Sofia
Nandito kami ngayon sa presinto. Katabi ko naman ang bastos na lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan niya.
"Buti nalang tinext agad kami ng kasama mo, napadali ang paghahanap namin sa mga most wanted na ito" sabi sa akin ng isang pulis at ngumiti sa lalaki.
Nung niyakap niya ako, nagtetext na pala siya sa mga pulis. May isip din pala ang lalaki na ito kahit bastos at may pagkamonggi.
"Teka? Pagkatapos nito, saan ka pupunta?" Tanong sa akin ng lalaking ito.
"Sa bahay" tipid kong sabi sa kanya at tumayo na.
"Wait, sir paano kung balikan siya ng mga lalaking humahabol sa kanya at patayin siya? Sa bahay ka muna namin tumuloy para maprotektahan ka, aanakan kita este aalagaan kita" sabi niya, tiningnan ko lang siya ng masama.
"Paano nga kung balikan ka nila?" Tanong ng pulis sa akin.
"Kaya ko na ang sarili ko" sabi ko sa kanila at tinalikuran na. Lumabas na ako ng presinto at maglalakad na sana paalis nang marinig ko ang boses ng lalaki.
"Hindi na ba tayo magkikita?" Huminto at lumingon sa kanya.
"Hindi na" tumakbo siya palapit sa akin.
At nagulat ako nang bigla niya akong halikan. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Kahit hindi na tayo magkita tandaan mo na girlfriend parin kita" sabi niya sa akin. Tss, napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya. Ngumiti siya sa akin at tinalikuran na ako. Teka? Itatanong ko ba sa kanya kung anong pangalan niya? Hindi na siguro dahil hindi na naman kami magkikita.
Jack
"Bro, himala yata hindi ka lumapit sa mga chicks doon" sabi sa akin ni Simon habang nakatingin sa mga magagandang babae na nasa harap namin. Napansin ko na lumapit sa akin ang isang magandang babae, malaki ang kanyang hinaharap at sobrang sexy niya."Ah, kaya pala mga chikababes ang lumalapit sa kanya iba ka talaga Jack, how to be you po?" Biro niya sa akin.
"Hi Jack, gusto mo bang sumaya ngayong gabi?" Malanding bulong ng babaeng ito sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya at agad siyang niyakap, nagulat siya sa ginawa ko at ngumiti.
Tinapat ko ang bibig ko sa tenga niya."Oo, sa girlfriend ko kaya layuan mo na ako" mahinang bulong ko sa kanya. Napansin ko ang hindi maipintang reaksyon niya sa narinig niya. Lumayo na siya sa akin, nginitian ko lang siya at tumingin sa mga kaibigan ko. Gulat na gulat sila sa ginawa ko.
"Bro, anung nangyari? Chicks na ang lumapit sa'yo hindi mo pa tinuka kung ako ikaw pinakilala ko na agad 'yan kay kama" sabi ni Steven sa akin.
"Tss, may girlfriend na ako kaya hindi na pwede sa akin 'yan" mas lalo pa silang nagulat sa sinabi ko.
"Ano?! Kailan pa?" Tanong sa akin ni Simon.
"Maganda ba? Sexy? Sigurado akong malaki rin ang hinaharap si Jack pa alam ko ang mga tipo mo bro" napailing lang ako sa sinabi ni Theo.
"Hindi, flat chested siya pero hot" pagmamalaki ko sa kanila.
"Flat chested pero hot? Nagpapatawa ka ba? Imagine nalang natin siya na bagong ligo at lumabas sa bathroom na nakatapis lang, oo nga noh? Ang hot niya, parang Fresh lumpia" natawa naman sila sa sinabi ni Simon, nainis ako sa sinabi niya at agad siyang tinulak at kwinelyuhan.
"Bro, easy" pagpigil nila sa akin.
"Bro, hindi ka naman mabiro suko na ako haha" nakangiting sabi niya sa akin at tinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko. Agad ko namang tinanggal ang kamay ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Fuckboy
HumorRATED MEDYO SPG Nabubuhay ako sa magulong buhay pero mas gumulo pa ito nang makilala ko si Jack Collin ang boyfriend kong Fuckboy. Started: May 16, 2017 End: June 07, 2017 Credit to yoo_kurisoo