He's here.
Hindi ko kayang ipaliwanag kung ano-ano ang mga nararamdaman ko ngayon dahil iisa lang ang kayang kung pangalanan, ang pangungulila. Yes, I admit na di ko siya kilala, na di naman kami magkakilala pero there's something with this guy. I feel some connection na para bang matagal ko na siyang kakilala. Na para bang naging bahagi na siya ng buhay ko. Na para bang..
Gosh! Ipinilig ko ang ulo para mawala ang mga iniisip.
"How are you?" tanong niya na nahihimigan ko ng paglalambing ang kayang tono. Pero kabaliktaran naman ito sa kanyang mga galaw. Ruthless and bold.
Tumikhim muna ako bago sumagot. "Ahmm..I'm fine.." medyo paos kong sagot.
Tumango lang siya sa sagot ko. At matapos noon ay naupo lang siya doon as couch without even sparing me a single glance. Busy lang siya sa pagtetext o kung ano man. I have too many questions na gustong itanong sa kanya pero hindi ko alam kung paano magsimula. Sa physical na appearance kasi ay siya iyong type na parang "don't-ask me-with-your-stupid-question".
"What's your name?" aw! What'a stupid question. Gusto kung batukan ang sarili. Seriously? But why? Eh Di ko naman talaga siya kilala.
Nakitaan ko ng amusement ang kanyang mga titig sa akin. Para bang may inside joke siya sa kayang isip na talagang nakakatawa. Ibinaling ko nalang ang aking mga tingin sa gilid ng bintana. Bigla din kasi akong nakaramdam ng pakaasiwa.
"Colm" he said huskily. Ughh! Seriously?! Huskily?! Gusto kong sabunutan ang sarili. Nababaliw na ata ako eh.
Baka naman side effect to ng mga gamot na iniinom ko kaya parang naging ganito ako. Pero may gamot ba na ganoon? Na pagkatapos mong inumin nagiging active iyong hormones mo?
"W-why are you...here?" follow-up question ko pa na medyo nahihirapan pang magsalita.
Sandali niya akong tinitigan bago nag-iwas ng tingin. Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya sa labas ng bintana.
De javu.
"Because I need to-"
" But why?"
Bumaling siya sa direksyon ng pintuan dahil sa pagpasok ng doctor.
"Mr. Rivas, ayos naman lahat ang resulta ng mga test. Hayaan mo lang siyang magpahinga at iwasan ang ma-stress" kausap ng doctor sa kanya.
Matapos ang pag-uusap nila ng doctor ay bumaling siya sa direksyon ko. Nag-iwas din agad ako ng tingin bago pa man niya mapansin ang paninitig ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kung anong motibo niya? Everytime na nasa critical state ako ay siya palagi ang andyan. It's very impossible to think na coincidence lang lahat. Na noong nalasing ako noong sa GenSan ay siya ang bakapulot sa akin. Ngayon naman na na-ospital ako ay siya rin ang nagdala aa akin dito. Parang may mali eh. Parang may hidden agenda ata tong taong ito. Parang palagi siyang nakasunod as akin.
Biglang kong naalala ang nangyari doon sa police station.
"Paano ako nahimatay?" agad kong tanong sa kanya.
Tumitig muna siya sa akin nang tila ba naninimbang sa tanong na ipinukol ko sa kanya.
"Nakita kita sa harap ng police station." sagot niya na parang bang nagbabasa ng script.
"Hindi ikaw iyon." sabi ko pa na ang kinakausap ay ang sarili.
"Sino?" nangungunot noong tanong niya.
"W-wala." Napansin kong ang pag-igtang ng kanyang panga. Dahil ba di niya nagustuhan ang paraan ng pakikipag-usap ko sa kanya?
Tahimik lang kami habang nagbabayahe. Nagpresenta siyang hatid ako. Gustuhin ko mang tumanggi ay wala pa rin akong magawa.
Hanggang sa namalayan ko nalang ang biglang pagtigil ng kotse sa tapat ng bahay namin. Ngunot noo akong napalingon sa kanya.
"How did you know that... ?" nagdududang mga tanong ko. Hindi na naging maganda ang pakikiramdam ko sa mga nangyayari. Bigla akong nanlamig at pinapawisan dahil lakas ng tibok ng puso ko. "A-are you-"
"Fuck!-"
Umalingawngaw ang mga sunod-sunod na pagputok kasunod ng pagkabasag ng mga salamin ng kotseng sinasakyan namin...
-----++-------
BINABASA MO ANG
The Possessive Stranger (On-going)
General FictionThis world is a jungle, full of predators that will follow your shadows. You will never be safe if you're alone. You need a man who can love and protect you from all the dangers... Pero paano nalang kong ang taong akalang mong kakampi mo--- na t...