Chapter 13

5.8K 161 14
                                    

Sofia

"Paano nangyari 'yon?" Tanong ko sa sarili ko habang iniisip ang nangyari kaninang madaling araw. Pinikit ko ang mata ko at hinilot ang sentido.

"Kahit siya hindi niya rin alam kung anong hitsura ni No Name dahil hindi ito nagpapakita kapag may transaction sila nito" sabi ni Pablo habang nakatingin sa picture ni Mr. Sanchez at ginuhitan na ito ng markang ex, patunay na tapos na ang misyon namin sa kanya.

Tinapos na ang misyon namin sa kanya kaninang madaling araw sa pamamagitan ng pagbaril ulo niya. Napatingin ako kay Dave na kanina pa tulala simula nang makalaban namin ang agent na pinadala para bantayan si Mr. Sanchez.

"Anong nangyari sa'yo Dave?" Tanong ko sa kanya, nabalik naman siya sa reyalidad nang magsalita ko, tumingin siya sa akin na para bang wala sa sarili pero bumalik sa seryoso ang mukha niya nang makita ang makita ang picture ni Mr. Sanchez.

"Maghanda tayo para sa susunod" sabi niya sa amin, tumango naman kami sa kanya.

Pagkatapos ng meeting namin ay pumunta na kami sa beach at nakita ko si Jack, na pulang pula na para bang nakakita ng kung anong bagay na hindi niya inaasahan. Lumapit ako sa kanya at tiningnan din ang bagay na tinitingnan niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga damit at underwear namin kagabi na nakalutang at pinaglalaruan ng mga nagsi-swimming sa dagat ngayon. Pakiramdam ko ay uminit ang mukha ko sa sobrang hiya. Tiningnan ako ni Jack at ngumiti sa akin ng kaloko loko.

"Anong nginingiti ngiti mo?" Pagtataray ko sa kanya at saka inirapan siya.

"Naalala ko lang kasi ang nangyari kagabi" sabi niya sa akin sabay ngiti ng kaloko loko. Namula ako sa sinabi niya, nakakahiya.

Napatingin ako sa mga damit namin na pinaglalaruan ng mga nagsi-swimming. Naglakad si Jack papunta sa dagat at kinuha ang mga nakalutang na damit at underwear, kinuha niya ang mga ito at tiningnan ng masama ang mga taong nakatingin sa kanya.

"Bakit nagkakalat kayo sa dagat?" Tanong niya sa mga ito at naglakad na pabalik sa akin.

Kukunin ko sana sa kanya ang panty ko pero iniwas niya ang kamay niya para hindi ko ito makuha sa kanya.

"Ibigay mo nga sa akin 'yan!" Sita ko sa kanya at pilit na kinukuha ang panty ko pero iniiwas niya lang.

"Akin na ang panty mo dahil akin ka" sabi niya sa akin at nilagpasan ako. Naglakad na siya paalis pero sumunod ako sa kanya.

"Sige sundan mo ako, kung gusto mo ng part 2" malanding sabi niya sa akin sabay hawak sa bewang ko. Agad naman akong lumayo sa kanya.

"Fuckboy!" Sigaw ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Sa'yo lang" sabay ngiti niya ng kaloko loko at tuluyan nang umalis.

Dave

"Nabaril ko siya" sabi ko sa sarili ko habang iniisip ang nangyari kaninang madaling araw.

"Hindi mo naman siya mapatay" sabi sa akin ni Pablo at binigay sa akin ang juice na in-order ko, nagulat ako sa sinabi niya at tiningnan siya nang may pagtataka.

"May gusto ko sa agent na 'yon diba?" Tanong niya sa akin at ininom na ang juice na hawak niya.

"W-wala ah!" Pagtatanggi ko sa kanya.

"Tss, itanggi mo pa lalo kang nahahalata sa pagtatanggi mo"

Sofia

"Mukhang kailangan mo nang magpaalam sa boyfriend mo, Sofia" nililigpit na ni Pablo ang kanyang mga gamit bilang paghahanda sa pag alis namin dito papunta sa panibagong misyon. Marami na kaming misyon na nagawa marami narin kaming napatay at naghiganti na kami sa mga taong related sa pumatay sa mga magulang namin pero hanggang ngayon ay wala parin kaming impormasyon kay No Name.

Tiningnan ko ang huling larawan ng na nasa target list namin. Ang lalaking bumaril sa Mama ko. Ang muntik nang pumatay kay Jack noon.

"Oo, pero pagkatapos nito at napatay na natin si No Name ay babalik na tayo sa normal na buhay" sabi ko sa kanila at binilugan ng kulay pulang pentel pen ang larawan ng lalaking ito.

"Siya na rin siguro ang susi para malaman natin ang tunay na katauhan ni No Name" sabi ni Dave, at kinasa ang baril niya.
Inayos ko na rin ang mga gamit ko. Pagkatapos ay lumabas muna ako ng bahay at hinanap si Jack.

Nilibot ang tingin ko para makita siya, ngayon ay nakita ko siya na papalapit na sa akin at nakangiti.

"Malungkot yata ang Girlfriend ko" sabi niya sa akin at inakbayan ako.

"Jack, may sasabihin ako sa'yo" tumingin siya sa akin na para bang gustong malaman ang sasabihin ko.

"Aalis na kami" sabi ko sa kanya, hindi nagbago ang kanyang reaksyon bagkus ay ngumiti lang siya sa akin.

"May bago ba doon?"

Nagulat ako sa sinabi niya at parang naguilty na.

"Sorry" malungkot kong sabi sa kanya at napayuko. Hinawakan niya ang baba ko at tiningala ito para makita ko siya.

"Wala ka naman magagawa kahit alam kong ayaw mo akong iwanan" sabi niya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti.

"Kung talagang tayo, tadhana na ang gagawa ng paraan para magkasama tayo kahit kahit ilang beses mo akong iwan" hinalikan niya ako sa noo at ngumiti siya sa akin.

"Mag iingat ka sa misyon mo, at wag mong kalimutan na naghihintay ako sa'yo" sabi niya sa akin tumango naman  ako sa kanya at ngumiti din.

"I love you" sabi ko sa kanya ngumiti naman siya sa akin.

"Mahal din kita" sagot niya sa akin.

"Halika girlfriend magdate muna tayo bago ka umalis" sabi niya sa akin at hinila ako papunta sa restauhouse.

Dave

Iniisip ko pa rin ngayon si Yvonne, ayos lang kaya siya? Sa balikat ko lang naman siya nabaril at dumaplis lang 'yon kaya hindi siya mamamatay pero, nag aalala pa rin sa ako sa kanya. Hindi ko gusto na nag aalala ako sa ibang tao pero hindi ko mapigilan ang pag aalala ko sa kanya lalo na't biktima lang siya na nadamay sa misyon namin.

"Pwede mo siyang puntahan bago tayo umalis" sabi ni Pablo sa akin habang inaayos ang kanyang mga gamit.

"Hindi na, mas mabuti nang hindi ko na siya makita para madali ko siyang makalimutan" sabi ko sa kanya.

"Tss, si Mr. Lamvurat talaga napakatigas ng puso" tiningnan ko siya ng masama at hinawakan ang kutsilyo sa table na katabi ko. At binato ito sa kanya, nagulat siya sa ginawa ko at agad na nakailag kaya tumusok ang kutsilyo sa pinto.

"Easy naman Dave haha, hindi ka mabiro haha iniisip ko lang kung bakit ayaw mong magkaroon ng girlfriend, dahil ba kawawa siya pag nadamay siya sa misyon natin o kawawa siya kapag naging asawa mo na siya dahil mapapalitan ng Lamvurat ang apelyido niya? Hahaha" siya.

"Gusto mo bala na ang itama ko sa'yo sisiguraduhin ko na sapul na sa ulo mo" natawa lang siya sa sinabi ko.

"Puntahan mo na kasi haha baka magsisi ka pa" sabi niya.

"Mas lalo pa akong magsisisi kung magiging parte siya ng buhay ko"

"Bahala ka nga diyan basta ako maghahanap ng love life ko" sabi ni Pablo at binuksan pinto. Lumabas na siya ng room at iniwan ako sa loob.

Ang Boyfriend Kong FuckboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon