Corny Daming Alam!

47.8K 732 213
                                    

WALANG PROLOGUE. CORNY KASE.

Uhh wag diyan!” Saway ko dun sa babae na biglang hinila yung likuran ng pantalon ko. Tapos hinawakan ko naman yung kamay nung isa pang babae na hinahatak naman yung uniform ko.

 

“Shit! Tama na!” Sigaw ko sa kanila pero parang walang nakarinig, yung mga mata nila ay mala-halimaw ang dating na may intensyong lamunin ako ng buhay. Napupunit na yung kwelyo ko sa kakahila nila. Amp! Nasasakal na din ako!

Ang dami nila, sila yung mga katabi ko kanina. Kung alam ko lang na ganito ang gagawin nila sakin sana

tumakbo kagad ako!

Di ko pinagsisisihang gawin yun! Tae! Bigla nila akong hinila ni di nila ako binigyan ng pagkakataong umupo at hinatak na kagad ako papalayo. Parang ang bilis nung mga pangyayare.

Yung mga kamay nila kinakapa kapa ang buong katawan ko. Kung ibang lalake ang nasa pwesto ko ngayon, ewan ko lang kung ma-enjoy nila to. =_= May isa pang dumagan sakin tapos sinimulang buksan ang butones ng polo ko.

Hindi pala, inisa isa niya ang paghugot sa butones ng polo ko. Nakakatakot ang mga babae. Nakakakilabot sila.

“Tangna! Ano ba!” Marahas ko siyang tinulak pero may sumalo pang isa pang babae sa kanya. Wala akong pake kung saktan ko sila okay? Ang sakit na ng buong katawan ko sa ginawa nila, sinira pa nila uniform ko! Wala akong pambile! Tangnang mga babae to oo! Nakaka badtrip!

 

“ANG KAPAL din naman ng mukha mo kuya!!! Panira ka ng moment!!!”

 

Ang sakit ng tenga ko nung sinigaw niya yun. Langya! Ano ba tong napasukan ko? Wrestling?

Teka… bakit nga ba nangyayari sakin to?

Kanina kase ang ganda na ng araw ko, nakakain ako ng masarap na almusal, nakapasok ako ng maaga kaso nagkataong nagkaroon ng walangyang meeting sa auditorium ng school para daw sa isang special transfer student. Tapos pinapunta kaming mga 2nd years dun galing sa iba’t ibang courses.

KAGAGUHAN lang pala ang gagawin dun.

Tsk! Nakinig ako sa litanya ng isang walangyang nilalang na di ko alam kung baket sobrang daming alam. Kung ano anong pinagsasabi niya tungkol kesyo mahal niya si ganito si ganyan.

SINONG TANGA ANG LILIPAT SA SCHOOL PARA LANG MAKASAMA ANG BABAENG MAHAL NIYA? SABIHIN NIYO NGA SAKIN HAH!?

TSAKA PAKE KO BA DUN! PANIRA NG BUHAY OO! NAG-AARAL AKO! NAGBABAYAD AKO NG TUITION!! PARA SAN!? PARA MAKINIG SA WALANG KWENTANG BAGAY TULAD NUN!?

Tapos etong mga babaeng to parang mga alipin na nag bubuntong hininga tumitili nakangiti na parang mga ewan sa kanya.

Napuno ako. Ang gago lang kasi ng mga pinagsasabi niya,

 

Corny Daming Alam!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon