Chapter 12
CASSIDY'S POV
Eek, umaga na pala. Parang napasarap ata yung tulog ko ah. Teka? Ano nga ba yung nangyari kagabi? Oo nga pala, natrapped kami ni Zen sa isang room. Pero bat nandito na ako sa kwarto ko? Shemaay anong nangyari? Parang nanaginip lang ako, sobrang bilis nung nangyari.
Paano kaya kami naka labas dun? tsaka pano niya ako inuwi? Nakapagtataka naman!
Tumayo na ako papunta sana sa Cr para maghilamos, kaso may napansin akong note sa study table ko.
" Hoy Ms. Rabbit, ang laki ng kasalanan mo saakin. Ang bigat mo kaya pasanin! Payat kang tingnan pero daig mo pa baboy sa bigat. Pasalamat kalang talaga saakin."
Napatawa nalang ako bigla, naimagine ko kasing hirap na hirap ako buhatin ni Zen. Grabe nilakad niya yung bahay ko habang buhat ako? Tamad din kasi tong mag kotse, andami daming kotse nila sa bahay di manlang ginagamit.
Tinago ko sa cabinet yung note niya, haha hindi ko to makakalimutan. Buti nalang talaga naka tulog ako kasi sobrang nahirapan siya! *evil laugh*
---
Dumeretso na ako naligo para maaga narin akong makapag handa sa closing party. Hindi pa naman gaganapin yun sa school sa hotel pa kamo, yayamanin yung may ari ng school namin eh.
Nakakapagtaka naman wala si Kaycee? Parang dati lang siya yung nag aayos saaken dito, siya pa nga yung unang nakaka alam ng mga programs sa school.
Di bale, marunong kaya ako mag ayos. Akala lang nila hindi! Expert ata ako eh.
Naghanap na ako ng susuotin, gahhd. Wala akong matinong damit, puro mga maong na pantalon yung nandito.*ding dong*
Timing talaga tong si Kaycee, kahit kailan. Basta may problema ako dadating yan bigla. Bumaba na ako sa hagdan para buksan yung pinto, medyo nakakahiya dahil naka bath suit pa ako. Pag bukas ko ng pinto bumungad agad saakin si ..
"Ate Faye?!" Woah, ang ganda niya ngayon. Anuba Casidy, palagi naman siyang maganda. Samantalang ako di prepare makaharap siya, mukha akong munggo! Medyo akward nga dahil hindi pa ako naka damit.
Mali pala yung expectations ko, si Ate Faye pala. Pero bakit siya nandito? May dala siyang isang box, ikakahon ba niya ako?!
"Nakwento kasi saaken ni Zen na closing party niyo ngayon, kaya pinuntahan agad kita para makapag ready ka." Ha? Eh ah. Sige na Cassidy, papabebe kapa eh.
"Eh ah, sige po." Sabay ngumiti siya at kinuha yung kamay ko, hinatak niya ako papunta sa kwarto ko. Nakakalat pa pala doon yung mga damit ko, makikita ni Ate Faye!
"Sabi ko na nga ba eh, wala kang mapipiling damit dahil kilala kitang pumorma." Sabay gulo niya sa buhok ko. Hinagis niya yung box na hawak niya sa kama ko.
"Buksan mo, yan ang susuotin mo." Lumapit na ako sa kama ko para tingnan yung damit, branded pala to jusq. Pagka tanggal ko ng takip, may another plastic nanaman na nakatakip. And tadaa! Like woah, laglag panga ko. Ang ganda nung dress kulay black siya tapos off shoulder, simple lang pero bongga.
"Salamat Ate Faye ah, hindi ko kase inaasahan na pupunta ka dito." Napangiti siya at ako naman inayos ko na yung mga nakakalat na damit.

BINABASA MO ANG
Boyfriend for Real? || jk x iu
RomanceSi Cassidy Jane Himenez ay isang simpleng estudyante lamang pero dahil sa impluwensya ng mga kaibigan niyang may boyfriend na ay nagpanggap narin siyang may boyfriend pero ang totoo a gawa gawa niya lamang ito. Pero nang dumating sa buhay niya si Ze...