Sofia
Mabuti nakaligtas ka sa kanila" sabi sa akin ni Mr. Collin at ininom ang kanyang hawak na kape.
"At dahil 'yon sa Gwapo niyang Boyfriend" pagyayabang ni Jack sa harap namin. Nagtaka naman si Mr. Collin sa sinabi ni Jack pati na rin ang iba pang miyembro ng City Hunters.
"Sofia, boyfriend mo siya? Hindi ko alam na ganyan pala ang type mo, parang takas sa mental" bulong sa akin ni Dave sabay tawa ng mahina. Tiningnan ko lang siya ng masama.
"Kailan pa naging kayo, Jack? Matagal na ba kayong magkakilala?" Tanong ni Mr. Collin at tumingin kay Jack. Hindi ko alam kung saan nagmana si Jack dahil matino naman parehas ang magulang niya.
"Hindi na mahalaga yung tungkol sa amin" seryosong sabi ni Jack, kinuha ko ang kape na nasa tapat ko at iinumin na sana ito pero agad itong inagaw ni Jack sa akin.
"Anu ba?!" Inis kong sabi sa kanya.
"Akin na lang itong kape pampatapang, para kaya kitang ipaglaban" sabi niya sa akin sabay kindat. Inirapan ko nalang siya at humarap kay Dad.
"Kailangan na nating mas maging maingat sa impormasyon na ipapadala sa atin para wala nang mapahamak, at hindi na mangyari ulit ang nangyari kahapon kay So--"
"So flat" sabi ni Jack, nagtawanan naman ang mga kamiyembro ko sa akin. Tss, oo na inaamin ko naman na flat ako pero wag namang ipamukha.
"Jack Collin!" Nagulat kaming lahat nang magtaas ng boses si Mr. Collin, pero imbis na tumahimik ang buong City Hunters, mas lalo pang lumakas ang kanilang tawanan.
"Jack Collin daw? Hahaha" sabi ni Pablo sabay tawa ng malakas.
"Tumahimik na kayo, Jack pwede bang lumabas ka muna mahalaga ang pag uusapan namin hindi ito isang biro" seryosong sabi ni Mr. Collin kay Jack. Tumayo naman siya at ngumiti.
"Sige ba, ingat girlfriend" sabi niya at lumabas na.
Pagkatapos ng meeting at tumayo na kami at naglakad paalis. Binuksan ko ang pinto. Nagulat ako nang makita ko si Jack sa harap ko na nakangiti.
"May gagawin ka mamayang gabi?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako at lumabas na.
"Kailangan mo ng proteksyon?" Siya.
Huh?
"Hindi na kaya ko na ito" sabi ko sa kanya.
"Huh? Paano pag may nangyari sa atin at nabuntis kita?" Nagulat ako sa sinabi niya at hinanda ko ang kamao ko para suntukin siya.
"Teka, teka hindi ka naman mabiro" sabi niya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako sa kanya, dapat manatili lang kalmado walang mangyayari sa'yo kung papatulan mo yang monggi na'yan.
"Hey, Jack Collin hahaha bentang benta hahaha Jack Collin Moto hahaha" sabi ni Pablo sabay hagalpak ng tawa. Mukhang napikon naman si Jack sa sinabi niya.
"Tarant*do ka ah! Ikaw anong pangalan mo?" Inis na sabi ni Jack sa kanya.
"Pablo Job, bakit papalag ka?" Nagulat kami sa sinabi ni Pablo.
"Pfft! Hahaha Pablo Job daw hahaha" hindi ko ring mapigilan ang tawa ko ang malaman ang apelyido ni Pablo. Akala ko malala na ang pangalan ni Jack, mas malala pala yung Pablo.
"Loko ka ah" at itutulak na sana ni Pablo si Jack pero agad ko siyang pinigilan.
"Tumigil ka na" sabi ko sa kanya at binigyan siya ng matalim na tingin.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Fuckboy
HumorRATED MEDYO SPG Nabubuhay ako sa magulong buhay pero mas gumulo pa ito nang makilala ko si Jack Collin ang boyfriend kong Fuckboy. Started: May 16, 2017 End: June 07, 2017 Credit to yoo_kurisoo