CHAPTER 2

154 8 0
                                    


Chapter 2

Ti-timing lang ako sa usapan nila. Ipapakita ko na yung kakabog sa boyfriend nila, ang UKNOWN BOYFRIEND ko.

"Girls,hindi muna ako sainyo sasabay mag lunch ah, pupunta kasi dito mamaya yung boyfriend ko." Payabang ni Reyn nanaman saamin. Ito na talaga, sasabihin ko na!

"Ahh, gusto ko na sanang ipakita yung picture ng boyfriend ko." Sige, maglalakas loob na ako! Fighting Cassidy! Fighting!

"Woaah! Patingin kami Cassidy! We're so excited!" Habang nilapit nila yung mukha nila saakin. Jusko po, ang kikinis.

Nilabas ko na yung cellphone ko, whoo! this is it. Ipa kita mo na sa kanila!

"Eto oh!" *proud face*

Bakit parang nadismaya sila? Pangit ba? Di naman ah ang pogi nga eh. Anong meron?

"Ah, Ex Boyfriend yan ni Daisy." Turo ni Reyn sa phone ko.

WHAT THE?! E-ex? Hindi pede haha! No way! Baka mag kamukha lang sila. Jusko po, hindi ko na alam yung gagawin ko. Sa dami naman kasing lalaki bakit ito pa?!

"Si Zen, kaya pala di mo sinasabi saamin eh. Kasi ex pala ni Daisy yung boyfie mo ngayon."

Whaaaa! So akward. Baka layuan na nila ako.

"It's okay Cassidy, past is past. Just focus on your relationship."  Hagod ni Daisy sa buhok ko.

"Sorry Daisy, hindi ko kasi alam. Thank you nalang sa concern sa relationship namin."  Sabay nag smile sila saakin.

Nanginginig ako shete, hindi ko talaga alam. Anong kalokohan to Cassidy? Isa kang malaking SHONGA.

"Isabay mo naman sya sa lunch natin mamaya." Singit ni Sahara.

Sabay? Eh hindi ko nga kilala yon eh? Tsaka hindi ko alam kung nasan sya.

"Ahh may gagawin pa kasi siya mamaya eh. Pasensya na." Reyna nang kasinungalingan, Cassidy.

"Edi puntahan nalang natin sya sa room nya. Pilitin natin! Tara girls!" Bigla silang tumakbo.

WHAT THE? Dito nag aaral yon!? Teka! Halaaa omg!

"Saglit lang!!" Sigaw ko sa kanila habang tuloy tuloy parin sila sa pagtakbo.

"SAGLIT LAANG!" Sinundan ko nalang sila ng takbo, kasi papunta na sila sa room ng fake boyfriend ko.

Nasa pintuan na sila nang room, lintek naman oh! Di ko alam na kilala pala nila yung lalaking yon, at Ex pa ni Daisy.

"Where's Zen?" Bungad ni Reyn doon sa isang estudyante. Habang ako nasa likod lang nila nagtatago. Huhu!
"Zen! May naghahanap sayo!" Sigaw nung estudyante, hala hindi ako makatingin. Pero naririnig ko nang papalapit na siya.

"Zen, samahan mo naman kami mag lunch ng girlfriend mo." Nasa harap na namin sya. Halaa!

"Gi-girlfriend?!" Halatang nagtataka siya. Nakooo!

"Oy! Tara na nga dito hehe. Ikaw talaga hindi mo na agad ako na alala, Ah saglit lang Girls ah? May sasabihin lang ako sakanya." Sabay hinila ko siya papalayo dun sa 4BTies. Arghh! Ano bang kahihiyan tong ginawa ko!

Boyfriend for Real? || jk x iuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon