Sinimulan ko ng magkwento sa kanya lahat ng mga naalala kong nangyari. Walang labis, walang kulang. Siya? Tahimik lang na nakikinig. Ewan ko kung nakikinig ba siya eh ni kahit isang beses di man lang siya lumingon sa akin.
Ilang minuto pagkatapos kong magkwento ay wala pa rin siyang imik. Pasulyap-sulyap ako sa kanya. Gusto kong magtanong kung galit pa rin ba siya sa akin pero natatakot ako sa kanya e.
"You're like a sister to me. Ayaw kong mapahamak ka." maya-maya'y pa ay mahinahon na sabi niya na ngayon ay tumitig na sa akin.
"I'm sorry..." dagdag pa niya na malungkot na nakatingin sa akin.
"B-bakit ka nagso-sorry sa'kin?"
"Masyado akong harsh sa iyo."
Tahimik ko siyang niyakap. Para maiparamdam na naiintindihan ko siya dahil alam kong nag-aalala lang siya sa akin.
"Teka, bakit andito ka pa? Akala ko uuwi ka ng Davao?"
"Oo nga, mamayang hapon pa ."
After my heart to heart talk with my bestfriend ay umuwi na siya sa apartment niya para makapag-impaki na daw siya. He will spend his Christmas evening in Davao City with his family. He wanted me to come with him but I declined. I even cracked joke to him na gusto ko muna ng break sa pagmumukha niya. Well, I have my reasons. I don't want them to be involve with my problems now. Albeit wala akong natatanggap na mga senyales nitong mga nakaraang araw pero may pangamba pa rin ako.
And just as I thought about that thing, tumunog ang cellphone ko.
Pigil hininga akong napasulyap sa screen ng phone ko. Nakita kong hindi registered ang number at hindi pamilyar sa akin. Tinitigan ko lang ito at di sinagot at ipinatong nalang sa nightstand.
Ngunit after ng ilang minuto ay tumunog ulit ito kaya sinubukan ko nalang sagutin.
"H-hello."
"Adriana.." one word and I froze. If I'm not mistaken, ang tumawag ngayon ay walang iba kundi ang taong gusto ko ring takasan.
"D-dad..." I whispered. Nanginginig ang kalamnan ko sa kanyang boses, sa pagsambit niya sa pangalan ko.
"Umuwi ka na.."
,"P-po..?" Ano daw ? Gosh! Bakit naman ako babalik sa Manila? Para matuloy iyong kasal?
"D-dad, I...I can't.."
" Everything is fine now. Hindi na matutuloy. Naayos ko na anak..." mahinahong sabi niya sa kabilang linya.
It takes several minutes before na-process ng utak ko ang mga narinig ko mula sa kanya. Saglit akong di nakapagsalita. So I big sabihin wala na akong problema? Ibig sabihin tapos na ang pagtatago ko? Ibig sabihin...makakauwi na ako?! Gosh! Makakauwi na ako! Makakauwi na ako!
But, coming home means leaving here. Leaving my life here. Leaving Francisco here. Sumikip ang dibdib ko sa ideyang hindi ko na makakasama si Francisco.
I may not like my school here, but it hurts to leave this place.
And I want to see him again. I want to see that stranger guy...again...

BINABASA MO ANG
The Possessive Stranger (On-going)
Художественная прозаThis world is a jungle, full of predators that will follow your shadows. You will never be safe if you're alone. You need a man who can love and protect you from all the dangers... Pero paano nalang kong ang taong akalang mong kakampi mo--- na t...