Chapter 4
Binitawan niya yung kamay ko at lumapit siya saakin. Anong gagawin neto?! Im blushing bes. >.<
"Kumain kana ba?" Tanong sakin ni Zen.
"Hi-hindi pa, nung dumating ka kase kainan time na non. Ikaw ba naman na hatakin ako di pa nakakakain."
Hinila niya ko sa isang bench tabi ng park, hinawakan nanaman niya yung kamay ko huhu! Ang lambot ng kamay niya ang sarap hawakan ohsyete.
"Maghintay ka dyan, bibili ako ng pagkain." Sabay umalis si Zen at iniwan yung jacket niya saakin. Woah, alam niyang nilalamig ako. Kahit papaano ang bait rin pala neto.
Inamoy ko yung jacket niya, uhhmm. Ang bango grabe, kakaibang amoy talaga. Siyempre! Kakaiba ata tong boyfriend ko. Sinuot ko na dahil syempre nilalamig na ako.
"Cassidy!" Huh? Parang may papalapit. Si Zen ba ulit yan? Gabi na kaya hindi ko masyadong maaninag. Papalapit na siya dito. Huhu, sino kaya ito?
"Cassidy, pasensya na di kita maiihahatid pauwi. Nabalitaan ko ko kasing sinundo kana nung boyfriend mo, kaya mauna na ako. Ah asan nga pala si Zen?" Si Kier pala, mukhang pawis na pawis siya kakatakbo.
"Ah may pinuntahan lang siya. Teka, hindi nga pala ako nakapaalam sayo nung umalis ako. Sorry ah, bigla nalang kasi akong hinatak ni Zen."
"Hindi ok lang, atleast nalaman kong safe ka. Ang baliw ko kasi eh, hinayaan pa kitang makipag inuman doon. Kaya ako dapat mag sorry. Uuwi narin pala ako. Oo nga pala bago ko makalimutan, alam ko namang di ka nakakain kaya dinalhan na kita galing sa handa doon. Masarap yan, alam ko namang gutom kana eh. Sige mauna na pala ako! Bye bye!"
"Salamat Kier!" Habang tumakbo na siya paalis. Nginitian niya ako tas nag wave sya. Mukhang nagmamadali siya ah?
Hindi ko inaakalang susundan pa niya ko. Meron pa siyang dalang pagkain, siguro talagang nag alala siya saakin. Binuksan ko na yung pagkain, mukha namang masarap. Hindi pala mukha, sobrang sarap nga. Kaso, yung binili pala ni Zen. Kailangan sa bahay ko nalang kainin to! Dapat kainin ko yung binili ni Zen, nag effort pa kasi siya bumili eh. Itatago ko nalang to para iuwi sa bahay.
Sakto namang dumating to si Zen, may hawak siyang dalawang plastic. Whaa! Mukhang pawis na pawis siya. Siguro malayo yung nilakbay neto. Ang sweet naman masyado, nag effort talaga dahil gutom ako. Awww!
Umupo siya sa tabi ko napansin narin niyang suot ko yung jacket niya. Tumingin lang siya saakin, at kinain na niya yung isang burger. Nilabas niya narin yung isang drinks, pero may natira parin sa isang plastic na burger at drinks. Anong problema neto? Gutom na kaya ako! Bat di pa niya binibigay?
"Akin na yung pagkain ko!" Sabay kinuha ko yung isang plastic pero iniwas niya. Tinotopak nanaman ba to?
"Sino ba nagsabi na binili ko yan para sa'yo?" Huh? akala ko ba bumili siya ng pagkain para kainin ko? Tssk! Ansama talaga ng ugali neto.
"Edi wag! Buti nalang talaga may dinala na pagkain saakin si Kier. Kundi namatay na ako dito sa gutom." Sabay nilabas ko yung binigay saakin ni Kier na pagkain. Tumingin lang siya ng masama saakin, sobrang sama. Ano ba talagang problema niya?
Kinuha niya yung kakabukas ko lang na pagkain ni Kier, at binigay naman niya saakin yung isang plastic ng pagkain na binili niya. Oh tingnan mo nga naman, ibibigay rin pala!
"Hoy! Saaken yan!" Sabay agaw ko dun sa pagkain pero iniiwas niya.
"Huwag kana mag inarte atleast may makakain ka." Nag pout ako at tiningnan ko siya ng masama.
BINABASA MO ANG
Boyfriend for Real? || jk x iu
RomantizmSi Cassidy Jane Himenez ay isang simpleng estudyante lamang pero dahil sa impluwensya ng mga kaibigan niyang may boyfriend na ay nagpanggap narin siyang may boyfriend pero ang totoo a gawa gawa niya lamang ito. Pero nang dumating sa buhay niya si Ze...