CHAPTER 18
AN: Hey guys a long long long bakasyon simula nung makapag update ako ulit HAHAHA. So sorry kasi medyo natagalan. Sa mga nakalimot na po feel free to reread (except sa new readers) kasi may binago rin akong parts (onti lang naman hihe). Pasensya na po. SALAMAAAAAAAAT. <3
----------------------------
KAYCEE'S POV (sa mga nakalimot siya po yung kababata ni Cassidy)
I found a love for me
Darling, just dive right in and follow my lead
Well, I found a girl, beautiful and sweet
Oh, I never knew you were the someone waiting for me
'Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time
But darling, just kiss me slow
Your heart is all I own
And in your eyes you're holding mineHindi pa ako nagigising ay rinig na rinig ko na ang malakas na tugtog sa labas ng kwarto na sinasabayan pa nang kung anong boses.
Idinilat ko ang mata ko para tingnan ang orasan kung anong oras na.
5:47 AM
Tsss, aga aga ang lakas mangbulabog.
Nag unat muna ako nang katawan bago tuluyang bumangon, sinuot ko narin ang tsinelas ko at naglakad na palabas ng kwarto papuntang kusina.
Baby, I'm dancing in the dark
With you between my arms
Barefoot on the grass
Listening to our favourite song
When you said you looked a mess
I whispered underneath my breathBumungad lang naman sakin ang isang babaeng, todo birit na kumakanta habang hawak hawak ang sandok na ginagawang microphone at tila sumasayaw sayaw pa.
Hays epekto nga naman nang nagkaka lovelife.
Nakasandal lang ako sa lamesa habang pinapanood ang kabaliwang ginagawa nang bruhang to.
But you heard it,
Darling, you look perfe--"Ka-Kaycee?! Kanina ka pa ba nandyan? Ano bayan hindi ka man lang nagsasabi!" Gulat na gulat niyang sigaw.
"Sige pagpatuloy mo lang, mukha kang tanga HAHAHAHAHA!" Malakas na halakhak ko.
"Che! Palibhasa wala ka kasing lovelife!" At nag make face naman siya sakin. Tss, anong pake ko sa lovelife na yan.
"Ewan sayo, atleast kahit wala hindi ako iiyak sa bandang huli." Hinila ko ang upuan at sabay na umupo habang pinapanood siyang magluto.
"Sino ba nagsabing papaiyakin ako ni Zen?" Walang ganang boses na tono niya.
"Sana. Dahil yayariin ko yan pag nagkataon." Matigas na tonong sabi ko. Sinilip ko naman siya dahil hindi na siya sumagot, nakangiti ang gaga.
Ngayon ko lang ulit nakitang ganto si Cass, alam kong masaya siya sa relasyon niya ngayon. Nakita ko sa mga mata niya yung saya habang kinekwento niya sakin yung nangyari sa 'bakasyon' nila kuno.
Mabuting kaibigan si Cass, halos kapatid na nga ang turing niya sakin. Lahat ng bagay na kailangan ko at kakailanganin ko nandiyan siya para tulungan ako. Ang kinakatakot ko lang na baka dumating yung araw na dahil sa relasyon niya na yan ay iiyak siya at ako naman tong tatanga tanga na mag-iisip ng paraan kung pano siya tutulungan.
"Huy?! Ano nga nga nalang? Kumain kana diyan maliligo lang ako, may pasok pa tayo. Tirahan mo ko ha? Bye bye!" Biglang bumalik ang diwa ko nung hindi ko namalayang marami na palang pagkain ang nakahain sa lamesa. Kaya kumuha narin ako nang pagkain at nagsimulang kumain.
Ang laking epekto rin pala pag may lovelife tong si Cass, sinisipag magluto.
--------
"Uy ano bayaaaan Kayceeeee? Malalate na tayo oh, unang araw na unang araw nang pasukan eh pagong kang kumilos." Sigaw niya sa labas ng kwarto ko habang kinakalabog ang pintuan. Agad naman akong tumingin sa relos ko.
BINABASA MO ANG
Boyfriend for Real? || jk x iu
RomanceSi Cassidy Jane Himenez ay isang simpleng estudyante lamang pero dahil sa impluwensya ng mga kaibigan niyang may boyfriend na ay nagpanggap narin siyang may boyfriend pero ang totoo a gawa gawa niya lamang ito. Pero nang dumating sa buhay niya si Ze...