Chapter 10
ZEN'S POV
Like what the fuuuu--
Hindi ako makasagot ng maayos sa test,shit naman. Halos buong magdamag ako nagreview, pero parang di ako naka focus shete. Bagsak nanaman ako neto, lagot ako kay Faye shiiit.
4 mins nalang yung natitira, ilan palang nasasagutan ko. Hayys, ano bang nagyayari saakin. Parang ewan ako ditong nagiisip ng sagot kahit wala talaga akong masagot.
Cassidy ....
Taena! Bat nasulat ko tong babaeng to sa papel ko? Haha, hindi ko naman dapat yun iniisip ngayon. Focus kung focus sa test, wala naman talaga akong pake sa nangyayari sa kanila.
----
CASSIDY'S POV
Hayys buti naman tapos na yung test, naka pahinga narin yung utak ko kahit papaano. Pinaalalahanan pala ako ni Kier, pinatawag pala siya nung mga subj. teachers para ayusin yung mga answer key. Kawawa talaga valedictorian. Buti nalang nakaka top 2 lang ako. Hindi ko siya matalo talo ang talino niya kasi eh.
Napansin ko yung 4BTies hindi na nila ako pinapansin, ano kayang meron? Malapitan ko nga sila.
"Uhm Hi." Nahihiya kong sabi sa kanila, matagal na kasi nung last na nag usap kami at party pa yun ni Daisy.
"Woah Cassidy, akala ko nakalimutan mo na kami eh." Sabay nag pout si Sahara habang naka smile saakin si Yrah.
"Balita ko break na kayo ni Zen?" Grabe ang bilis nila maka sagap ng balita parang kahapon lang eh.
"Yep, uhm actually kami na ni Kier." Hindi ko papala naamin sakanila.
"Whaat?! Pinagpalit mo si Zen dun?" Muntik na mabuga ni Reyn yung iniinom niyang juice.
"Yep, wala namang masama eh." Sabay inikot ni Reyn yung mata niya tapos umiling.
"That's right, diyan masaya si Cassidy. Wag na natin siyang pakelaman." Pasingit ni Yrah, supportive friend ko talaga siya.
Tumango nalang silang lahat.
"Let's go girls, Cassidy just go with your new boyfie." Nginitian nila ako at nag wave nalang ako sakanila.
Tutal sinabihan narin ako ni Kier na antayin siya sa canteen, kaya dun narin ako pupunta.
Mas masaya pala pag ganito, wala nang epal sa buhay mo. Pero dapat magpasalamat muna ako kay Zen, tutal nagtiyaga siyang kakunchaba ko sa pagpapanggap. Atleast wala na siya at akong magiging problema, masaya na ako sa bagong buhay ko ngayon.
Papapunta na ako sa room ni Zen, sakto lumabas narin siya sa room. Papunta siya sa way ko, siguro baba rin siya para pumunta sa canteen. Malapit na kami magkasalubong, akward yung mga mukha namin. Gahd bat ako kinakabahan?
"Uhm Zen." Tinawag ko siya nung magkaharap na kami, huminto naman siya at tumingin sakin.
"Ah, thank you pala sa pakikisama saakin dun sa pagpapanggap. Wala kanang po-problemahin ngayon, tsaka yung vacation. Si Kier nalang yung sasama saakin kaya wag mo na isipin yun. Sige thank you pala sa lahat, tinatapos ko na yung pagpapanggap natin." Nag bow ako sakanya at nauna na akong umalis, nakita kong ngumiti siya.

BINABASA MO ANG
Boyfriend for Real? || jk x iu
RomanceSi Cassidy Jane Himenez ay isang simpleng estudyante lamang pero dahil sa impluwensya ng mga kaibigan niyang may boyfriend na ay nagpanggap narin siyang may boyfriend pero ang totoo a gawa gawa niya lamang ito. Pero nang dumating sa buhay niya si Ze...