Chapter 4

8.7K 271 13
                                    

Sofia

Yumakap ako sa unan ko at tumagilid. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at tumingin sa harap. Hinintay kong pumunta siya dito pero wala siya, kahit presensya niya ay hindi ako maramdaman.


"Hindi yata siya pupunta" sabi ko sa sarili ko at bumangon na. Pinauwi ko siya sa kanila kagabi dahil baka maulit at hindi na mapigilan ang muntikan nang mangyari. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon, hindi ko rin inaasahan na magagawa ko 'yon. Tsk! Magkaroon ka ba naman mg boyfriend na hot. Teka? Sinabi ko ba'yon? Hindi, hindi siya hot at lalong hindi ko siya boyfriend.


Tumayo na ako sa kama at maglalakad na palabas ng kwarto nang biglang nagbukas ang pinto.


"Good Morning Girlfriend" nakangiting bati niya sa akin. Napansin ko ang dala niyang mga paper bags at pagkain. Para saan ito?


"Nagdala ako ng pagkain dahil alam kong gutom ka na at sabi sa akin ni Pablo, hindi ka daw marunong magluto gusto sana kitang ipagluto pero baka mainip ka lang" sinabi ni Pablo? Ano 'yon? Close na agad sila?


Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Kinuha ko ang mga pagkain sa kanya at nilagay sa table. Nilahad naman niya sa akin ang mga dala niyang paper bag. Tiningnan ko lang ito at tumingin sa kanya.


"Anong gagawin ko diyan?" Tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinahawak ito sa paper bag na dala niya.


"Susuotin mo 'yan, pagkatapos nating kumain aalis tayo ipapakilala kita sa mga kaibigan ko" sabi niya sa akin.


"Bakit mo ako ipapakilala eh hindi naman kita Boyfriend" sabi ko sa kanya. Kinunotan niya lang ako ng noo.


"Boyfriend mo ako dahil Girlfriend kita" sabi niya sa akin.


"Sa ayaw at sa gusto mo, girlfriend kita at boyfriend mo ako" napailing nalang ako sa sinabi niya. Bahala nga siya.


Pagkatapos naming kumain ay kinuha ko ang mga paper bags at dumiretso sa banyo. Nilock ko ito para secured.


"Girlfriend!" sigaw sa akin ni Jack mula sa labas


"Anu?!" Sigaw ko.


"Baka natatakot kang maligo mag isa, gusto mo sabayan na kita? Sabay tayong maligo!" Napakabastos talaga ng lalaking ito. Tiningnan kong mabuti ang pinto at sinigurado na nakalock ito. Mas kinakabahan pa ako sa kanya kaysa sa mga kriminal na humahunting din sa akin.


"Bastos!" Sigaw ko dito. Narinig ko naman ang pagtawa niya sa labas.


"I love you girlfriend"


Nagulat ako sa sinabi niya sa sinabi niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Ang Boyfriend Kong FuckboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon