Chapter 1

18.2K 439 54
                                    

Sofia

"Sh*t bakit ba nangyayari sa akin ito?!" Inis kong sabi sa sarili ko habang tumatakbo. Lumingon ako sa likod at nakikita ko na parami na ng parami ang mga lalaking humahabol sa akin.

Ano nang gagawin ko?

Pumasok ako sa eskinita para matakasan sila at nang mapansin ko na medyo nakakalayo na ako ay agad akong huminto para magpahinga muna.

Lumingon ako sa direksyon nila at nakita kong hinahanap na nila ako. "Sh*t naman anong gagawin ko?" Napansin ko na papalapit na sila sa direksyon ko. Lagot na...

Sumandal ako sa pader para hindi nila makita.

"Paano na 'yan baka makita nila ako kailangan kong magtago" Napansin ko ang isang lalaki na dumaan sa harap ko, agad kong hinawakan ang braso niya at hinila papunta sa akin. Sh*t mukhang mapapasubo ako ah. Napatingin ako sa direksyon ng mga lalaki na humahabol sa akin ngayon ay papunta na sila sa direksyon ko para hanapin ako.

"Bakit mo ako--" bigla kong siyang hinalikan at niyakap para makapagtago ako sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko pero agad din siyang nagrespond, nagulat ako nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit at diniin ang pagkakahalik. Hala?!

Napatingin ako mga lalaki at nakalagpas na sila ngayon. At nang makaalis na sila. Agad kong tinulak ang lalaki. Nagulat siya sa ginawa ko. Tumingin ako sa kanya ng masama at akmang aalis na pero agad niyang hinawakan ang braso ko.

"Pagkatapos mo akong halikan, iiwan mo ako ng ganun ganun nalang ang humalik sa akin ay magiging girlfriend ko at hinalikan ko ako kaya girlfriend na kita, teka?" Napansin ko tumingin siya sa dibdib ko. Agad ko naman itong tinakpan.

"Babae kaba?" Nakakunot noong tanong niya sa akin. Aba bastos to ah!

"Bastos! F*ckboy!" Sigaw ko sa kanya at sasapakin ko na sana siya pero agad niyang hinarangan ng kamay niya ang kamao ko.

"Masasabi mo bang F*ckboy ako kung flat chested ang girlfriend ko?" Sabi niya at agad akong inakbayan. Aalisin ko sana ang kamay niya at pipilitin nang bumulong siya sa akin.

"Bumalik ang mga humahabol sa'yo" Nagulat ako sa sinabi niya at napalingon sa likod. Bumalik nga sila.

"Halikana boyfriend saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya at pilit ngumiti. Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Iuuwi na kita girlfriend sa bahay, ipapakilala kita sa kama ko" sabi niya sa akin sabay kindat. At naglakad na kami paalis para matakasan ko na ang mga lalaking humahabol sa akin.

Nang makalayo na kami sa mga lalaking humahabol sa akin ay agad kong siniko ang lalaki na nakaakbay sa akin.

"Aray! Bakit mo ginawa 'yon?!" Napahawak siya sa tagiliran niya sa sobrang sakit.

Tinalikuran ko na siya at maglalakad na paalis pero nagsalita siya.

"Teka? Hindi pa kita napapakilala sa kama ko iiwanan mo na agad ako?" Siya, hindi ko nalang siya pinansin at naglakad na paalis.

Naglakad na ako sa gilid ng kalsada na komportable at walang gugulo sa akin. Hays, salamat natapos narin.

"Oy, girlfriend bakit ang tahimik mo?" Halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang may magsalita sa likod ko. Napatingin ako sa likod at nakita ko ang bastos na lalaki na nakangiti sa akin.

"B-bakit?" Inakbayan niya ako ulit.

"Gusto mo pala sa hotel bakit hindi agad sinabi pinasunod mo pa ako" sabi niya at hinila ako sa paglalakad.

Ang Boyfriend Kong FuckboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon