CHAPTER 8

117 9 0
                                        

Chapter 8

CASSIDY'S POV

Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni Kier kanina, para bang na wrong send lang siya ganon? Pero may isang tao na sa school na nakakaalam ng sekreto ko, may tiwala ako kay Kier.

Naglakad lang akong pauwi ng school, kailangan ko na palang bisitahin si Zen. Kamusta na kaya siya?

Kakatok palang sana ako sa napaka laking gate nila, kaso bumukas na agad.

Bumungad na agad saakin yung maid nila Zen, siya pala yung dating maid na nagasikaso saakin noong pumunta ako dito.

"Oh Cassidy bat ka napadaan?"

"Uhm, nandiyan po ba si Ate Faye?"

"Wala siya ngayon, nasa trabaho siya. " Hays mabuti naman, hindi kasi ako makabwelo ng usap kay Zen pag nandiyan si Ate Faye.

"Ahh ok po, gusto ko lang po makita si Zen. Ok na po ba sya?" Parang kinilabutan yung maid anong meron?

"Nako ineng, halos minsan nalang yan lumabas sa kwarto niya. Nagkukulong nga eh pero last na check ko naman sakanya ng lagnat eh okay na siya."

Okay na pala siya eh, bat di parin siya pumapasok?

"Tar na nga ineng, pasok ka." Lumakad na ako papasok ng mansyon nila tas sabay sinarado nung maid yung gate.

Napansin ko nga antahimik ng bahay nila halos puro maid na nga lang yung nandito.

"Oh maiwan na kita ineng ah, marami pa akong aasikasuhin. Ipahanap mo nalang ako sa ibang mga maid pag kailangan mo ako ang pangalan ko nga pala ay Mely."

"Sige po."

"Sige, ingat sa pagbisita kay Zen. Ay teka! Kaano ano mo pala si Zen?" Ito na ata yung dati niyang pinagtataka.

"Ahh eh, kaibigan po at schoolmate." Naks, ito nanaman ako.

"Ahh ganun, pasensya na natanong ko hehe. Sige na akyat na sa taas." Tinaas baba niya yung kamay niya at umalis na.

Umakyat narin ako sa taas para makita yung lagay ni Zen. Naka sarado nga yung pinto niya. Nagkukulong talaga. Ano kayang ginagawa neto?

Pagkabukas ko ng pinto nakita ko siyang nakahiga sa kamay niya habang nag cecellphone.Nakabalot siya ng kumot.

"Hoy lalaki ilang araw kanang di pumapasok!" Sigaw ko sakanya habang kinakapa ko yung noo niya. Hindi parin siya kumikibo.

"Hindi ko alam na marami ka palang ginagawa habang wala ako huh." Seryoso yung boses niya, anong ibig sabihin niya? Loko loko na ata to eh.

"Anong nangyayari sayo ok kalang ba?" Nakakapagtaka naman tong Zen na to.

Tumayo siya sa higaan niya dala yung cellphone niya, palapit siya ng palapit saakin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, anong gagawin niya? Napa hinto ako sa pader, naka dikit na ako doon tapos bigla niyang nilagay yung isang kamay niya paharang sa gilid ko. Binuksan niya yung CP niya at may pinakita siya saaking isang litrato.

Boyfriend for Real? || jk x iuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon