"Franz, gago ka, bat ka nag dodge."
Yun ang sinabi ko sa aking kaibigan na si Franz Escote pagkatapos niyang i dodge ang rank game na lalaruin sana namin.
"Eh, mag lalag ako, yung pinsan ko kase nag papa lag nanaman," sumbat naman niya sa akin.
Nakilala ko si Franz sa larong League of Legends, ako'y tinotopak nun, kaya naisipan ko mag troll nalang sa isang rank game, si Franz naman, imbis na pigilan ako, ay mas malalang gago pala to, pinalala pa at nag troll din siya, simula noon ay nag kasundo na nga kami.
Sa sobrang kagaguhan naming dalawa, ay naka imbento kaming dalawa ng mga malulupit na salitain, kagaya nito, "Kung sino man sa inyo ang hindi nag ka bad game, nag pa feed, nag ka deaths, at na tilt, ay siya na ang unang mag trashtalk." Naisipan ko tong salitain na ito dahil maraming salty at hindi mga maka intinding players dito sa LoL.
"Oy, Franz Homoo, lalaro kapa?" chat ko sa kanya.
"Nag lalag nga, tigas naman ng ulo neto," reply naman nito saakin.
"Fine, maya nalang nga tuloy ako mag lalaro, kaurat mga kakampe dito pag solo ehh. "
"Ok, sige, out na rin ako, Kha'Zin syndrome all over again kase ehh."
Ay oo nga pala, ngayon pala ang first day of school namin.... PUTRAGIS! late nanaman ako. 1st year to 3rd year lagi akong late, putragis pati ata ngayong 4th year, 1st day of school palang late nanaman ako.
Naku, mukhang kelangan ko na to bilisan, ayoko malate nanaman.
~Julius is Calling You~
♫ She's the sweetest thing that I know♫
Ano nanaman ba ang drama nitong maitim na to? Tanong ko sa sarili ko habang kinukuha ko ang aking cellphone para sagutin ang tawag niya.
"Oy Gago, bilisan mo na, late kana, first day of school late ka nanaman, mag sisimula na yung klase, yan kase LoL pa. HAHAHAHAHAHA!"
"Pakyu, Gago!" Sabay baba ko sa phone, gago yun ahh, mang iinsulto lang naman pala.
Mukhang kelangan ko na talaga bilisan, malalate na talaga ko.
Kumuha nalang ako ng isang tinapay, nilagyan ko ng palaman na peanut butter para mag asta anime naman anya ang buhay ko. Hahahaha, kaka lungkot diba? Pero anyways tumakbo nalang ako papuntang school, hassle pa kase kung mag seservice pa ko, sira naman yung bike ko, paayos ko nalang yun next time. Hays, sana pala di na muna ko nag laro ngayon, ayan tuloy late na ko.
Lumabas na nga ako, at nag simula nang mag tata takbo, less than 15 mins naman makaka abot pa ko.
Habang ako'y tumatakbo ay may nakita akong isang aso na tatawid, nung tumatawid na siya'y may isang truck na papunta sa kanyang direksyon. Di hamak na masasagasaan yung aso.
"AHHHHHHHH!!! DI TO KAKAYANIN NG KONSENSYA KO, LATE NA KUNG LATE!!!"
Sumugod ako para mailigtas ko yung aso.
*insert drifting sound*
Tumalon ako para mailigtas yung aso, kaso feeling ko useless lang naman yung ginawa ko, nakita naman nung truck yung aso kaya lumiko na to.
"PUTAENA DIS SHIT, BAT ANG MALAS KO!?" Bat ko pa ba niligtas yung aso? Nasobrahan ata ako sa panonood ng anime, shet, late na late na talaga ko neto.
Habang badtrip na badtrip ako, mukhang tuwang tuwa naman yung aso, dinidilaan niya mukha ko habang wina wag niya yung kanyang buntot.
"Oo na oo na, tigil na, aalis na ko late na ko dahil sayo ehh, 7:30 na" sabi ko naman sa aso.
Mairason ko nga to mamaya kung bat ako na late, ahihihihihihihi.
Pumunta na ako sa classroom namin, tas bigla naman akong sinalubong ng aking pareng maitim na si Julius, buti nalang wala pang teacher kundi patay talaga ako. Naka warning na ko sa mga teacher ehh. KENNETH JOVIN, Sobra na nga ang kapilosopohan, lagi pang late. Kay ayun, kilala na ko ng mga teacher.
"Oy pre, may bagong transfer student tayo, balita ko chix daw siya," sabi niya sa akin.
"Gago, basta talaga chix lagi mong crush, ibang klase ka talaga," sabi ko naman sa kanya.
Dumating na ang aming adviser na si Sir Niño Velasco.
"Mag si upo na kayo, dahil ako'y nandito na," wika saamin ng aming teacher na kadadating lamang.
"Mukhang alam niyo naman ata yung news, ngayong school year nyo, may Transfer Student kayo, which is very very rare, kasi special class nga kayo," sabi niya habang pumupunta sa kaniyang upuan sa harap.
"Maganda po ba siya sir?" tanong naman ng kumag na si Julius.
"Makikita niyo, PASOK NA!"
At yun na nga, papasok na siya, ano kaya? maganda ba? cute ba?
AHHHHH~ feeling ko nagiging autistic na ko, di mawala mga tanong sa isip ko, at a sobrang kagaguhan ng isip ko ay may nag play ng kanta sa isipan ko.
♫ Walang Sagot, Sa tanong♫
Yep, wala nga talaga.
Magiging kasundo ko ba siya?
Author's note :
I bet nobody's reading this, I crie...
Anyways, this is my first story, it's pretty cringy somehow because I am super inexperienced.