Chapter 12 • Explanation

37 1 0
                                    

Nahihirapan ako sa paghinga dahil sa paghikbi. Parang ayaw ko ng humiwalay mula sa pagkayakap sa kanya. Mahigit apat na taon kong hindi siya nakasama.

Kumalas ako sa kanya para punasan ang aking pisngi na puno na ng luha.

"I'm sorry..." sabay naming sabi. Mas lalong bumuhos ang aking mga luha.

"D-dad.." pahikbi kong sambit.

" P-pasensya na anak. P-pinagsisiyan ko ang naging desisyon kung iyon. Nung mga panahong iyon akala ko iyon iyong tama. Di ko alam..na..'"

"P-Please dad, k-kalimutan na natin iyon. Naunawaan ko na po..Saka, salamat. Salamat dahil iniatras niyo po." sabi ko pa at niyakap siya ulit.

Naging mabilis ang takbo ng mga araw. Inaayos ko lahat ang dapat ayusin gaya nalang ng pagpapalinis ulit sa aming bakuran at pagpapatanim ng mga bulaklak. Pinapapinturan ko rin ulit ang gate namin para kahit paano medyo umaliwalas naman tingnan ang harapan ng bahay.

Si manang Linda naman ay pinapauwi ko muna sa kanila kabang nandito pa ako sa bahay at di pa nagsisimula ang klase for second semester.

"Nakapag-enroll ka na ba anak?" tanong ni daddy isang umaga nang naabutan niya akong nagwawalis sa bakuran namin. Wala na kasi kaming katulong kaya lahat ng gawaing bahay ay ako na ang gumawa.

"Yes dad. Wala na pong problema" nakangiti akong bumaling sa kanya.

"Kailangan mong bumili ng sasakyan."

"Dad, No. Malapit lang naman. Kayang -kaya kong lakarin at saka-"

"What do you mean? " Naguguluhang tanong niya habang uni-unti siyang lumapit sa akin sakay ng kanyang wheelchair.

Napahinto ako sa pagbunot ng damo.

"Dad?"

"Saan ka nag-enroll?" he asked sternly. Medyo galit siya kaya kinakabahan na ako. Paano ko ba sasabihin sa kanya na di ako nag-enroll sa university na gusto niya.

Di na namin kaya doon kasi walang-wala na kami. Wala ng natira sa amin kundi itong bahay nalang. Wala na ang mga negosyo namin. Ang ibang mga properties naibinta na rin nila bago namatay si mommy. Ang tanging naiwan nalang ay ang perang nasa account ko which is hindi na aabot sa kalahating milyon.

Sa ngayon, umaasa nalang kami galing sa pension ni daddy na natatanggap buwan buwan para mabayaran ang lahat ng mga bills namin.

"S-sa community college dad." alanganin kong sagot habang natingin sa paanan ko.

"A-anong?.. Anong-"
Nakita kong napahilamos si daddy sa kanyang mukha na tila ba frustrated siya masyado.

"Dad, iyon lang kasi ang kayang kong enroll-an. Masyadong mahal sa -" hindi na niya ako pinatapos

"Gagawa ako ng paraan-"

"DAD! TANGGAPIN NALANG NATIN NA LUGMOK NA TAYO! AT IBIG SABIHIN NOON KAILANGAN NATING MAMUHAY SA PARAANG ANGKOP SA SITWASYON NATIN. AYAW KONG MAGKADAUTANG TAYO PARA LANG MAKAPAMUHAY NG GAYA DATI.." frustrated akong napaupo sa lupa habang nakatungo. Di ko namalayan na napaiyak na pala ako kung di ko lang naramdaman ang mga haplos niya sa buhok ko.

"I-I'm sorry, anak...Kasalanan ko ang lahat" at unti-unti na ring pumiyok ang boses ni daddy.

Napatingala ako sa kanya bago sumadal sa kang mga tuhod.

Tahimik lang naming umiiyak.

Kung sana nandito lang Di mommy..

Kung sana...

±+++++++++++

I'm really happy today dahil sa wakas nakapagsulat pa ako kahit ilang words lang..😊

The Possessive Stranger (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon