Chapter 15

4.8K 147 12
                                    

Sofia

Agad kaming nagpunta sa isang abandonadong building sa Carmona at hinanap kung nasaan si Jack. Tinapat ko ang baril ko sa harap para sa depensa. Naghiwalay naman kami nila Dave at Pablo para mahanap ko si Jack at mahanap nila si No Name at ang kanyang hitman.

Napatingin ako sa taas nang may narinig akong kalabog mula doon at agad kung pinuntahan. Nagulat ako nang makita ko si Jack na nakatali ang kanyang mga kamay at paa, nakapiring ang kanyang mga mata at nakabusal ang kanyang bibig.

Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang piring sa kanyang mga mata nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ako at umungol ng malakas.

"Hmmm! Hmmm!" Napakunot naman ako ng noo dahil hindi ko maintindihan ang ginagawa niya. Tinanggal ko ang busal sa bibig niya.

"Sofia, babarilin ka!" Agad kong hinampas ang baril sa gilid ko at tumalsik ito sa labas. Humarap ako sa lalaki na ngayon ay nakataas na ang kanyang dalawang kamay. Binigyan niya ako ng mapang asar na ngiti.

Babarilin ko na sana siya pero nagulat ako at napabitaw sa baril na hawak ko nang tamaan ng bala mula sa harap ang baril na hawak ko. Tumingin ako sa harap at nakita ko ang nakamaskarang itim na lalaki na nakatingin sa amin mula sa kabilang building. Ngayon ay nakatutok sa direksyon ko ang kanyang hawak na baril, businessman ang kanyang pormahan pero hindi makita ang kanyang mukha dahil sa kanyang maskara.

"No Name" sabi ko nang makita ko ulit siya. Tiningnan ko lang siya ng masama at napatingin sa lalaking pumatay sa magulang ko.

"Kawawa naman tayo no? Akala ko kayo ang mapapaikot ko parte rin pala ako sa plano niya tsk! Mukhang mamamatay na din yata ako dito pero bago ako mamatay may mahalagang sasabihin muna ako sa'yo--"

Nagulat ako nang marinig ang putok ng baril. Lumabas ang dugo mula sa kanyang bibig at natumba na siya sa sahig. Bumungad sa likod niya sa Pablo na may hawak na baril.

"Ok na ba kayo Sofia?" Nag aalalang tanong sa amin ni Pablo at lumapit sa amin. Bakit niya binaril agad ang lalaki? Ano ang mahalagang sasabihin ng lalaki? Tungkol kaya ito kay No Name?

Tinanggal na namin ang tali kay Jack. Dumating na rin si Dave na parang nag alala talaga sa amin dahil sa reaksyon niya nang makita kami.

Napatingin ako kay Jack, parang gulat na gulat siya nang makita niya ako at parang tulala siya.

"Ligtas ka na Boyfriend" sabi ko sa kanya, pero nanatili lang siyang tulala habang nakatingin sa akin. Nang nabalik siya sa reyalidad nagulat siya nang makita ako at agad na niyakap.

"Girlfriend..." sabi niya habang nakayakap. Anong nangyari sa kanya? Natrauma yata siya kay No Name. Hinanap nila Dave at Pablo kung nasaan na si No Name pero wala siya.

"Umuwi na tayo, Girlfriend" mahinang sabi niya sa akin, tumango naman ako sa kanya at itinayo na siya.

"Anong ginawa sa'yo ni No Name? Sabihin mo, papatayin namin siya" mata sa matang sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa ibang direksyon at umiwas ng tingin sa akin.

"Pagod na ako, uwi na tayo" sabi niya at tumayo na. Tiningnan ko ang mga bakat ng lubid sa kanyang kamay. Naglakad na siya paalis at hinabol ko naman siya. Wala siya sa sarili niya. Ano ba kasing ginawa ni No Name sa kanya? Tumingin ako sa kanya at nakikita ko na diretso lang ang tingin niya sa pupuntahan niya. Ibang iba siya ngayon kaysa sa Jack na makulit at malambing base sa mga kinikilos niya.

Ang Boyfriend Kong FuckboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon