"Don't... No! No! No!...Dooonnnot touch-" nagpupumiglas na ako ng hawakan niya ako. "Noooo...!" I cried when he cornered me."Shhhh.. calm down..." sinusubukan niya akong pakalmahin. "Hindi kita sasaktan..." banayad na sabi niya habang yakap ako at hinaplos-haplos ang aking buhok.
"Pero...bakit...bakit ako .." nag-angat ako ng tingin sa kanya "nandito..?" halos pabulong na ang huling salita na nabigkas ko.
"Kase-"
Fifteen minutes ago
Sobrang sakit ng ulo, iyan ang nararamdaman ko ngayon. Napahawak ako sa sintido ko dahil sa sobrang sakit. Gusto kong buksan ang aking mga mata ngunit hindi ko kaya dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. I groaned in frustration.
Pikit-mata akong bumangon sa kama. Ilang segundo ko munang ini-adjust ang aking mga paningin dahil sa liwanag na dumadaan sa bintana. At nang ganap ng nakapag-adjust ay unti-unti kong inilibot ang aking mga paningin sa loob ng kwarto. Ilang segundo bago rumihistro sa akin na hindi pamilyar sa akin ang kwarto. And then, nagsimula na akong magpanic. Napasigaw na ako dahil sa takot at pangamba. Maraming ng mga tanong na nagsimulang bumubulong sa akin.
Saan na ako?!
Kaninong kwarto ito?!
Kinuha na ba nila ako?!
Ano nang mangyayari sa akin?!
Pero paano ako nakarating dito?
Bakit wala akong maalala?!?
Teka .Teka.Teka.. Mas lalo akong napasigaw sa takot nang makapa ko ang sarili ko na wala ng suot sa ibaba at saka...at saka...hindi pamilyar sa akin ang suot ko.
KANINONG DAMIT ITO?!
Napasigaw na talaga ako ng malakas. Bakit ganito ang suot ko?! Malaking T-shirt na kulay puti at may nakasulat na New York sa harapan. Hindi sa akin ito?! Wala akong damit pan-lalaki. Maliban nalang kung...maliban ...maliban nalang kung..
No! no! No!
Nagpanic na ako. Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin..
Eight minutes ago
One night stand?!
Frustrated akong napaupo sa sahig habang unti-unting bumuhos na ang aking mga luha. Hindi ko alam. Wala akong maalala. Hindi ko ma-...
"What are you doing?" I frozed the moment I heard a baritone and dangerous voice from the doorway. Napakagat labi ko bago lumingon sa naturang nagsasalita.
Biglang tumigil ang aking paghinga nang mapagmasdan ko ang nilalang na nakatunghay sa akin. Isang pares ng mga misteryosong mata ang sumalubong sa aking paningin. Mga makakapal na kilay na malapit ng magkasalubong dahil sa biglang pagkunot ng kanyang noo.
Four minutes ago
May mga lumalabas sa kanyang bibig na salita pero hindi kaya e-process ng isip ko.
Naglakad siya palapit sa akin hanggang huminto siya sa harapan ko. Umigting ang kanyang mga panga.
Napayuko ako't napapikit habang napayakap sa dalawa kong tuhod dahil sa takot. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Natatakot na ako.
I flinched when I feel someone tapped me in my shoulder. Kusang lumabas ang mga hikbi sa aking mga bibig.
"Don't... No! No! No!...Dooonnnot touch-" nagpupumiglas na ako ng hawakan niya ako. "Noooo...!" I cried when he cornered me.
"Shhhh.. calm down..." sinusubukan niya akong pakalmahin. "Hindi kita sasaktan..." banayad na sabi niya habang yakap ako at hinaplos-haplos ang aking buhok.
"Pero...bakit...bakit ako .." nag-angat ako ng tingin sa kanya "nandito..?" halos pabulong na ang huling salita na nabigkas ko.
"Kase-"
"Bakit...Bakit ito nalang... ang suot ko..? " mangiyak-ngiyak kong tanong habang nakatitig sa kanya. Unti-unti na namang akong naiiyak. Iisipin ko pa lang na ginahasa niya ako ay parang mamamatay na ako.
"Anong.. ginagawa... mo sa akin?!" humahagulhol na ako. Pinagsusuntok ko na siya sa dibdib. Sinasabunutan. Nagpupumiglas.
"Shhhh..calm down.." pilit niya akong pinakalma ngunit patuloy pa rin ako sa pagsipa. Pagsabunot at kung ano-ano pa para lang makawala sa kanyang paghawak sa akin.
Bigla akong napahinto ng bigla siyang tumayo at umatras ng ilang hakbang.
"Fuck! I didn't do anything! I helped you since you passed out last night. And for your accusations na ni-rape kita..." tumawa siya ng pagak. "That's absurd..." tumawa pa siya ng nakakainsultong tawa.
Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya. Nakatitig ako sa mga mata niyang may bahid ng iritasyon at may bahid ng parang pagkabahala. Kasabay ng pagkalunod ko sa kanyang mga tingin ay ang pagbuhos ng mga alaala ko noong nakaraang gabi.
Mula noong paano ako napunta sa Maldito hanggang sa -
"Adriana, tara let's dance bess" ungot ni Francisco sa akin.
"Ayaw ko...hikh..lasing na...hikh...ako..."
"Oh, Sige wag kang aalis dito ha. Babalikan kita dito---"
Nakita ko nalang sa Francisco na naglakad papuntang dance floor.
Tapos. Tapos. Napakunot ang noo ko dahil wala na akong maalala.
"Binihisan kita." maya-maya'y sabi niya. "Wala naman akong nakikitang nakakalibog sayo kaya, you're safe" he smirked at bago pa ako makapagreact ay lumabas na siya at sinirado ang pinto.
Ano?! Ano?! "Iniinsulto mo ba akong hayop ka?!" sigaw ko kahit alam ko namang di niya marinig .
Nagpapadyak ako sa inis. Gusto kong magpasalamat ngunit dahil arrogante siya ay di ko gagawin iyon. Hayop . Saka teka lang.teka..
Napayuko ako at. OH MY G! Oh my G!!
Nakita niya! Nakita niya ang...ang...ang katawan ko!! Nakakahiya! WaahhhGumulong-gulong ako sa kama niya dahil sa hiya. Oh M G. Paano ako haharap sa kanya. Pero teka, sino pala siya?
Inilubog ko ang mukha ko sa unan. Gosh.
Teka lang...ANO NA KAYANG NANGYAYARI KAY FRANCISCO??
Agad akong bumangon at hinagilap ang mga gamit ko.
Nakita ko ang cellphone sa loob ng purse at nagulat ako sa dami ng missed calls at text message na galing kay Francisco.
Hindi na ako nag-abala pang buksan at tingnan ang mga iyon. Patakbo akong lumabas ng kwarto para makauwi na.
Paglabas ko kwarto ay isang sala ang nabungaran ko. Di na ako nag-aksaya pa ng oras at hinanap ko ang front door.
Patakbo kong binaybay ang hallway saka huminto sa tapat ng elevator. May mga nakakasabay ako na weirdong nakatingin sa akin. Pero pakiaalam ko. Ang gustong mangyari ay umu--
Nabitin lahat ng pagmomonologue ko nang bumukas ang elevator at iniluwa ang isang taong hindi ko gusto makaharap.
Dali-dali akong tumalikod at nagkunwaring may hinahanap sa purse ko nang maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa braso ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Biglang ako kinabahan at nalukob na ako ng takot.
"You. Can't. Escape." one sentence. One sentence only that terrified me.
BINABASA MO ANG
The Possessive Stranger (On-going)
General FictionThis world is a jungle, full of predators that will follow your shadows. You will never be safe if you're alone. You need a man who can love and protect you from all the dangers... Pero paano nalang kong ang taong akalang mong kakampi mo--- na t...