Chapter 5
*Alarm*
*Alarm*
*patay alarm*
Oha! Napa alarm pa ako sa sobrang excite pumunta kila Ate Faye. Hm! Kakalimutan ko muna yung Zen na yon. Dapat good mood ako ngayon.
Bumaba na ako sa kusina, at aba! Bat andaming pagkain ang nakahain dito? Anong meron?
"Oh, gising ka na pala Cassidy. Kumain ka muna." Si Ate Faye, at ang aga niya pumunta dito ah.
"Ate Faye, kabisadong kabisado nyo pa talaga yung bahay namin ah. Hindi parin nakakalimot." Habang naghahanda siya ng mga pagkain sa lamesa.
"Sus, ikaw pa. Hinding hindi ko makakalimutan ang bahay ng kaisa isa kong babygirl." Sabay flying kiss niya saakin, ang cute naman para siyang bata.
"Akala ko po ba ako yung bibisita sa bahay nyo?" Umupo na ako sa isa sa mga upuan habang kaharap si Ate Faye.
"Kaya nga, susunduin kita syempre. Malapit nalang naman dito yung bahay namin. Oh, kumain kana diyan magpakabusog ka ah. Kasi yung batugan kong kapatid laging umaasa sa mga pagkain sa labas kaya hindi kami naghahanda ng pagkain doon. Eh syempre namiss ko narin naman magluto, pinaghandaan nalang kita."
"Eh yung kapatid nyo po ba? Hindi niya po ba kinakain yung hinahanda nyo?" Napasubo na siya ng pagkain. Uminom siya ng tubig, halata ko kay Ate Faye na nagiba yung ekspresyon niya.
"Hindi Cassidy eh, ayaw niya saakin tsaka masama yung loob niya. Kaya hindi siya nagiging open saakin, pero kinakausap ko naman siya." Ngumiti nalang siya at kumain ulit.
"Bakit po? Nag away po ba kayo?" Ginalaw ko na yung pagkain ko at sumubo na ako, uhhm. Ang sarap talaga magluto neto ni Ate Faye, nakakamiss rin.
"Family issues lang, sige hayaan mo na yun. Kumain kana dyan mamaya magutom kapa."
Kumain na ako ng ibat ibang klase ng niluto ni Ate Faye, may carbonara, vagetable salad, baked cookies at marami pang iba. Sobrang sarap, hindi nakakasawa mabubusog ka talaga. Si Ate Faye din halatang masaya dahil nakikita niyang nasasarapan ako sa luto niya.
Pagkatapos ko kumain, pinagbihis na ako ni Ate Faye para makaalis na kami. Siya talaga yung pumili ng damit ko, maganda rin kasi tong si Ate Faye mag ayos. Kaya sinuklayan niya ako at inayusan. Tapos narin, simple lang ako. Gusto ko kasi maging maayos sa bahay ng iba.
"Cassidy, you're so beautiful even in simple make over. You slayed it." Hinimas niya yung mukha ko at kita ko sakanya yung ngiting proud siya.
"Thank you Ate Faye, siyempre di naman magiging ganto yung itsura ko kung di rin dahil sa maganda rin yung nag ayos!" Yinakap ko siya ng mahigpit. Tumawa siya ng mahina.
"Sus! Nambola pa ang babygirl. Tara na?" Kinuha niya yung kamay ko at excite na excite narin siya.
Pagalabas namin ...
"Malapit nalang dito yung bahay namin."
Oo nga ang lapit. Naka kotse pa si Ate Faye, oo grabe. Tutal hindi maganda sa tulad ni Ate Faye ang maglakad baka magulo yung beauty niya.

BINABASA MO ANG
Boyfriend for Real? || jk x iu
RomanceSi Cassidy Jane Himenez ay isang simpleng estudyante lamang pero dahil sa impluwensya ng mga kaibigan niyang may boyfriend na ay nagpanggap narin siyang may boyfriend pero ang totoo a gawa gawa niya lamang ito. Pero nang dumating sa buhay niya si Ze...