Chapter 7
KIER'S POV
{Flashback At Daisy's Party}
"Uhm, Drey balik muna ako dun sa dining namin ah. Mamaya nalang ulit."
"Sige bro."
Bigla ko kasing naalala si Cassidy, mamaya pagtripan nanaman siya nung mga plastik niyang kaibigan.
Napansin kong wala na siya sa upuan niya, san siya pumunta?
"Daisy si Cassidy?" Mas lalong lumakas yung loob kong tanungin sila, mamaya may masama silang binabalak.
"Well, huli kana Kier. Kinuha na siya ng boyfie niya, ikaw naman kasi! Pabaya."
Sh*t, bigla nalang akong napa mura.
"Nakakain ba siya?"
Argh, ayoko na talaga sa sarili ko. Napaka walang kwenta.
"Hindi." Habang napainom ng wine si Daisy yakap ng boyfriend niya.
Kumuha na agad ako sa buffet nila ng pagkain, wala akong pake kung isipin nila nagtake out ako. Alam kong magugutom si Cassidy. Gugutumin lang yun ni Zen.
Mabilis akong tumakbo palabas, sana maabutan ko siya! Sana!
Napaka tanga ko kasi, hindi ko man lang iniisip na may napapabayaan na ako. Ano kayang iisipin saakin ni Cassidy? Ayokong iwasan niya ako, siya lang yung babaeng nagpapasaya saakin at bumago saakin. Wala akong pake kung may boyfriend na siya. Hindi sila magtatagal, tiwala lang.
Nakita ko agad si Cassidy doon sa isang bench sa park, nakasuot na nga siya ng Jacket. Alam kong kay Zen yun.
"Cassidy!" Nasa malayo palang ako tinawag ko na siya, mukhang di pa niya ako nakikilala.
Mukhang nagulat siya nung nakalapit na ako sakanya, siguro hindi niya inaasahang susundan ko pa siya.
"Cassidy, pasensya na di kita maiihahatid pauwi. Nabalitaan ko ko kasing sinundo kana nung boyfriend mo, kaya mauna na ako. Ah asan nga pala si Zen?" Hindi naman talaga ako aalis eh, talagang sinundan lang kita.
"Ah may pinuntahan lang siya. Teka, hindi nga pala ako nakapaalam sayo nung umalis ako. Sorry ah, bigla nalang kasi akong hinatak ni Zen." Oo wag mo nang sabihin, nagseselos ako Cassidy.
"Hindi ok lang, atleast nalaman kong safe ka. Ang baliw ko kasi eh, hinayaan pa kitang nandoon. Kaya ako dapat mag sorry. Uuwi narin pala ako. Oo nga pala bago ko makalimutan, sabi kasi nila di ka nakakain kaya dinalhan na kita galing sa handa doon. Masarap yan, alam ko namang gutom kana eh. Sige mauna na pala ako! Bye bye!" Binigay ko na sakanya yung pagkain, umalis na ako kasi sobrang kahihiyan yung ginawa ko kay Cassidy.
"Salamat Kier!" Tumalikod ako sakanya at nginitian ko siya. Sapat na ako na masaya si Cassidy.
Kahit di ako ang dahilan non, atleast masaya siya.
Am I inlove with her?
{End of Flashback}
----Arrghh! Naalala ko nanaman yon! Aish, nung isang araw pa yan pero di ko parin makalimutan. Nababaliw na ako kay Cassidy, hindi naman ako ganito dati.
Ni hindi manlang ako maka focus sa lesson kakatingin at kakatitig sakanya, napapabayaan ko na pala pag aaral ko. Ang ganda niya kasi pagmasdan, ewan ko ba kung maraming estudyanteng nababaduyan sakanya. Kung kaya ko lang pumalit sa pwesto ni Zen, mas mamahalin ko pa siya. Bihira ka nalang kase makahanap ng ganyang tipo ng babae.
*kring*
*kring*
Lunch break na pala, mukhang magkakasama nanaman yung 4BTies maglunch. Iniwan nanaman nila si Cassidy, anlaki talaga ng problema nila.
Lalapitan ko ba siya? O lalapitan ko siya? Malamang lalapitan ko siya.
"Cassidy." Naglakas loob na akong lapitan siya, pero pagkaharap niya saakin iba yung itsura niya. Anong kayang problema?
"May problema ba?" Nakasimangot parin siya at di maipinta yung itsura niya.
"Hindi nanaman kasi pumasok si Zen, inapoy kasi siya ng lagnat eh di ko na nga alam kung ano yung lagay niya ngayon" Kaya pala eh, nag aalala sa boyfriend niya. Ayokong ganyan si Cassidy, hindi dahil sa nagaalala siya kay Zen dahil yun sa nakikita ko siyang malungkot.
"Ok lang yan, sigurado naman akong gagaling na yun. Hindi niya matitiis na magisa kalang pumapasok." Hindi ko alam kung yun rin ba nasa isip ni Zen, eh ilang araw na nga di ko siya nakikita.
"Sana nga, uhm samahan mo muna ako mag lunch?" Ayan talaga Cassidy, ako dapat magsasabi niyan.
"Sige ba." Sabay tumayo na kami paalis sa room, gusto ko laging ganito kami ni Cassidy. Gusto ko siya maging girlfriend.
Pumunta na kaming canteen, umupo narin kami sa isang vacant table. Habang yung 4BTies na nasa gilid lang namin, nakatingin saamin ni Cassidy.
Napansin ko rin si Cassidy na hindi komportable, niyaya ko nalang siya sa rooftop para dun nalang mag lunch. Mas maganda dito, mahangin tsaka wala pang tao.
Tumayo si Cassidy doon sa may nakaharang part ng rooftop. Tumayo rin ako sa tabi niya, kitang kita ko parin yung lungkot niya, iba kasi siguro pag kasama niya ako kesa kay Zen? Ang hirap pala.
"Sa tingin mo, gusto na ako ni Zen?" Nagulat ako sa tanong niya, anong ibig sabihin niya?
"Oo naman, siyempre girlfriend ka niya eh."
Biglang may tumulong luha sa mata niya. Anong problema? Dahil ba may sakit si Zen? O baka nag away sila na naging dulot ng pagbrebreak?
"Nagpapanggap lang kami Kier." Halos tuloy tuloy na yung pag iyak niya.
Lumaki yung mga mata ko sa sinabi niya. Nagsisinungaling ba siya?
"Seryoso ako Kier, ginagawa lang namin to para palabasin na may boyfriend ako sa 4BTies para hindi nila ako layuan."
Hinarap ko yung mukha niya sa mukha ko, pinunasan ko yung luha niya na hindi parin tumitigil sa pag tulo.
"Stop that Cassidy, nasasaktan akong nakikita kang ganyan."
Tumigil siya sa pag iyak, halatang nagulat siya sa sinabi ko.
"I like you Cassidy."
Parang gusto ko ng umiyak, pero pinipigilan ko. Hindi ko alam na dapat hindi pala ako nagseselos, hindi ako nagpapakatangang magtanong at hindi ako natotorpe. Kung sana una ko pala yun nalaman, nasakin na ngayon si Cassidy.
Hindi ko napigilan yung sarili kong yakapin siya, halata ko parin sakanya yung pagka gulat sa mukha niya. Siguro hindi niya inexpect na magkakagusto ako sakanya. Pero sa ngayon may pagasa na ako kay Cassidy.
----
Unknown's POV"Aba may boyfriend na nga, nakipag landian pa. Poor Cassidy, sigurado akong hihiwalayan kana ni Zen ng dahil dito. Hahahaha!"
Akalain nyo ah, mas malandi papala saakin tong Cassidy nato. Ang sarap sabunutan, sa mukha niyang yan may gana pang maglandi. Buti nalang talaga, meron akong katibayan dito. Hahaha! Cassidy your'e so b*tch.
*Sending picture to Zen complete ...*
----
~*END OF CHAPTER 7*~
BINABASA MO ANG
Boyfriend for Real? || jk x iu
RomansaSi Cassidy Jane Himenez ay isang simpleng estudyante lamang pero dahil sa impluwensya ng mga kaibigan niyang may boyfriend na ay nagpanggap narin siyang may boyfriend pero ang totoo a gawa gawa niya lamang ito. Pero nang dumating sa buhay niya si Ze...