Chapter 9
ZEN'S POV
Fuck. Late ako. Halos napuyat ako kagabi.
Sana umabot pa ako sa 1st class, gagi naman eh last quarter quiz namin bukas. Tae naman kinakabahan ako, first time ko palang malate. Ilang araw pa ako nawala ng dahil sa lagnat na yun, badtrip talaga.
"Zen?!" Shit naman, bakit ngayon ka pa nagparamdam.
"Ts, wala kong oras. Pede ba, malalate na ako."
Hinawakan niya yung kamay ko, takte. Hindi parin talaga maalis sa babaeng to yung pagkaharot. Bakit ba to naging kaibigan ni Cassidy?
"Zen, nag cutting class lang ako para makita ka tapos ngayon iisnabin mo ako?" Aish, naiirita nanaman ako sa kapabebehan niya.
"Then why would I care?" Inalis ko nalang yung kamay ko na hawak niya. Malalate pa ako ng dahil sakanya, kahit mainis siya wala parin akong pake sakanya.
----
*kring kring*
Putcha talaga, buti nalang natapos ko yung lahat ng subject. Kundi wala nanaman akong masasagot bukas, hays. Sana matapos na lahat ng test na nakakastress.
Teka nga pala, magtatampo nanaman yung magaling kong bunny pag di ako nakita non. Kilala ko na siya, isang galaw ko gagawan niya ng reaksyon.
Lumakad na ako papuntang room nila, isabay ko nalang siya maglunch tutal ayoko siyang makisama doon sa mga plastik niyang kaibigan.
Taena bumungad agad saakin si Cassidy na kaharap si Kier, kahapon pa tong mga to ah. Nagtatawanan pa sila ni Cassidy, eto namang Kier akala mo hindi lalaki alam ng may boyfriend yung babae papatulan pa. Galawan mo pre bulok.
"Hey!" Lumapit ako sakanya at inakbayan ko siya, hindi kita mapapatawad Ms. Rabbit.
"Zen?" Abaa, mukha atang nagulat silang dalawa ah. May pinaguusapan talaga tong mga to na ayaw sabihin sakin.
"Kier, kukunin ko na pala yung Girlfriend ko ah. Salamat pre sa pagtingin sakanya." Inamo ko yung buhok ni Cassidy at hinila ko siya paalis. Sinabi ko palang sakanya na layuan si Kier, mas lalo pang lumalapit.
Hinatak ko siya sa Canteen, umupo ako at pina upo ko siya sa isang vacant seat.
"May pinag usapan lang kami tungkol sa lesson, mali yung iniisip mo." Pinag uusapan tungkol sa lesson? Haha, kaya pala nagtatawanan kayo.
"Bakit ano ba sa tingin mong nasa isip ko?" Yumuko siya.
"Wa-wala." Ayoko maglabas ng sama ng loob kay Cassidy, alam mo naman ang mga babae kapag ayaw lang makasama siya sa ibang lalaki nagseselos na agad. Ayoko lang kasing may makasira ng pagpapanggap namin, mamaya gawan pa ng mga kaibigan niya ng malisya.
----
CASSIDY'S POV
Galit kaya siya? Naalala ko kasi yung sinabi niya kahapon, na wag akong mag papaalaga sa iba kung hindi naman siya. Natatakot ako kasi baka mamaya iba talaga yung iniisip niya.
"Hoy Bunny. Bumili kana dun ng makakain nagugutom na ako." Arggh! Utusan ba naman daw ako. Epal talaga.
Nang biglang may lumalit saaming lalaki, si Kier pala. Nakoo! Yari nanaman ako kay Zen. Pero bahala siya, hindi ko naman siya totoong boyfriend para magalit siya saakin. Hm! Bahala talaga siya.
May dalang pagkain si Kier, dito ba siya mag lulunch?
"Uhm hi Cassidy and Zen. Binilhan na kita ng pagkain Cassidy, ikaw gusto mo Zen?" Ang sama ng tingin nila sa isat isa umupo si Kier sa tabi ko sabay hinanda niya na yung mga pagkain.
"Who told you to buy this?" Sabay nilayo ni Zen yung binigay na pagkain ni Kier. Whaa! Trouble.
"I didn't bought this for you, this is for Cassidy. Mali lang kasi na basta basta utusan yung babae." Sabay sinaamaan ng tingin ni Kier si Zen. Pero ako nandito sobrang naakward sa kanila.
"Aba, nagpapakitang anghel kasi nandito yung babaeng gusto niya?" Sabay tumawa ng mahina si Zen, pero ang sama parin ng tingin ni Kier.
"Dont be proud na porke naturingan kang boyfriend ni Cassidy eh pwede kanang mag hari, tandaan mo diba nagpapanggap lang kayo?" Grabe, hindi ko pa naririnig magsalita ng ganito si Kier. Para siyang lalaking version ng mga kontrabida sa drama. Nagulat si Zen sa sinabi niya, hindi ko pa kasi nasasabi sakanya na nasabi ko kay Kier yung pagpapanggap namin. Sobrang nakakatakot na yung tingin ni Zen, siguro kung ako tiningnan niya ng ganyan mamatay na ako.
"Andami mo pang sinabi, hindi mo nalang sabihin na gusto mo siya. Wag ka mag alala Kier, ibibigay ko naman si Cassidy eh. So go, hindi ako sasalungat."
Halos lumaki na yung mata ko sa sinabi niya, umalis siya ng padabog. Sobrang galit na ata siya, siguro dahil di ko sinabi sakanya na sinabi ko pala kay Kier yung sekreto namin. Pero siya na mismo nagsabi na papakawalan niya ako, baka pagod narin siya eh. Kaya hayaan ko nalang, pero aaminin ko mas ideal type ko si Kier. Una palang, gusto ko na siya maging real boyfriend kaso nahuhulog ako kay Zen. Ang masakit dun sinalo niya nga ako kasi binigay niya rin ako sa iba. Diba para lang akong laruan? Ang hirap ihandle ng emotion ko halo halo.
"Cassidy wait me here." Umalis siya, susundan niya ata si Zen. Ano kayang gagawin nila?
Naisipan kong sundan silang dalawa. Naglakad pala si Zen sa isang corridor na walang tao kaya nandun rin si Kier. Nandito lang ako si likod nila nagtatago sa isang harap ng room. Anong pag uusapan nila?
"Zen!" Sigaw ni Kier, humarap si Zen at lumapit siya kay Kier.
"Hindi sa personalan, pero may feelings kaba kay Cassidy?" Tinanong na niya, ang matagal ko ng gustong gusto itanong kay Zen.
"Wala, do what you ever you want. I don't freakin' care."
Gusto kong umiyak sa sinabi niya, bakit sobrang sakit? Yung mga pakilig niya ba wala lang yon? Bakit niya ako pinaglaruan? Ako naman kasi tong nagpaloko eh, angtanga tanga ko rin. Akalain mo yun napaikot niya ako.
Aba, may tumutulong na palang luha sa mata ko. Luhang nagsasabing bakit ka kasi umasa. Gusto ko na tapusin yung pagka konektado sakanya, halos ayoko na siya makita.
"Cassidy?" Narinig pala nila yung iyak ko. Si Kier lang yung lumapit saakin at si Zen umalis. Tama lang na umalis siya, kundi baka nga natuluyan ko na siyang sapaking bwiset siya.
"Haha, hindi ako makapaniwala. Tanga kasi ako eh nagkagusto pa ako dun. Alam kong namang fake girlfriend lang yung turing niya sakin." Pinunasan niya yung luha ko at humarap siya saakin.
"Nandito naman ako e, atleast ako papahalagahan kita. Hindi tulad nung ewan na yun."
Yeah, mas mukhang sasaya pa ako kay Kier. Wala na yung epal sa buhay ko wala na talaga.
----
~*END OF CHAPTER 9*~

BINABASA MO ANG
Boyfriend for Real? || jk x iu
RomanceSi Cassidy Jane Himenez ay isang simpleng estudyante lamang pero dahil sa impluwensya ng mga kaibigan niyang may boyfriend na ay nagpanggap narin siyang may boyfriend pero ang totoo a gawa gawa niya lamang ito. Pero nang dumating sa buhay niya si Ze...