Chapter 9• Worried

68 2 0
                                    

Hours passed at nakauwi na rin ako sa apartment ko. Pagkapasok ko sa loob ay naabutan ko ang galit  na lalaki na nakatayo sa gitna ng sala.

"Saan ka galing?" simpleng  tanong ni Francisco pero  ramdam ko ang bigat. Oo. Galit  itong  nakatingin sa akin.

Habang papalapit ako sa kanya ay hinagod niya ako ng kanyang tingin mula ulo hanggang pa. Nagtagis ang mga bangang  nito.

"Para akong nababaliw sa kakahanap sayo. Tapos..." hinagod niya ulit  ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nanliit ako sa klase ng tinging ipinukol niya sa akin. Bigla akong nararamdaman ng hiya  kahit wala naman akong ginagawang masama.

"Hindi kita  makontak, tapos kahit isang text man lang wala akong natanggap galing sa iyo! Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala!" frustrated na sabi nito saka  pasalampak na naupo sa sofa.

Naguilty ako bigla. Siguro tinatake for granted ko lang din si Francisco. Hindi ko masyadong  naisip ang pwede niyang maramdaman. Humakbang ako papalapit sa kanya at akmang uupo sa tabi  niya nang magsalita ulit  ito.

"Magbihis ka muna at mag-usap  tayo."  seryosong sabi nito saka  ako iniwan at pumasok sa kusina. Napabuntung hininga nalang ako habang sinundan siya ng tingin.

Kinakabahan ako habang nagbibihis. Nakakatakot talaga kapag magalit si Francisco. Mas natatakot pa ako sa kanya kaysa  sa step father ko. Tingin pa lang kasi para na akong sinaksak ng ilang beses.

Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan ko siyang tahimik na nakatingin sa TV kahit nakapatay naman. Nahihirapan akong iangat ang aking  mga paa  mula sa aking  kinatatayuan.

Nilingon niya ako nang siguro naramdaman niya presensya ko. Bago pa magtama ang mga paningin namin  ay yumuko na ako at humakbang papalapit sa sofa.

Para akong maamong  tupa  habang nakaupo sa tabi  niya. Sino ba ang hindi  matatakot  sa itsura niya ngayon. Parang anytime ay bibitayin na niya ako.

Wala naman akong ginagawang masama pero  naguguilty ako and at the same time grabe iyong takot ko na nararamdaman ngayon.

" Speak." one word from him pero para na akong maiiyak. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong lumingon sa kanya but I can't.

The Possessive Stranger (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon