Chapter 3
Ang aga ko nagising, pero time na rin para mag prepare. Ewan ko ba kung hindi ako gaanong excite sa party ni Daisy. Para bang walang wala ako. Sana naman kahit papaano mag enjoy ako.
*Ding Dong*
May nag doorbell, sino naman kaya to? Ang aga aga eh.
"Ano ba naman yan Kaycee, ang aga aga eh. AHHH!" Sabay ba naman akong hinila sa kwarto ko. Ano bang problema neto? May dala siyang malaking bag. Anong kalokohan to?
"Hoy babae, wag ka magtanong dyan kung bakit andito ako. Aayusan kita baliw! Pupunta ka sa party, mamaya yung ayos mo naka piggy tail nanaman. Eto may dala akong pang hair style tsaka damit. Alam ko naman kasing wala kang matitinong damit kaya dinalhan na kita. Mamaya yung ayos mo doon pang ewan." Sabay tinulak niya ko sa kama ko at hinahanda na niya yung mga pang hair style. Halos tumalsik na yung laway niya sa pagsabi niyan, sobrang lakas pa ng boses. Muka talaga tong ewan, parehas lang sila ni Zen.
"Ang OA mo naman Kaycee, halos tatalunin ko na ata yung magbibirthday eh. Kumalma kalang, ok na ko dun sa simple lang." Napa hinto siya sa ginagawa niya, lumapit siya saakin at kinurot niya yung pisngi ko.
"Kahit kelan ka talaga. Trust me pag punta mo doon, sigurado akong mas kinabog pa nila yung nag debu." Maniwala ako sakanya. Sus.
"Wala rin naman tong effort mo eh. Hindi naman siya pupunta." Ngumiti lang ako at yumuko. Napa upo siya sa tabi ko.
"Yung nakwento mo sakin kahapon na yung na picturan mo noon, tapos pumayag na maging kayo pero fake lang? In short, hindi sasama yung boyfriend mo?"
"Oum. May gagawin kasi sya eh, wala naman akong magagawa hindi rin siya pinilit nila Daisy." Tinayo ako ni Daisy tas tinulak niya ako sa cr, binato niya sakin yung towel.
"O sya, kahit wala siya o nandun okay lang yan. Malay mo doon kana makahanap ng true boyfriend mo diba? Maligo kana dyan bilis!" Sinara na niya yung pinto. Sinimulan ko narin maligo.
Tama nga naman, fake lang naman diba? walang malisya o totong nararamdaman. Pero bakit ba ganito yung nararamdaman ko? Ang weird talaga, hindi ko alam kung bakit nadidisappoint ako. Grrr, tumigil kana Cassidy. Malay ko ba, makahanap narin ako ng true boyfriend ko. Hindi lang naman si Zen ang lalaki sa school, meron pa nga diya hindi epal, hindi palaasar, hindi masyadong ma-aura. In short, marami pa!
----
Pagkatapos ko maligo, binihisan na agad ako ni Kaycee. Dun talaga kami nahirapan sa damit, halos kasi lahat maluwag saakin, pero nakahanap narin kami ng simple pero maganda. Nilagyan nya rin ako ng konting make up, kakapalan niya dapat sana kaso inunahan ko na siya. Sunod na yung hairstyle, dun kami masyadong natagalan.
Kinulot pa kasi niya eh, eh medyo makapal tong buhok ko. Ang huli ay heels, susko po iniiyakan ko na siya na wag nalang tong heels. Kaso hindi siya pumapayag, tiisin ko nalang daw tong taas. Huhu, paltos aabutin ko dito.
And tadaaa! I'm already done!
BINABASA MO ANG
Boyfriend for Real? || jk x iu
RomanceSi Cassidy Jane Himenez ay isang simpleng estudyante lamang pero dahil sa impluwensya ng mga kaibigan niyang may boyfriend na ay nagpanggap narin siyang may boyfriend pero ang totoo a gawa gawa niya lamang ito. Pero nang dumating sa buhay niya si Ze...