CHAPTER 11

126 11 0
                                    

Chapter 11

CASSIDY'S POV

Halos tatlong araw na kami ni Kier, sobrang saya siya kasama. Talaga kasing mararamdaman mo yung alaga at pagmamahal niya sayo. Lagi lagi niya akong tinutulungan sa lahat ng bagay, napaka gentleman.
Simula noong sinigawan ako ni Reyn noon, hindi na nila ako pinapansin. Kahit kaya si Yrah nagalit saakin? Sana naman hindi, pero sabi nga ni Kier iwasan ko na sila.

Naalala ko rin si Zen. Simula noong natapos yung pagpapanggap namin hindi na kami nagpapansinan, para bang balik nalang uli sa stranger status? Tss, sino ba naman siya para alalahanin ko pa. Bukas na pala yung closing party, sigurado akong paghahandaan ng mga estudyante yon.

Pero hahayaan ko na yun basta maka attend na ako okay na. Malapit na pala yung bakasyon namin ni Kier! Hindi niya alam na birthday ko pala nun, okay lang haha masaya na akong kasama siya. Halos wala pa kasing nakakaalam ng birthday ko sa school, kaya never pa ako naka tanggap ng gift. I hope na isang espesyal na tao sakin ang magbigay. Sana ...

----

Hays, halos wala kaming ginagawa dito sa klase. Puro pagchecheck ng papel, masyado kasing tamad yung mga teachers kaya saamin pinapacheck. Private school ba talaga to?

Lagi naman akong nililingon ni Kier dahil nasa harapang upuan siya, minsan kinukuha nalang niya yung mga papel na dapat ichecheck ko para hindi na daw ako mahirapan. Nakakabisado na daw kasi niya yung answer key kaya okay lang daw kahit ilan macheckan niya. Haha, loko rin pala tong si Kier. Paano ba naman kasi, sakanya nalang pinapasagot ng mga teachers yung mga test dahil parang laging iisa lang yung mali niya.

*kring kring*

Yes, salamat naman lunchbreak na. Kanina pa kasi akong gutom na gutom, buti nalang natitiis ko pa. Lumapit na agad sa seat ko si Kier, ang gwapo ng ngiti. Gaaahhhd.

"Cassidy let's go?" Kinuha niya yung kamay ko na parang prinsesa, whaaa! Siya na ba yung prinsepe ko?
Wait speaking of prinsepe, okay wala nevermind.

Napansin ko nanamang sinusundan kami ng tingin ng 4BTies paalis.

"Hayaan mo sila." Sabay hinigpitan ni Kier yung paghawak saakin. Habang palakad kami papunta sa canteen pinagtitinginan kami ng mga estudyante, dahil ba yun sa nangyari noong nakaraan?

Umupo na kami ni Kier sa isang vacant seat, nagpaalam muna siya saakin para bumili ng pagkain. Sinabi niyang huwag ko muna daw pansinin yung ibang estudyante at tawagin ko siya kapag nanggulo nanaman yung 4BTies. Tumango ako at umalis na siya.

Mag isa lang akong naghihintay dito sa seat, halos andami pang vacant. Huhu, kahit galit yung 4Bties saakin namimiss ko parin sila.

"Cassidy pinapatawag ka pala mamayang uwian sa E-room, may ipapacomplete si
Mam. Dina sa mga attendance." Sabi saakin ni Joy, kaklase ko.

"Hm, sige." Tumango ako at umalis narin siya. Sa tinagal ko dito sa school na to, wala pang ibang nakipag usap saakin maliban sa 4Bties at Kier kaya medyo sumaya ako. Kaso yun nga, may kailangan kaya lang ako kinausap huhu sad.

"Pasensya na antagal hehe." Sabay niyang nilapag yung isang box ng pizza, with drinks pa. Sosyal din talaga tong si Kier.

Boyfriend for Real? || jk x iuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon