang na ako dahil sa frustration ko.
Ganito ba ang mga estudyante dito? Parang may mga tuyo sa utak? Ughh!
Nagtaas naman siya ng dalawang kamay na animoy sumusuko na siya.
Tumalikod nalang ako't pumasok sa karenderia. Tuloy-tuloy ako sa counter saka umorder ng half-rice, sea foods at pakbet. Pagkatapos ay nagtanong ako ng password sa kanilag wi-fi.
Paupo na ako nang may kumalabit sa akin. Paglingon ko ay sumalubong sa akin si CAS-B girl. Oo, ito ang ipinangalan ko sa kanya. Di ko alam ang pangalan niya eh.
"Ate, doon ka na sa table ko." paanyaya niya.
Kaya, bitbit ang order ay sinundan ko siya sa kaniyang mesa.
BINABASA MO ANG
The Possessive Stranger (On-going)
General FictionThis world is a jungle, full of predators that will follow your shadows. You will never be safe if you're alone. You need a man who can love and protect you from all the dangers... Pero paano nalang kong ang taong akalang mong kakampi mo--- na t...